HERE WE GO!! WELCOME TO CEBU.
Hindi ko expected na yung vacation plan namin ni Cade ay magiging ganito kasaya. Paano ba naman kasi kasama si James. Tapos yung kambal. Then si Nixon at si Kendra. Ang sabi nya ay maid daw sya ni Nixon pero bakit ganoon, 16 years old pa lang sya. Muka namang nag e-enjoy din naman sya.
We are now here in Movenpick Hotel Mactan Island Cebu. We decided to take some rest for a while. This hotel has a hip of Mediterranean atmosphere with contemporary style. We have three rooms reserved for us. James and Nixon will share the room, VJ, JV and Cade will also need to share the room. And ofcourse Kendra and I. How I wish I can sleep with James too. I miss my husband.
"Ate Sophie, okay lang po ba na mauna na ako mag shower?" Nahihiyang tanong ni Kendra sakin.
"Yeah, sure." pahiga na sana ako para mag take ng nap. But I heard Kendra's voice.
"Hey, what happened?" nag aalala kong tanong sakanya. Pinipigilan nya yung sarili nya ngayon para wag magtatalon.
"Grabe Ate! Seryoso ba to? Parang isang bahay na yung laki ng room natin. Tingnan mo Ate merong jacuzzi, may bathtub pa. Tapos ang ganda ng view." Hindi mapakali si Kendra kung anong uunahin nyang hawakan sa loob ng room namin.
"Ikaw talaga Kendra, akala ko ano ng nangyari sayo eh. This is the Ibiza loft, so this is the most expensive room in this hotel." Sabi ko sakanya. I'm about to take my nap when I heard her again. Nasa likod ko pala naka sunod.
"Ibig sabihin, nasa 10,000php ang room natin?" manghang tanong nya.
"Nope. Higher. And you can enjoy anything you want to eat or drink inside this room." napa wow nalang si Kendra.
"So you mean Ate Sophie, na mahigit pa sa 10K ang binayaran ni Kuya Cade sa room na to?" Actually hindi si Cade ang nag bayad. Ewan ko ba, kasi nagtatalo talo yung 3 guys kanina kung sino ang mag babayad. Si Cade, James and Nixon ang nag aagawan kung sino mag babayad ng room namin. Pero sa huli si Nixon na ang nagbayad.
"Yes, and fyi si Nixon ang nag pay ng room natin. I think around 150,000php per day if I'm not mistaken." Halos mapa upo sa lapag si Kendra..
"A-ang mahal naman nitong room na to." Actually yes, it was very expensive pero for all of us barya lang naman samin yon. But not for Kendra. Dapat di ko nalang sinabi.
"That's why you should enjoy and try everything here. You can eat those chocolates and sodas in the fridge. But don't drink those liquor ah. Baka mapagalitan ako ni Nixon." Naka higa na ako sa kama. I just need to take some nap na talaga.
"Wow. Thank you talaga kay Sir Nixon at isinama nya ako." Yan na lang yung huli kong narinig kay Kendra. I'm too sleepy na kasi.
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏
Nagising ako dahil sa katabi ko ngayon. Ang ingay nya kumain ng mga junk foods. And she's watching a movie. Kinuha ko yung phone ko. It's already 3pm na. Naka one hour ako, actually hindi na sya nap. Nakatulog pala talaga ako.
"Ate Sophie, gusto mo? Gising ka na pala. Kinain ko na yung mga nandoong pagkain." Nginitian ko si Kendra at kumuha na ako sa kinakain nya. Gutom na din pala ako.
"Kendra, I will take a quick shower then let's have our merienda sa baba." Ite-text ko nalang siguro sina James and Cade. Tanging pag tango lang ng ulo ang nasagot nya sakin dahil punong-puno ng pag kain ang bibig nya. Ang kulit talaga ni Kendra. Siguro dahil bata pa din sya.
I just can't help it, right now nasa bathtub ako. And sobrang relaxing talaga. Pag tingin ko sa phone ko 3:30pm na agad. Ang bilis ng oras. Nag mamadali na akong mag shower at mag bihis. I am just wearing a blue summer dress. At agad din ako nag text kay James.
"James, have you eaten your merienda na? Kendra and I will eat now." Text ko kay James. Sana naman mag reply. Hindi kasi talaga to mahilig mag text sakin or tumawag man lang.
"Okay, Nixon and I will go downstairs. We can eat together." Wow ang bilis naman ng reply nya. Excited kong tinawag si Kendra
"Kendra, let's eat na. Nag text na ako sakanila." Actually kay James lang talaga. Gusto ko kasing masolo ang asawa ko.
"Okay Ate." Kasunod ko si Kendra sa elevator, habang dala dala nya pa din yung kinakain nya.
Pumunta na kami sa Restau ng mismong Hotel. Merienda time pero parang lunch ang hinahanap ng tyan ko na pag kain.
"Wow ang sosyal naman dito Ate. Grabe ka bongga yung kainan nila dito." Nililibot ni Kendra ng tingin yung lugar. Habang ako naman nililibot ko din ng tingin para hanapin si James. Nakita ko sila sa pinaka labas ng Restau kung saan tanaw ang beach area. Hinila ko na si Kendra para maka upo na kami.
"Hi." Bati ko sakanilang dalawa nang makalapit na kami sa kanila. Umupo ako katapat ni James at si Kendra sa tabi ko.
"Let's order first." sabi ni James, tinawag nya yung waiter at inabutan kami ng apat na menu.
"Sir, ang mamahal naman ng pagkain dito oh. Baon ko na yata ito ng isang buwan eh." Napailing nalang ng ulo si Nixon.
"You can order anything you want, kid." Sabi sakanya ni James.
"Hindi na po ako bata Sir. Ako nga po yung maid nitong si Sir Nixon." sagot nya kay James. Inabala nalang nya ang sarili sa pag pili ng o-orderin nya.
"I'll have the US Angus Ribeye steak." Sabi ni Nixon.
"Ako, yung Beef ribs nalang. And ofcourse yung favorite kong Rock lobsters." Sabi ko dun sa waiter.
"Kuya, may ostrich talaga kayo sa menu?" Nakakatawa talaga tong si Kendra.
"Yes maam. You can try our best--" Hindi na natapos ng waiter ang sasabihin nya dahil pinutol na ni Kendra.
"Ay nako kuya, natanong ko lang naman. Pero ayokong subukan. Sige itong Baby Back Ribs nalang sakin." Sabi nya sa waiter at sinusulat ang order nya.
"Ay wait Kuya, may rice ba yon?" Habol nya pang order. Umiling lang si Kuya at ako na ang nag sabi.
"Kuya, additional nalang namin. Isang platter ng rice." Para hindi na din mapahiya si Kendra and I want to eat rice na din tuloy.
"Sir, may I take your order now." Baling nung waiter kay James. Isinara ni James ang menu tapos tumingin sa waiter tapos tinuro ako.
"Same as her order. And 1 bottle of 1982 Chateau Latour, Bordeaux" Order nya.
"And additional of 1 Strawberry Shake." Napalingon kaming tatlo kay Nixon na nag order.
"May kasama tayong minor, she's not allowed to drink any alcoholic beverages." Sagot nya sa mga mata naming nagtatanong.
"Sir, baka naman pwede akong tumikim lang. Tsaka mukang sosyal yung wine na inorder ni Sir James." Sa huli hindi naman sya pinayagan. Naka alis na yung waiter, sobrang tahimik namin, si Kendra lang ang kwento ng kwento ng kung anu-anong mga nakikita nya dito sa Cebu.
"Hey. Andito lang pala kayo." Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses. Si Vincent pala, kasama pa yung dalawa.
"It's merienda time, and nagutom na kami." Sagot ng naka ngising si Nixon. Nakakatakot talaga sya minsan.
"Hi baby. Pinuntahan kita sa room mo." Tiningnan ko yung nasa kaliwa ko at naka hawak yung kanang kamay nya sa kaliwang balikat ko.
"Ah. Nauna na kasi kami. Order na din kayo." Sabi ko kay Cade, malaki ang table kaya kasya naman kaming 7. Bali si Kendra sa pinaka dulo tapos ako, si Cade. Sa tapat namin si Nixon sa dulo, James and twins.
"Ate Sophie, si Sir Cade ba ang boyfriend mo?" Nagulat ako sa tanong ni Kendra napatingin ako sa katapat ko. Si James, walang reaksyon ang muka nya. Wala namang bago don.
"Bagay ba kami?" Sagot ni Cade bago inakbayan ako. "Wag mo na din akong tawaging Sir. Kuya Cade nalang masyadong nakakatanda ang Sir." Tumawa tawa pa si Cade. Tumikhim lang si Nixon.
"Opo, kasi napapansin ko ang bait nyo kay ate Sophie at maalaga din." Kung pag usapan nila kami parang hindi ako sa gitna nila naka upo.
"Close friend ko lang si Cade." Sabi ko tapos biglang sumagot si James.
"Mabait talaga sa mga babae si Aguirre, palibhasa playboy." Walang kagana ganang sagot ni James.
"Nako, kaya mag ingat ka kay Cade." Sabi ni Vincent. Isa sa kambal.
"Bakit naman? Ang bait at ang gwapo ni kuya Cade" Sagot naman Kendra.
"Mag tapos ka muna ng pag aaral bago mo sabihin yang mga yan. At higit sa lahat wag na wag kang papatol kay Cade. Sakit lang ng ulo yan." Sabi ng seryosong si Nixon.
"Grabe kayo sakin ah. Retired playboy na to. Gusto ko na mag seryoso." Sabi ni Cade na hanggang ngayon ay naka akbay pa din sakin.
Dumating na yung mga inorder namin. Ang sarap ng kainan namin. Parang di magkakakilala, walang usap usap. Kanya-kanyang kain.
"Alam nyo ba yung ka batch nating si Mich at Vernon, sa kasal din nauwi. Akalain nyo yun. Yung torpe yong nauna pang mag asawa satin." Balita ni Joseph samin.
"Eh ano naman, madami na sa batch natin ang nag settle down. Normal yon dahil tumatanda na tayo. Ikaw ba Sophie wala ka pang balak mag asawa?" Tanong ni Nixon habang naka ngiti sakin. Nagkanda samid samid ako, umiinom kasi ako ng wine nang magtanong sya.
Inabutan ako ni James ng tissue tsaka sya ngumisi sakin. I thought he wants to keep our secret. Nakakainis sya ah. Pero ang gwapo nya sa ngiti nya.
"Pano mag aasawa si ate Sophie kung wala namang boyfriend." Tanong ni Kendra habang nag pupunas pa din ako ng bibig.
Nagka ayaan nalang kami mag laro ng volleyball doon sa may beach, since wala din masyadong tao ngayon. Ang nangyari kasi naging Team Cade and Team James. Ako, Kendra, and Joseph ang ka team ni Cade. Si James, Vincent and Nixon naman ang sa kabilang team. Hindi naman kasi ako sporty. Kaya parang poste lang ako na hindi humahabol sa bola. Si Kendra, hindi din daw sya marunong pero nakikihabol naman sa bola. And here's Cade and Joseph sila lang ang nag lalaro. While on the other team, sila yung magagaling. Wala yata kaming laban. 10-4 ang scores. Obviously samin ang 4.
Si Nixon ang mag set ng bola sa kabila. Pag palo nya bigla akong tinamaan. Ang sakit nang pagkakatama sakin. Kahit sa legs lang 'yon. Lumapit agad sakin si Cade.
"Are you okay? Do you want to rest muna?" Nag aalalang tanong nya. Lumapit na din si Kendra.
"No. I'm okay. Let's go." Sabi ko at tumayo na naman ako.
Ang ending natalo naman kami. Tapos ang dami ko pang nakuhang bruises. Nag try din akong pumalo ng bola. Ang ending ako lang ang nasaktan. Mukang masayang masaya pa tong si James. Babalik kami sa hotel room then mamaya daw around 9pm magkikita kita kami sa bar near the beach. Sabi kasi samin kanina may event yata so we're lucky to party tonight. Actually hindi naman ako party girl pero ang sarap lang sa feeling mag relax.
"How's your bruises?" pag tingin ko sa kanan ko si James pala. Ako ba talaga yung kausap nya. Kasi nahuli na akong maglakad papasok dahil ninanamnam ko pa ang sarap ng hangin.
"I'm fine." Tapos nag pout pa ako. Para maawa sya sakin.
"You're fine? I don't think so. Look at those bruises oh." Sabay turo nya sa legs ko. Tapos kinuha nya yung dalawang kamay ko bago sinuri ang braso ko. Nagulat ako sa inaakto nya ngayon. Parang hindi sya si James.
"James. I'm fine. Mawawala din yan." Sabi ko nalang. Pero masakit talaga, kaso yung mag alala lang sakin si James feeling ko gumaling na ako. Talo nya pa ang Doctor sa pag papagaling ng mga sakit. Medyo malayo pa kami sa Hotel kasi nasa may beach pa din kami. Inaalala ko lang baka makita kami nung lima pa naming kasama.
"Are you going out tonight, Xianne?" tanong nya sakin. Baka yung sa party ang tinutukoy nya.
"Hmmm yeah. How about you?" Tumingin ako sa muka nya. Kahit nakasuot sya ng shades parang yung mga tingin nya sakin tagos hanggang kaluluwa ko. Intense. Hindi nya pa din kasi binibitawan yung mga kamay ko.
"Ofcourse. Babantayan ko pa yang si Aguirre." Sabi nya tapos bigla nya akong hinatak. Napasubsob tuloy ako sa dibdib nya.
"J-james. Baka may makakita satin." Kahit naman kinikilig ako sa position namin ngayon. Kasi first time to. Takot naman ako pag nagalit si James lalo na pag may naka alam ng about sa deal namin.
"Eh ano naman? You're my wife." Napalayo ako ng konti para tingnan ang muka nya baka kasi nag jo-joke lang sya. Yung dalawang braso nya ay nakapulupot pa rin sa bewang ko. Seryoso pa din ang muka nya. Tapos tinaasan nya pa ako ng kilay na para bang nag tatanong pa sakin.
"Sige na nga." Kunyari napipilitan pa ako. Pero niyakap ko na din sya. Lulubusin ko na din habang mabait pa sya sakin. Sarap pala ng may kayakap. Feeling protected. Sana lagi kaming ganto.
"Let's go inside." Sabi nya tapos kinuha nya yung isang kamay ko at naglakad kami ng magka hawak kamay. Napapalingon nalang ako sa paligid baka kasi may makakita talaga.
"James." Pilit ko hinihila pabalik ang kamay ko. Tumingin sya sakin. What sabi nya. Pero walang boses.
"Yung deal. Baka kasi ano-" ayun na sya. Nauna na sakin mag lakad. Padabog nyang binitawan ang kamay ko tapos nauna syang mag lakad. Ang moody nya talaga. Sya lagi nag re-remind about the deal. Tapos nag aalala lang naman kasi ako.