"Kutler." Bigkas ni Cade at inabot ang kaliwang kamay nya. Tinitigan lang ni James.
"Hi Sophie, you look gorgeous." Nahihiya akong napangiti kay JV. Buti na lamang ay nag salita sya dahilan para matigil ang masasamang titigan nina James and Cade. Mukang may hindi pag kakaintindihan ang dalawa. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nya ipinatigil sa akin ang pakikipag usap kay Cade.
"Hindi ko alam na close pala kayo ni Cade. Sabagay lahat naman yata ng babae ay kilala ni Cade. I'm just wondering if gaano kayo ka close." Parang kung may anong naglalaro sa isip ni Nixon. Natatakot ako sakanya. Bago pa man ako maka sagot ay nag salita na si Cade.
"Bro, Sophie is different. She's very important to me. And we're really close." Sabi ni Cade at tumingin pa sa akin. "Right, baby?" Bago lumawak ang ngiti nya sa labi.
"Yes." Nahihiyang sagot ko. Grabe naman kasi nakakahiya pa din. Ang pogi nilang lahat. Lalo na si James. Pero bawal silang makahalata na mag asawa kami.
"Gentlemen, and to our beautiful Sophie, why don't you go in the garden so we can start the party." Sabi ni Mommy Remie. Hindi ko napansin na nakalapit na pala sya sa tabi ni James.
"Sige po Mommy." Paalis na sana ako sa pagkaka-akbay sakin ni Cade. Kaso narinig kong nagsalita yung isa sa kambal.
"Mommy?" Naguguluhan nyang tanong. Nakoo naman!
"You know, since Sophie's parents died she's been calling me Mommy. And I have no problem with that." Sabi ni Mommy at lihim akong napangiti at nakahinga din ako. Kala ko naman mabubuko na ang secret namin. Sabay-sabay kaming nag lakad papuntang garden. Si Cade naman ay bulong nang bulong sakin. At itong si James kanina pa tahimik at binibigyan ng masamang tingin si Cade.
"Ladies and Gentlemen. Thank you for coming and for celebrating with us. It's been long three years since we saw these two people here. We are happy that they decided to visit us." Pinatawag kami ni Daddy Marlon sa itaas ng mini stage. Ang awkward kasi ang daming nakatingin samin. Tapos itong si Daddy nakuha pang mag biro.
"Parang kelan lang nag hahabulan pa yang dalawang iyan dito sa garden. But look at them now. They are both successful in their own careers. Liam James is working for our company in the US. And while this young beautiful lady beside me, Sophie Xianne just finished her successful New York fashion show. I can't believe they are grown up now." Nangingilid ang luha ko. Sobrang proud sa amin ni Daddy Marlon. How much more kung andito ang parents ko. I missed them so much.
"You have no idea what a special, extraordinary pleasure to welcome the both of you here. Let's give a toast to these two successful individual." Sabay-sabay nilang itinaas ang wine glass nila. Ganoon din ang ginawa naming apat na nasa taas ng stage. Masaya sana ito kung wedding toast.
"So, thank you everyone. Eat. Drink and enjoy yourselves." sabi naman ni Mommy Remie. Bago pa man kami makakababa ng stage ay pina ayos kami ng photographer. Nasa gitna kaming dalawa ni James. Medyo kinikilig ako. Family picture na 'to.
Hindi ko naman talaga alam kung ano ang nangyayari sa Welcome Party. Kaya naman ay naghanap muna ako ng makakain. Kasi naman puro business ang pinag uusapan sa table namin.
"Good evening maam." Bati sa akin ng waiter na naghihintay sa akin kung ano ang ituturo ko para ilagay sa plate ko. Para kasing buffet style.
Inisa isa ko muna ang mga nandoong mga pagkain. Nakita ko ang Grilled Tequila Garlic-Lime Flank Steak, Lemon and Garlic Roast Chicken, Beef Wellington, Four cheese baked pasta with sun dried tomatoes, Curried Chicken and Rice Casserole, Creamy Chicken Pasta. Ilan palang yan sa mga nakita kong pagkain. Walang yung hinahanap ko. Nakarating na din ako sa bread and cheese section. Since I'm drinking this wine naman kumuha na lang ako ng isang goat gouda cheese.
"Diet?" Si Cade, bigla nalang sumusulpot sa gilid ko.
"Wala kasi yung favorite ko eh." Napanguso nalang ako. Tapos kumain din ng cheese si Cade.
"Ano ba ang favorite mo?" Tanong ni Cade na umiinom na ngayon ng wine.
"Beef Caldereta." Wait hindi naman ako yung sumagot. Pero beef caldereta talaga favorite ko. Nilingon ko yung katabi ko. Si James. Nag salubong ang mga kilay ni Cade.
"I'm not asking you Liam." Sagot ni Cade. Pero ngumisi lang ang isa. Ayan na naman sila.
"Enjoying the party Aguirre?" Tanong ni James kay Cade. Hindi ko alam kung anong problema nila pero parang nag uusap sila at nababasa ang isip ng isa't-isa.
"Very much. And welcome back nga pala bro." Makahulugang sabi ni Cade.
"Sophie, date tayo bukas? Same place and time?" baling sakin ni Cade. Tutal wala naman akong gagawin bukas at friends kami ni Cade. Pumayag ako. Pero ang nakakapag taka ay ang malalamig na titig ni James samin.
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏
Nasa SXN Mall na ako. Pagka park ko ng sasakyan parang sumakit ang likod ko. Hindi ko yata kayang mag drive dahil napaka traffic lalo pala dito sa Pilipinas.
Andito na ako ngayon sa McDonald's kasi hinihintay ko si Cade. Sa kabilang table may mga high school students na nag kukwentuhan about yata sa crush nila. Tapos sa may unahan ko, may mga babae ding nag l-lunch time yata. I think dito sila nag wo-work base sa uniform nila. Sa kabila naman may mga students din na nag gagawa yata or nag kokopyahan ng assignments nila. Naka ilang pabalik balik na din yung nag seserve ng foods. Pero wala pa din si Cade. Nakalimutan nya kaya? Tatayo na sana ako para mag order na. Pero may biglang nakatayo sa unahan ko. Tumaas ang tingin ko. Si Cade. Naka office attire sya pero yung coat nya ay bitbit nalang nya sa kanang kamay nya at ang long sleeves nya ay nakatupi na ito hanggang sa may siko nya.
"I'm sorry." Tinaasan ko nalang sya ng kilay. Late kasi sya eh.
"Treat ko nalang. I'm sorry talaga. Nagkaroon ng emergency meeting." Habang nag aalala syang mag explain, hindi nya napapansin ang mga babaeng nakatingin na sakanya. Haaay nako. Sobrang chick magnet naman nitong si Cade. Pati si James at yung tatlong kaibigan pa nila.
"Ano ka ba naman Cade, okay lang. Bilis mag order ka na." Nag mamadali naman syang umalis hindi alintana ang mga babaeng nagbubulong bulungan. Halata ang mga babaeng humahanga kay Cade. Napangiti nalang ako. Katulad nila, kay James ko naman ibinuhos ang paghanga ko simula noong mga bata palang kami.
Ilang saglit lang ay akala mo may isang modelong naglalakad papalapit samin. Pati tuloy ako sinusundan ang pag lakad ni Cade. Imagine yung isang matangkad na lalaki, naka office attire naglalakad papalapit sayo habang may dala dalang tray na may lamang 2 Double Caramel Fudge Sundae, 2 large fries, 2 cheese burger, 2 box of nuggets. Mukang gutom ang kasama ko ah.
Nasa harapan ko na si Cade at mas lalong lumalakas ang bulungan.
"Kung alam ko lang talaga Sophie na mala-late ako, sana di na-" Umiling nalang ako at hindi na nya natapos ang sasabihin nya sana.
"Okay lang naman Cade. It's been what? Three years na hindi tayo nagkita." nginitian ko sya. Sinimulan naming kumain.
"Psst. Magnet ka ba?" napakunot ang noo nya. "Eh kasi naman, ayan na yung fansclub mo. Baka awayin ako ng mga yan." lumingon sya sa paligid namin. May ibang napatili pa sa kilig ng kindatan sila ni Cade.
"Milk tea tayo?" Sya na ang nag aya sakin. Alam na nya ang routine namin.
"Sure. Na miss ko ito." Patalon talon pa ako na parang bata habang nag lalakad kami ni Cade. Nauuna ako ng ilang hakbang sakanya at nung nilingon ko sya ay tumatawa tawa sya at napapailing pa ang ulo nya habang nakatingin sakin.
"What?" Sabi ko na kunyari ay naiinis ako pero hindi naman talaga. Sinabayan na nya ako sa paglakad at inakbayan pa ako.
"Ang cute mo naman kasi baby eh. Para kang excited na bata na ibibili ng laruan." Lumabi ako sakanya.
"Cade, bakit mo ba ako tinatawag na baby? Hindi na ako baby." Natigil kami sa paglalakad, sa totoo lang Cade may asawa na ako kaya hindi na ako baby. Tsaka 24 na ako. Natigilan si Cade at hindi nya agad na sagot.
"Ah. Muka ka kasing baby?" Hindi nya sure?
"Siguro ako yung pinaka batang babaeng nakilala mo na kaibigan?" Natatawa kong sabi.
"Ah. Oo. I-ikaw nga." hindi nya pa din sure. Pero bahala nga sya dyan. Hinatak nya na ako papunta sa Milktea house.
Walang masyadong tao dito sa Milktea house. Kaya mas nakapag usap kami ni Cade.
"You know what Sophie, I think we should have a relaxing vacation somewhere. Out of town?" Biglang sabi ni Cade. Napaisip ako. hmmmm
"Where exactly?"
"Come on Sophie, you're here in the Philippines for a vacation. And I just filed a one week vacation leave." sabagay kaya nga pala ako umuwi dito para mag bakasyon. And work din.
"Sige. Isasama din natin si James?" Kumunot ang noo nya. Para bang nagtataka. Baka ito na yung chance nila para magkabati if ever na may problem nga sila. "And the twins and Nixon?" Dagdag ko pa noong hindi sumagot si Cade.
"Well, if they are not busy then they can join us." Sabi nya nalang. Sana hindi busy si James. Gusto ko makasama sya eh..
"Pero saan tayo pupunta? How about Baguio?" Suggestion ko.
"No? How about Tagaytay?" Seryoso ba sya?
"No. Davao? Palawan? Or maybe Cebu? What do you think?" Sabi ko sakanya.
"Hmmm Cebu." At napag kasunduan namin na sa Cebu nalang.
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏
6pm na ako naka uwi ng bahay. Grabe talaga ang traffic. Sasabihan ko si James. Sana sana sana sana sumama sya. Sakto namang naka higa sila ni Douglas sa sofa. Ngayon ko nalang sasabihin.
"James. A-ano. Do you want to join us? I mean, Cade and I planned a vacation." Kinakabahan kong sabi. Yung asul na mata ni James ay lalong tumingkad ang kulay.
"Where and when?" wow. Sign na ba to? He seems like so interested? or maybe no?
"Monday. And we want to visit Cebu." Sagot ko sakanya. Pero tila nag iisip pa sya. Sana pumayag ka na.
"Are you going to Cebu with Aguirre alone?" Naupo na sya at tumingin sakin.
"Well, we planned it. And I asked him if we can invite you and the twins and Nixon too." Explain ko sakanya. Walang pagbabago sa emosyon nya.
"What did they say? The 3 of them?" Hindi maubos ubos ang tanong.
"I still don't know. Cade will talk to them. But if you don't want to go, it's fine James. You don't need to join us if you don't like it." Pero sa totoo lang gustong gusto ko sya sumama.
"I'll go." Yun lang ang sinabi nya at umalis na sa harapan ko kasama si Douglas. Nakatulala lang ako. Pag tingin ko ay malayo na si James. I'll go? That means sasama sya?
SASAMA SI JAMES? OMG. I NEED TO PLAN THIS VACATION. I NEED TO MAKE SURE THAT THIS VACATION WILL BE MEMORABLE TO ALL OF US. PLAN C NA TO?