After three years. I'm back. Napangiti ako. Kahit medyo na delayed ng ilang oras ang flight. Sa Hongkong kami nagka problema. Wala kasing direct flights. Atleast nakauwi na din ako. Agad akong sumakay sa taxi, thanks to kuya driver tinulungan nya ako ilagay ang dalawang luggage ko. Kay na Mommy Remie ako uuwi.
Pagkababa ko ng taxi, sinuot ko muna ang aking shades bago ako tumingin sa taas, sobrang taas ng sikat ng araw ngayon ah. Ang init init, pinag masdan ko ang napakataas na bahay ng mga Kutler hindi naman nalalayo ang kalakihan ng bahay namin sakanila, bigla ko naman na miss sina Mom and Dad.
Pinagbuksan ako ng gate ng guard. At si Douglas ang unang sumalubong sakin. Napaka gwapo nya talaga, sobrang laki nya na ngayon. Masayang masaya sya tumakbo palapit sakin na nakalabas pa ang mahaba nyang dila. Pag nag vi-video call kami ni Mommy Remie ay nakikisali din si Douglas kaya siguro ay nakilala nya agad ako.
"Hi there, Douglas." bati ko sakanya at hinimas ko ang kanyang ulo. Hindi pa sya nakuntento ay tumayo pa sya at nagtatalon para lang malawayan nya ang muka ko. Kaya naman ay tawang tawa ako.
"Douglas, ikaw na aso ka maliligo ka pa." Napatingin sya saakin. At nagulat pa. Hindi ko sya kilala baka bagong kasambahay nina Mommy.
"Magandang tanghali po Maam." Bati nya sa akin, nginitian ko naman sya. Pero si Douglas ay panay ang pag ikot sakin at nakiki paglaro pa. Sinabi nung babae na ipapasok nya daw ang mga maleta ko. Tumango nalang ako.
Pumasok na ako sa bahay, habang si Douglas ay nakasunod pa rin sakin. Isa syang malaki, na may makapal na balahibo, at napaka masiyahing golden retriever.
"SOPHIE!!!" nagulat ako ng marinig ko ang sigaw na iyon. Tumingin ako sa itaas at nakita si Mommy Remie na pababa ng hagdanan. Ngumiti ako sakanya.
"Sophiee, I missed you. Kasama mo ba si Liam? Bakit naman hindi kayo nag sabing uuwi pala kayo eh di sana naka pag ready man lang kami ng isang welcome back party." Napangiti nalang ako sakanya.
"I missed you too Mommy." Napayakap nalang ako sakanya. How I wish na sana andito nga din si James.
"Where's Liam?" Bakas ang pagtataka sa muka nya. Nilingon nya pa ang pintuan na pinanggalingan ko. Ilang sandali lang ay na realize na din nyang hindi ko kasama si James. Mapait syang napangiti.
"Si Daddy po?" Tanong ko.
"Alam mo naman ang Daddy mo, nasa trabaho ngayon. Halika na muna. Kumain na tayo ng tanghalian alam kong na miss mo ang mga luto. Saktong sakto niluto ko ang paborito nyo ni Liam." Wala na akong nagawa dahil nahila na ako ni Mommy sa kusina. At higit sa lahat hindi ko siya matatanggihan. Beef Caldereta. Our favorite. Kaya naman ay umupo na agad ako.
Naka upo na kami pareho ni Mommy habang ang mga kasambahay nila ang naghain samin. Hindi pa din pala nag tatanghalian si Mommy. Masayang kinain ko ang nakahaing Beef Caldereta, feeling ko kaya kong ubusin lahat to. Ang takaw ko talaga.
"Sophie, bakit hindi ka nagsabing uuwi ka pala?" May pagtatampong sabi ni Mommy.
"Bigla lang din naman Mommy. Humingi ako ng Vacation Leave sa boss ko and dahil naging successful ang last fashion show ay pinayagan nya din akong magkaroon ng 6 months VL." kwento ko habang sarap na sarap sa kinakain ko. Alam kong weird pero gusto kong sinasawsaw sa vinegar yung beef. Kahit ang menudo. Basta dapat may katabi akong vinegar.
"Kung ganon pala ay kailangan natin magpaparty bukas. Hindi ako makakapayag na walang party na magaganap bukas." desididong sabi ni Mommy kaya naman napatango nalang ako.
Nasa kasarapan ako ng pagkain, pasubo na sana ako ng kanin ng biglang napahinto nalang ako ng marinig ko ang boses na kilalang kilala ko.
"Is that Beef Caldereta?" iyon agad ang bungad nya samin. Sabay naman kaming napatingin ni Mommy sa lalaking matangkad na nakatayo hindi kalayuan samin. Napalunok ako na parang masasamid ako kahit wala namang laman ang bibig ko.
"Liam!!!" Sigaw na naman ni Mommy Remie at agad nyang pinupog ng halik ang muka ni James na ikina ngiti ko. Baby na baby pa din sya. Sunod sunod ang pag yakap sakanya ni Mommy. Pero si James ay nakatingin sa akin. Para bang kinakabahan ako sa mga titig nya kaya ako ang unang nag-iwas.
"Halika na dito Liam kumain ka muna. Buti nalang talaga Beef Caldereta ang pinaluto ko kanina. Ang favorite nyo ni Sophie." Nagulat ako ng tumabi sya sakin. Habang katapat namin si Mommy Remie. Wala naman kaming dapat patunayan sa harap ng Mommy nya kasi alam naman nyang hindi ako mahal ng anak nya.
"Akala ko ay hindi ka uuwi." Hindi mawala sa labi ni Mommy ang ngiti nya. May mga lumapit ulit samin para ipaghain si James.
"I just missed you Mom. And I have an important board meeting here." Napalingon ako sa katabi ko. Bakit hindi nya man lang nabanggit sakin. Ay nako, asa naman ako. Hindi naman nya ako kinakausap eh.
"Tamang tama yan. So tomorrow we will have a welcome back party for the both of you. And you're not allowed to say no to this. It's been three years. Don't worry I will handle and organize everything for tomorrow's big event." Excited na sabi ni Mommy at napatango nalang ako habang sinasawsaw ang beef sa vinegar.
"You're still the same, Xianne. You and your weird habits" Nagulat ako at napalingon sa katabi ko. Seryoso ang muka nya habang nakatingin sa beef ko.
"You too." Kung ang caldereta ko ay may ka partner na vinegar, sya naman ay yung sarsa ng caldereta ang isinabaw nya sa kanin. Na akala mo nilaga or sinigang ang pagkain nya. Naiiling na napangiti ako. Still the same.
Kumain lang kami ng tahimik at sinabi ni Mommy na mag pahinga kami at bukas ay kailangan namin harapin ang mga bisita at kaibigan namin sa party. Pumayag si Mommy na sa kanya-kanya kaming room matutulog. Napabuntong hininga ako. Still the same.
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏
Kinabukasan nakita ko si Mommy Remie na abalang abala sa pag o-organize sa party mamayang gabi. Paano ko sasagutin ang mga tanong nila mamaya. Or malalaman na ba nilang mag-asawa kami ni James. Pero three years nyang itinago sa lahat yon. At bakit nga kaya sya nandito.
Nasa veranda ako, habang umiinom ng coffee. Nakamasid lang ako sa mga taong abalang abala.
"Xianne." Hindi ko na kailangan pang lumingon para makilala kung sino ang nag salita. Tumabi na rin sya sa akin. Bigla bumilis ang t***k ng puso ko. OMG. Sinundan nya ba ako sa Pilipinas?
"Yes?" Bago ako lumingon sa katabi ko na seryoso pa din ang muka. Hindi ko alam pero ang kulay asul na mga mata nya ay parang nang hi-hypnotized.
"Our. Deal." Madiin ang pagkakasabi nya bago lumingon sa akin. Mapait na nginitian ko sya. Kaya pala. Natatakot ba syang hindi ako tumupad sa deal namin? Ganon nalang ba syang nandidiri sakin kaya ayaw nya ipaalam sa mga tao na sa akin sya kinasal.
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏

I am wearing a black long dress with a high slit on my right leg. Hindi naman masyadong halatang pinaghandaan ko. Ang totoo nyan ay isa na to sa mga plans ko. I lost counts na kung pang ilang plans na to. Plan A na ulit yata. Natawa ako sa sarili ko. Kailangan ko talagang mag mukang sexy sa harap ni James mamaya at pandagdag confidence na din sa mga taong haharapin ko mamaya. Ayoko din namang may masabi sila na isang fashion designer pero mukang manang kung manamit.
Sumilip ako mula sa aking kwarto. Kanina pa nagdadatingan ang mga bisita. Yung iba namumukaan ko at ang iba ay wala talaga akong clue kung sino sila. Wala namang ako gaanong kaibigan noong elementary and highschool palang ako. Sino kayang kaibigan ang dadating para sakin? Malamang puro kay James yon.
Palabas na ako ng kwarto. Sakto din ang paglabas ng kwarto ni James. Sandali kaming nagkatitigan. Sobrang gwapo nya sa suot nyang black suit. Muka pa din syang mabango at naamoy ko pa ang ginamit nyang pang shave. Napangiti ako ng tagumpay nang mapansin kong gumalaw ang adam's apple nya habang sinusuri ang aking suot. Napa flip hair naman ang aking kunsensya. Go Sophie Xianne. Tumikhim si James at nag-iwas ng tingin. Nag simula akong maglakad pero nauna si James sa may hagdanan.
"Hindi mo man lang ba ako tutulungan pababa?" Naka nguso kong tanong. Actually kaya ko naman talaga. "I am wearing this long dress and this 4 inches heels." Pagka sabi ko ng long dress ay medyo inangat ko pa ito dahilan para mas lumabas ang binti ko. Napansin ko nang mapasinghap si James sa ginawa ko.
Padabog syang bumalik sa pinakataas ng hagdan. "Why do you even choose that dress and heels if you can't even take care of yourself." bubulong-bulong na sabi ni James. Pagkababa namin ay si Mommy ang unang nakakita samin habang nakahawak ako sa kaliwang braso ni James. Ngingiti-ngiti naman sya. Agad nyang inilabas ang phone nya at sabay picture sa aming dalawa. Napa peace sign pa ako. Umiling nalang si James.
Agad namang humiwalay si James sa akin. "OUR DEAL" sabi nya sa akin maging sa mommy nya din. Hay nako.
Naglakad lakad pa ako sa labas. Madaming bisita. Binati ako ng mga classmate ko noong High school. If I know andito sila kasi nalaman siguro nila na nandito din si James.
Sa hindi kalayuan nakita kong may kausap si James na kambal. At isang lalaking nakakatakot ang awra. May kasama syang babae. Maganda ito. Siguro nasa 16 or 17 years old palang iyon. Baka kapatid ni Nixon. I know his friends. VJ and JV and Nixon pero nasan si Cade?
"Hey Beautiful." paglingon ko si Cade na pala. Iniisip ko palang sya tapos parang magic andito agad.
"Ako ba?" Pabirong tanong ko. Nasa may gate kasi ako. Palakad lakad kasi wala naman akong kilala doon. At ayokong makihalubilo sakanila.
"May ibang tao pa ba dito?" Sabi nya at agad nya akong hinila sa mga bisig nya. Oh how I missed this man.
"Wala ka yatang kasamang babae ngayon. Saan na ang fansclub mo?" Pabirong sabi ko sakanya. Paano ba naman kahit saan magpunta ang playboy na ito madami pa din syang babaeng napapalingon.
"Retired playboy na to." At tumawa pa sya nang malakas. Nakapulupot pa din ang braso nya sa bewang ko. Agad naman napabaling ang pansin ng mga taong malapit samin dahil sa lakas ng tawa nya. Kaya naman hinampas ko sya sa dibdib nya.
"Shhhhh. Ikaw talaga. Pag ako sinabunutan dito ng fansclub mo. Todo effort pa naman ako sa pag ayos ng hair ko." Binibiro ko lang naman sya. Pabulong lang naman yon. Hindi ko alam pero magaang ang pakiramdam ko sakanya na kahit three years kaming walang communications ay parang walang nag bago.
"You're so beautiful, Sophie." sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko pababa sa aking labi.
"You're not that bad Mr. Playboy." Bago ako ang napangiti. Nag ngingitian pa kami ng biglang may nag salita sa gilid namin.
"Aguirre." Mababakas ang galit sa boses nya. Ngunit nakangiti lamang si Cade at nakahawak pa din sa aking bewang. Dahan-dahan naman akong kumawala sa pagkakahawak nya pero agad syang nakabawi dahil inakbayan naman nya ako. Doon na ako nag lakas ng loob tumingin. Nagtatagis ang bagang ni James. Pero nakangiti sa amin si VJ and JV. Si Nixon na laging walang emosyon ay ngayon naka smirk pa sa amin. Parang aliw na aliw sa nakikita nya.
"Kutler."