LIAM JAMES
7am palang gising na si Xianne, kanina pa sya paikot-ikot tila ba ay may hinahanap.
"Anong hinahanap mo?" Tanong ko sakanya pero para naman syang binuhusan ng malamig na tubig nang narinig nya ang boses ko.
"Ah- ano yon. Wala lang yon. Wag mo nang alalahanin." Nag kibit balikat nalang ako. Paalis na sana ako para makapag handa na dahil may pasok ako ngayon.
"James. Ano- yung.. flight ko pala ay 10am. Ah- pwede mo ba akong ihatid? 8am aalis na tayo?" Halata ang kaba sa boses nya. Tiningnapn ko lamang sya. May meeting ako at hindi ako pwedeng ma-late.
"You can just get a cab. I am busy and I have meetings to attend." Umalis na ako sa harap nya. Kanina pa sya naka ready. Naka bihis na din. Mukang magpapahatid talaga sakin.
"Okay." malungkot na sagot nya. Naaawa ako sa kalagayan naming dalawa. Napabuntong hininga na lamang ako.
Hindi ko alam kung bakit nag mamadali ako ngayong mag ayos. Alam kong may meetings ako at mamaya pang 1pm yon. Kung ihahatid ko si Xianne malamang aabot ako sa meeting namin. Malapit na mag 8am siguradong aabot ako. Nag mamadali akong bumaba at sasabihin kong ihahatid ko na sya, nakita ko na sya sa may gate at nilalagay sa cab ang dalawang maleta nya. Nang biglang nag ring ang phone nya.
"Hi. This is Sophie-" hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng bigla nalang syang ngumiti. Ngayon ko nalang ulit nakita ang mga ngiting iyon. Para bang kahit ngayon ay napapangiti na din ako.
"I told you, I can manage. You don't need to pick me up. I'll see you soon Cade. I need to go now." Biglang nawala ang ngiti ko. Naikuyom ko ang mga daliri ko. Hanggang ngayon pala ay hindi nya itinigil ang pakikipag usap sa kaibigan ko. Kahit pinag sabihan ko na sya noon pa.
Ilang buwan palang kaming kasal ni Xianne, kahit masama ang loob ko sa nangyayari sa buhay ko, hindi ko maintindihan kung bakit sya pumayag magpa kasal sakin. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari sakanila ni Cade. Naiinis akong isipin na ginamit sya ni Cade. Ilang beses kong sinabihan si Cade na lumayo kay Xianne pero sa huli nangyari pa rin. Hinding-hindi ko mamahalin ang babaeng ito. Hindi ko alam kung bakit naging big deal sakin ang pagiging virgin ni Xianne. Gayong hindi naman na virgin si Vanessa noong naging girlfriend ko sya. Lalo lamang nag iinit ang ulo ko sa tuwing binabanggit ni Xianne ang pangalan ni Cade.
"Cade, alam mo ba may bago akong nabiling cellphone. Kaso nahihirapan akong gamitin pa." Nakita ko na naman sya sa sala na kausap si Cade sa phone nya kaya naman parang gusto kong ihagis ang phone nya. Tumikhim ako para ipaalam na nandito na ako. Agad syang nag paalam sa kausap.
"James, gusto mo bang kumain?" Masayang tanong nya sakin.
"Pwede bang wag na wag mong lalandiin ang kaibigan ko. Simula ngayon hindi mo na pwedeng kausapin sino man sa mga kaibigan ko lalong lalo na si Cade." nabigla sya sa sinabi ko pero napangiti din agad.
"Bakit James nagseselos ka ba? Kaibigan ko lang si Cade." Masayang sabi nya.
"THE HELL XIANNE!!! I will never be jealous. I don't care kung sino ang gusto mong landiin pero wag ang mga kaibigan ko." galit na sabi ko sakanya. Halatang natakot sya sakin.
"Hindi ko naman nilalandi si Cade. Naging mag kaibigan lang kami." Paliwanag nya sakin.
"I don't care. At malaman ko lang na may contact ka pa kay Aguirre, palalayasin talaga kita dito." Pagka sabi ko noon ay umakyat na ako sa kwarto namin at naiwan syang mag-isang nakatulala.
Hindi ko namalayan na sumakay na din ako sa sasakyan ko at sinundan ang sinasakyang cab ni Xianne. Damn it! Humanda sakin si Aguirre. Tatlong taon na akong walang contact kay Cade. Pero sinisigurado kong nakakausap ko pa din ang tatlo ko pang kaibigang sina JV and VJ and Nixon.
Dahil naka cab si Xianne na una na syang bumaba sa airport. At ako ay naghahanap pa ng parking space. Damn it. Damn it. Damn it. Paulit ulit kong bigkas. Bakit ba ngayon pa napuno ang parking lot.
Nakapasok ako sa airport. Pero agad nakuha ang pansin ko ng biglang may nag salita.
"Calling the attention of passenger flight PR 682 PHILIPPINES please proceed to......" napatingin ako sa relo ko. 10am na. DAMN IT! Hindi ko na naabutan si Xianne.
Hindi ko alam pero bakit may nagpapatugtog sa airport. DAMN IT DAMN IT DAMN IT.
I'm so scared that you will see
All the weakness inside of me
I'm so scared of letting go
That the pain I feel will show
I know you want to hear me speak
But I'm afraid that if I start to
That I'll never stop
I want to you know
You belong in my life
I love the hope
I see in your eyes
For you I would fly
At least I would try
For you I'll take
The last flight out
At para bang hinahatak ang mga paa ko.
"Yes Sir?" Naka ngiting tanong sa akin ng babae.
"What is the earliest flight bound to the Philippines?" nagulat ako sa sarili. Totoo ba tong ginagawa ko? Tama kailangan ko lang naman umuwi para makita din sina Mom and Dad.
"Wait Sir, Let me just check. Sir, we have available seats for a 12nn flight and that's the earliest flight." Paliwanag sakin ng babae. Kinuha ko ang passport ko na nasa loob ng coat ko. At ipinakita kasama ang credit card ko.
"I'll get that seat." Napabuntong hininga ako sa gagawin kong ito.
Biglang nag ring ang phone ko. DAMN IT.
"Yes. Hello." Bungad ko. Tinatawagan na ako ng secretary ko. And I know na kailangan kong ipa re-schedule lahat.
"Please re-schedule all my meetings. I need to go back to the Philippines. Just email me if you need me there." Sabi ko kay Ms. Dorothy.
"Sir! your girlfriend, Vanessa is here in your office. She's been asking us your whereabouts. Should we tell her that you'll be going to the Philippines?" Damn it. Nakalimutan kong magkikita kami ni Vanessa.
"Ms. Dorothy, tell her that I have an important meeting abroad. But don't tell her I'm going back to the Philippines. Thank you." Napahimas nalang ako sa sintido ko. Nang dahil kay Xianne nagugulo ang mga schedules ko. Damn it. Kailangan ko tuloy umuwi ng Pilipinas.
Isang mahabang flight na naman. Nakasakay na ako kanina pa. Pero itutulog ko nalang muna ito. At pag-uwi ko humanda na yang si Aguirre.