SIDE EIGHT

1823 Words
Medyo tanghali na ako nagising, pag dilat ko ng mga mata ko wala na si James sa tabi ko. Napatingin naman ako sa relo, alas nuebe na pala nang umaga. Tutal ay half day lang naman ako ngayon, dadaan muna ako sa Mall. Nag madali na akong maligo. Nag suot lang ako ng jeans and light blue sleeveless and yung coat ko na black. To complete my outfit I am wearing my black stiletto. Alas-diyes palang naman, wala din akong ganang kumain pa. Sa Mall nalang ako kakain, once in a while pumupunta ako sa mga lugar na madaming tao. Doon ako nakakakita ng mga inspiration ko sa designs. Katulad ngayon nakaupo lang ako dito at kumakain ng Double Caramel Fudge Sundae. "Hi." Nagulat ako ng biglang may nag salita sa gilid ko. Napatingin naman ako sa lalaking ito. Not bad. Parang model.  "Hello. Do you need anything?" Balik tanong ko sakanya kasi nakatitig lang sya sakin.  "Ah I'm Wesley, I am one of the talent agent from Pristine Agency. And to be honest your beauty and body are the one we are looking for. If you have time you can visit our Agency." Ah. Alam ko na to, madalas inaalok nila ako na maging model. Hindi ito ang unang beses ko na maka-encounter ng ganito. Pero wala naman akong balak maging model, okay na yung ako nalang ang mag designs ng mga susuotin ng models.  "Oh, thank you." Kahit ayaw ko, ngumiti nalang ako para tigilan na ako. Aalis na sana ako ng bigla nya akong hawakan. "We will wait for you." Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sakin. At pilit na ngumiti, pagkatapos ay nag madali na akong pumuntang parking lot. I feel harassed. Kung gustong-gusto kong maging model siguro baka natuwa pa ako. Kaso hindi talaga 'yon ang gusto ko. ..... Pagkadating ko sa office, nakita ko ang sampung gowns na nakalagay sa mga mannequin. Sobrang ganda nila. Napangiti nalang ako nang nagpalakpakan ang buong team ko. "Congratulations Ms. Sophie" Bati nila sakin. Ngayon ay ready na talaga kami for the FS next week. Friday na ngayon at sa Wednesday pa naman ang FS.  "Is everything complete?" Tanong ko sakanila. Sabay sabay naman silang sumagot. "Yes. Everything's perfect" This is it. Next week na talaga.  "Good job Team. I think we can go home early." Tuwang tuwa sila. Kasi wala naman kaming pasok ng weekends. I have two gays in my team, and two girls. They became my friends here lalo na si Martin. "Girl, let's go and party tonight" Kung pwede lang. Kaso ayoko namang masermonan na naman ni James. "Para namang hindi mo kilala ang asawa ko." tumawa ang baklang 'to. Pinoy sya actually. "Oh girl. May asawa ka ba? Jusko naman girl asawa bang matatawag don? Ni hindi pa nga kayo nag s ex. Tatlong taon na pero ayaw ka man lang nya hawakan. Girl let's party tonight" gaga talaga tong baklang to. Pero totoo naman kasi yung mga sinasabi nya eh. Wala naman akong sakit na nakakahawa pero hanggang ngayon hindi pa din namin na consummate ang wedding naming mag asawa.  "Hindi ako pwede mamaya. Mag papaalam pa kasi ako sakanya. Diba nga uuwi ako ng Pilipinas." Sabi ko at napatango nalang din sya. "Next time sumama ka samin Sophia" ewan ko ba dito kay Martin, kahit ilang beses kong sabihing Sophie pero Sophia pa din ang tawag sakin. Tumango nalang ako.  After ilang minutes ay nag paalam na sila sakin at nag alisan. Pwede naman palang hindi ako pumasok ngayon. Pero mas lalo lang akong malulungkot sa bahay kung doon ako magtitigil. Mas mabuti na yung magpaka busy ako dito sa office. Kinuha ko ang sketch pad ko at nag simula na akong mag drawing... ...... Ala-sais na pala nang gabi. Mabilis talaga ang oras lalo na kung gusto mo ang mga ginagawa mo. Nakapag design naman ako, isang gown lang. Uuwi na ako, kanina ko pa pinapractice kung ano ang sasabihin ko kay James. Kaya ko to.  James uuwi ako ng Pilipinas. Para bisitahin ang mga magulang ko at para na rin makita sina Mommy Remie and Daddy Marlon.  Yan ang magiging linya ko mamaya bago pa umakyat ng kwarto namin si James ay dapat masabi ko na yan. Kaya ko to.  Kanina pa ako paikot-ikot dito sa bahay namin. Inaantok na nga ako eh. Mag a-alas dies na wala pa din si James. Ano ba naman to, mukang ngayon pa sya walang balak umuwi. Bukas ko na nga lang sasabihin.  Halos mapatalon ako nang mag vibrate ang phone ko. Baka si James itong nag text. Pero asa naman ako. Ni hindi naman ako ite-text nun kung hindi importante. Si Martin ang nag text sakin.  "Girl!!! Sana sumama ka nalang samin dito sa Bar. Andito si Liam. Ang asawa mo."  Napa higpit ang hawak ko sa cellphone ko. Habang ako naghihintay sakanya dito sa bahay, sya naman ay nagpapakasarap sa buhay nya.  "Kasama ba nya?" Alam na ni Martin kung sino ang tinutukoy ko.  "Oo girl. Sorry. Gusto mo bang pagsasampalin ko 'tong babaeng to?" Napaluha nalang ako. Wala naman akong laban kay Vanessa dahil sya ang mahal ng asawa ko. Sya at hindi ako. At hinding-hindi nya ako mamahalin.  "Okay lang girl. Sige enjoy nalang kayo. Matutulog na ako." Pero sinong niloko ko? Ako makakatulog? Siguro after ko iiyak lahat ng luha ko, makakatulog ako sa sobrang pagod.  "Gusto mo bang puntahan kita dyan? Or bugbugin ko nalang tong asawa mo? Tandaan mo lalaki pa din ako girl." Kahit naman ganyan si Martin, alam kong naaawa din sya sa kalagayan ko. Pero wala naman kaming magagawa.  "Okay lang ako girl. Ano ka ba. Sanay na to. Walang-wala yan. Sus. Sige enjoy the night. I'll go to bed na. Good night." At nanghihina akong umakyat sa kwarto. Pagka higang higa ko palang sa kama ay agad nang nag-unahan sa paglabas ang mga luha ko.  ....... "Ladies and Gentlemen, please give a big round of applause for Ms. Sophie Xianne Nares." At narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga tao, at lahat sila ay nag tayuan. Tapos na kasi ang New York Fashion Week: Bridal Fall 2019. "Ms. Sophie is the designer behind this beautiful wedding gowns. Her Bridal Fall 2019 collection are up for bidding and you can also contact her for more designs." Nasisilaw na ako sa mga flash ng camera. Hindi ko inaasahan na magugustuhan nila ang designs ko. Yung ibang mga taong naroroon ay kausap na ang aking team, nag thumbs up pa sakin si Martin ibig sabihin may mga nagka interest na sa mga gown.  I saw Vera Wang, Elie Saab, Cushnie, Pronovias, at marami pang ibang kilalang mga fashion designers. Hindi ko inaasahan na makakasama ko sila sa pinaka malakaing Fashion Week sa New York. Dream come true na ito saming mga designers. Lalo't na hindi pa naman talaga kilala ang pangalan ko. Malaking tulong ang exposure na ito. Tuwang tuwa ako, ibig sabihin napaka successful nitong Fashion Show na ito. Isa lang ang ibig sabihin nito. Hello Philippines and hello six months vacation leave.  "Girl, Congratulations sobrang successful ng event. Matutuwa na naman si Director Harry nito sayo. For sure payag na payag na yon sa VL mo." Sabi ni Martin. Nasa back stage na kami dahil kinukuha na ulit namin lahat ang mga gowns. For the mean time kasi gusto ng Ditector na i-display muna sa aming boutique.  "Excited na nga ulit ako umuwi, na miss ko ang Pinas. Ikaw ba hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kanya.. Mas matagal na syang hindi umuuwi kesa sakin. "Alam mo naman satin girl, baka mabugbog lang ako ng ama ko. Hindi ako uuwi hangga't wala akong napapatunayan sakanila." Alam ko din kasi ang kwento nya. Nagalit sakanya ang Dad nya dahil bakla sya at wala daw mapapala sa mga fashion fashion design.  "Pero girl, alam na ba ng asawa mong uuwi ka?" nakakunot na tanong sakin ni Martin. Since friday kasi hindi pa kami nag kakausap ni James. Hindi sya umuwi ng weekends. Tapos Monday and Tuesday naman sobrang busy ko. Halos di na kami mag-abot sa bahay. "Hindi nya pa alam. Wala naman din akong halaga sakanya. Baka matuwa pa nga yun kasi wala ako dito. Masosolo nya si Vanessa." Masakit, pero kasi. Makita mo lang masaya yung taong mahal mo kahit durog na durog ka na okay lang.  "Gaga ka talaga eh no? Ikaw ang asawa pero nagpapaka tanga ka. At hinahayaan mo pa talagang makipag landian ang asawa mo. Girl kung ako sayo makipag divorce ka na sakanya." Tiningnan ko sya ng masama. Kasi wala sa isip ko ang makipag hiwalay. Hihintayin kong mahalin nya din ako. Madami pa akong plano para samin. "Alam mong hindi ko gagawin yan Martin." seryosong sabi ko sakanya.  "Hep hep.. Wag ako ang awayin mo! Hindi ako ang asawa mong niloloko ka." Nakataas pa ang dalawang kamay nya. Kaya natawa na din ako sakanya.  Pagka-uwi ko sa bahay namin, as usual wala pa din si James. Umakyat na ako sa kwarto namin. Nilagay ko na ang ibang gamit ko sa maleta. Ready na ulit akong umuwi ng Pinas. Hindi talaga mawala sa labi ko ang mga ngiti ko. Bukas na kasi ang flight ko. Wala na talagang makakapigil sakin. Natapos na ako mag impake. Naka dalawang maleta din pala ako.  Maka ligo na nga lang muna. Para fresh na ako.... Bigla nalang may kaluskos akong narinig. Pag dilat ng mata ko nakita ko si James nakatayo sa may pintuan ng CR. Naka idlip pala ako dito sa bath tub. "Let's talk." Malamig na sabi nya sakin. Kaya napakunot ang noo ko. Buti na lamang ay nakalubog ako sa tubig at hindi nya nakita ang buong katawan ko. Pero okay lang naman. Mag asawa kami. Nag madali na ako at nag bihis na din.  Nakita kong nakapag palit na sya ng pantulog nya at naka upo sa kama namin habang hawak-hawak ang phone nya. Agad naman syang napatingin sakin. Mula ulo hanggang paa. Kinilabutan naman ako. Kasi naka silk na pantulog ako, tapos yung robe ko hindi ko pala na ayos medyo nakita nya ang aking dibdib. Agad ko namang itinali ang silk robe ko. Tumikhim sya, at napatingin naman ako sakanya. "Kumain ka na ba?" Tanong ko sakanya. Or baka ako ang gusto mong kainin? Kasi naman yung mga mata nya eh. Pero erase erase muna yon. "Tapos na." Walang kagana-gana nyang sagot. For sure si Vanessa na naman ang kinain nya.. OMG hindi.. Ayokong isipin yong mga bagay na ganon.  "Why do you have your luggage here?" Oh. Nakaharang pala yung dalawang maleta ko. "Bukas kasi yung flight ko pauwing Pilipinas." Matabang na sagot ko sakanya.  Akala nya ba wala akong alam tungkol sa mga kababalaghang ginagawa nya. "And you didn't inform me?" Medyo napataas ang tono ng boses nya. For three years ngayon lang sya nag react ng ganyan. Yung parang concern. Kasi sanay naman akong lagi syang naka sigaw sakin. Kasi lagi akong may mali.  "I'm about to inform you last week, pero hindi ka umuwi ng bahay. Then the other day I was busy preparing for my Fashion Show. So, now you know that I will go back to the Philippines. Can I sleep now? Kasi maaga pa ang flight ko bukas." Umikot na ako papunta sa kabilang side ng bed at humiga na.  "Alam ba nina Mom na uuwi ka?" Naka upo pa din sya at hindi ako nililingon.  "No. I will surprise them. And I want to visit my parents too." Mararamdaman nya ang lungkot sa boses ko.  "Yung deal natin Xianne, sana hindi mo pa nakakalimutan." Matabang na sabi nya bago sya nahiga ng nakatalikod sakin.  Nakatingin lang ako sa kisame at hindi ko na naman napigilan ang pag tulo ng luha ko. Tumingin ako sa kaliwa ko, pero tanging likod nya lang ang nakikita ko. Kelan mo ba ako mamahalin. May pag-asa pa ba ako? Tumingin nalang ulit ako sa itaas at muling inalala ang mga nangyari tatlong taon na ang nakakaraan. Dumating kami sa America kasama si Mommy Remie and Daddy Marlon, dahil ikakasal na kami ni James. Masaya kaming tatlo maliban lang kay James. "Pag pasensyahan mo na ang anak namin, Sophie." Sabi ni mommy Remie. Nginitian ko sya at tumango. Okay lang naman sakin as long as sakin sya.  "Mom, Dad. Gagawan ko ng paraan ang kompanya. Wag nyo lang ako ipakasal kay Xianne." Tapos tiningnan nya lang ako ng masama. "Anak. Napag-usapan na natin yan. At ngayon kayo ikakasal. Napagbigyan na namin ang mga kagustuhan mo. Imbes na sa Pilipinas kayo ikasal mas gusto mo dito. Gusto mong walang maka alam na kasal na kayo, gagawin din namin." Sabi ni Mommy Remie. "Ganon naman pala Mom, eh bakit pa namin kailangan magpakasal? Tutal habang buhay namang walang makaka alam na kasal kami. Dahil unang-una ayoko sakanya. May girlfriend ako." Napa yuko nalang ako. Ganto ba talaga kasakit to? Yung ayaw ka ng taong mahal mo. "Okay lang sakin kahit hindi mo ako mahalin James, tsaka yung deal na dapat walang makaka alam na kasal na tayo at yung dapat wala akong paki alam sa buhay mo." Sabi ko sakanya. Medyo nag tutubig na yung mata ko. Kung mahal nya ako, siguro tears of joy ito.  "Anak, sobra naman yang gagawin mo sa asawa mo. Tutal yan ang deal mo sakanya. Ngayon naman ay yung sa amin. Dapat titira kayo sa isang bahay at matutulog sa isang kwarto." Sabi ni Mommy Remie. Nanlaki ang mga mata ni James habang si mommy Remie naman ay may pilyong ngiting sinusupil habang nakatingin sakin. Napilitan akong ngumiti. May chance na may mangyari samin ni James. Kailangan ko lang gumawa ng Plan A and Plan B.  DEAL: WALANG DAPAT MAKA ALAM NA KASAL NA KAMI NI JAMES. MANANATILING AKONG SI MS. SOPHIE XIANNE NARES. Napansin ko namang tulog na si James. Dahan-dahan akong lumapit sakanya para halikan ang noo nya.  "Good night Husband. I love you. Sana mahal mo na ako bukas." Umayos na din ako ng higa para makatulog na. Bukas na ang flight ko. Philippines see you soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD