SIDE SEVEN

1797 Words
"Finally! Sophie, its been like 2 years? How are you?" Si Cade nga ito. Paano? Paano nya nalaman. "Hi Cade. I'm good. You?" Na-miss ko din itong lalaking ito. Dapat hindi na pala ako nagulat kung paano nya nalaman ang contact number ko. Sa dami ng connections nya, at higit sa lahat tumanggap nga pala ako ng mga interviews internationally siguro nakita nya or nabasa. "Finally! I've been looking for you. Why did you suddenly cut our connections. Why I can't contact your old phone number and did you change your email address?" Sunod sunod na tanong sakin ni Cade. Sya lang ang nag iisang naging tunay kong kaibigan sa Pilipinas at simula ng namatay ang mga magulang ko sya lang ang taong nagpapa ngiti sakin. Halos maluha luha na ako. "C-Cade." Hindi ko na napigilan ang mga hikbing kanina ko pa pilit pinipigilan. "Hey, Sophie. Why are you crying? Where exactly you are right now? Do you want me to go there?  And all this time I thought you were living in France. What happened? Why are you living in the US?" Hindi ko na maintindihan yung mga tanong ni Cade. Alam kong nag aalala sya sakin. Biglaan ang naging kasal namin James. Walang nakaka alam. Hanggang ngayon akala nila ay sa France pa din ako naninirahan. How I missed to have a real friend again, though I have new friends here. "I am going home soon." Pinahid ko ang mga luhang kanina pa nag uunahan sa pag labas sa aking mata. Hindi pa man pumapayag si James na umuwi ako ng Pilipinas, nakapag desisyon na akong uuwi ako. "When? I can't wait to see you again." excited na sabi ni Cade sa kabilang linya kaya naman ay napangiti na din ako. "Ikaw ah. Big time ka na pala, so dapat Ilibre mo ako ng Double Caramel Fudge Sundae at samahan mo na din ng Milk Tea. Bawal kang tumanggi ang dami mo nang utang sakin." At tumawa pa sya. Oh how I love to eat and drink those sweets. "Hindi pa naman ako ganon ka big time. Ikaw siguro itong mayaman na mayaman na. Pero sige wala naman akong choice kundi ilibre ka eh." pag bibiro ko sakanya. I don't know but I really feel comfortable talking to him, maybe because he's my first real friend. "Aasahan ko yan Sophie. So kelan na ba talaga ang balik mo? Do you want me to pick you up sa airport?" Agad ko namang naalala, paano kung sumama si James sa Pilipinas? Hindi naman alam ng mga kaibigan nya na kasal na kami. Baka mayari na naman ako kay James. "I'll be there next week, no need to pick me up. I'll just surprise you." Ohh, naku baka ako ang ma surprise sa daming babae ni Cade. Baka mamaya akalain na naman nilang isa ako sa mga babae nya. "Are you sure Sophie?" Medyo may panghihinayang sa boses nya. "Ano ka ba naman Cade. I'm old enough and I can manage, don't worry next week i'll be there in your office with Double Caramel Fudge Sundae and Milk Tea." natatawa kong sabi. Para naman kasi syang bata eh. "Ikaw ah. Hindi na ako masyadong sanay dyan. Baka mamaya sumakit ulit ang tyan ko dyan. Ayoko na maulit yung dati." Bigla kaming natawang pareho. Naalala kasi namin last time na nag ice cream and milk tea kami, biglang sumakit ang tyan nya during his presentation with their important clients. Maya maya sya pumupunta sa toilet. Hanggang ni-reschedule na lang ang presentation nya. Kaya after non tumawag sya sakin at medyo galit pa sakin at kasalanan ko daw yon. Pero ang ending nag tawanan nalang kami. "Wala ka naman sigurong presentation next week?" makahulugan na tanong ko sakanya. "I'll clear my schedule once you treat me. Because I don't trust your taste when it comes to foods. You really have those weird combinations." mas lalo syang natawa. "Excuse me Ms. Sophie, the Director wants to talk to you." Agad naman kaming napatigil sa pag tawa nung narinig namin ang boses ni Cassy. Tumango naman ako sakanya. At nag paalam kay Cade. "Cade, I need to go. See you soon." "Who's that girl? She sounds sexy." Grabe talaga tong lalaki tong. "Hayy nako Cade. Ikaw na babaero ka. Wag ang assistant ko." At tumawa na naman sya. Baliw na yata. "Okay Sophie, I'll see you soon. I miss you baby." Agad na binaba ni Cade. Na miss ko talaga itong lalaking ito. Kung hindi lang dahil kay James baka siguro until now may connection pa ako sakanya. ...... After the call, I hurriedly went to the Director's office. Sana naman walang new projects. I really want to go to the Philippines na talaga eh. Nang makarating ako sa office ng Director. His secretary welcomed me with a warm smile. "Good morning Ms. Sophie. You may now go to Director Harry Clint's office." She informed me and i smiled back. "Thank you Monique" And I went inside. He's standing while talking to a client? Oh God! Sana hindi ito client. After a few seconds humarap na sya at agad namang ngumiti nang makita ako. Mukang good mood. "Please take a sit Ms. Sophie." Umupo naman ako sa sofa at agad syang sumunod at naupo na rin. "Thank you" yun nalang ang nasabi ko. "Ms. Sophie, how's your recent project? We will have another fashion show next week. And all your designs will be included there." Nagulat ako sa sinabi nya. I attend some of the fashion shows here but not all my designs, yung iba pipiliin at susuriin pa. Pero iba ngayon. "Really Sir? Wow. I can't believe this. Well I'm almost done with the designs, some of the gowns are ready to wear." excited na sabi ko. Kasi few days ago, pinapunta ko na yung mga model na magsusuot ng gown para isukat. "Very impressive Ms. Sophie, we expect that you will finalize your project this week and be ready for the fashion show next week." Naka ngiting sabi nya. "And I saw your vacation leave form. Maybe after the fashion show I will allow you to have your VL. By the way where do you plan to spend your vacation?" Matagal ko na din kilala ang boss namin, and talagang mabait sya. Sana naman payagan nya ako. "Ah. Yes, I think I need to have a vacation to have another inspiration for my designs. And I plan to go back to the Philippines." Medyo kinakabahan ako kung papayagan ba ako. At baka matagal ako sa Pilipinas. "Oh, You've must really missed your country, if we have a successful FS next week and well I know we will, I will allow you to have your 6 months vacation. Since you work here for 2 years without vacation. And I think you really deserve it Ms. Sophie." Agad naman akong napangiti ng sobrang laki. Halos mapunit na nga yata yung muka ko eh. "Thank you so much Director Harry. I really appreciate it." Napatayo na ako at kinamayan sya. "And Ms. Sophie don't forget to make new designs." Alam ko na ang ibig sabihin nya. Since pinagbigyan ang 6 months VL ko. Syempre VL with work pa din. Pero okay naman sakin yon. "I will. And thank you again." And ayon na nga lumabas na ako ng office nya na sobrang ngiting ngiti. Lahat tuloy na madaanan ko nginingitian ako kasi sobrang saya saya ko lang. ...... The next day, talagang nagpaka sobrang busy na ako. Kailangan ko matapos ito at para na din matapos na nila ang pag gawa ng mga gowns. I have 10 designs and I am so happy na all of them are approved, that means yung 10 gowns na designed by yours truly ay makaka sali sa Fashion show. Sa sobrang excited ko nga kanina, hindi ako napagalitan ni James, paano ba naman kasi hindi na ako nakapag prepare ng breakfast at hindi na din kami nagkita kanina kasi mas maaga akong umalis kanina. Masaya lang talaga ako. At mamaya mag o-overtime ako. At baka bukas ko nalang kausapin si James regarding sa pag uwi ko ng Philippines, kasi for sure wala namang pakialam sakin yon. Busy naman sya sa company at baka pati kay Vanessa na girlfriend nya. Mag asawa nga kami pero alam ko namang nagkikita pa din sila ng girlfriend nya. Sa loob ng 3 years alam ko namang sila pa din kaya hindi ako kayang mahalin ni James dahil andyan pa din si Vanessa. Ano ba yan. Wag na nga masyadong ma drama. Masaya ako at makakabalik ulit ako ng Pilipinas, makikita ko na ulit si Mommy Remie and Daddy Marlon plus si Cade and ofcourse mabibisita ko sa cemetery ang mga magulang ko. ...... Bigla namang nag vibrate ang phone ko. Napatingin ako sa wrist watch ko. 11pm na pala. Usually 5pm or 6pm nasa bahay na ako. Magkakasama kasi kami ng team at tinatapos na ang gown. Sobrang ganda. Kahit ako ay hindi makapaniwala na ako ang nag design. Mas maganda ang kinalabasan. I even want to wear one. "WHERE ARE YOU?" napatingin ako sa sender. Si James. Oh fudge! 11pm na. Baka kanina pa sya nasa bahay. Kinabahan naman ako kasi naka capslock pa, bihira na nga mag text sakin yan eh. Agad naman ako nag reply. "Still in the office. Nag overtime ako." hindi ko alam kung tama ba yung ni-reply ko. "THEN WHY YOU DIDN'T TELL ME? IT'S ALREADY 11PM XIANNE." Nag madali naman akong nag paalam sa mga kasamahan ko. At agad agad pumunta sa parking lot. But before I start the engine I texted James again. "Pauwi na ako." kinakabahan akong umuwi sa totoo lang. Galit ba sya? Eh bakit pag sya nga minsan hindi nag papaalam tapos minsan hindi pa sya nauwi wala naman syang narinig sakin. Sobrang higpit ng pagkaka hawak ko sa manibela. Medyo malapit na naman akong makarating. Naka bukas na ang gate, at nakita kong si James na nakatayo sa labas. Hinihintay nya ako? Mahal nya na ako? OMG. Agad ko namang pinasok ang sasakyan ko. Medyo nawala nga yung kaba ko. Kasi hinintay ako ni James. Nag aalala sya sakin. Nakangiti pa ako nung bumaba ako ng sasakyan pero agad din namang nawala yon dahil nakita ko ang galit na muka ni James. "11:30pm na Xianne, tama bang umuwi ka ng ganyang oras?" Hindi pa nga ako nakakapasok ng bahay nasermonan na naman ako. Hindi nya pa din pala ako mahal. "Hindi ko kasi napansin yung oras, tapos may fashion show akong aattendan next week." Kahit medyo kinakabahan ako hindi maalis sa boses ko ang pagka excited. Hindi man lang nag react. Sinabi ko na ngang may Fashion Show next week. Hindi man lang nag congratulate sakin. Nauna na nga sya pumasok sa loob ng bahay ni hindi man lang ako inaya pumasok. Padabog akong pumasok. "Sa susunod na gagabihin ka ng uwi mag paalam ka naman. Or mag text ka." Walang emosyon na sabi nya. Naka upo lang ako sa may sala, medyo masakit ang katawan ko. Pero kahit ganon kinilig ako kasi nag aalala na sya. "Oh anong nginingiti ngiti mo dyan?" Napansin nya yatang kinikilig ako. "Wala naman. Nag aalala ka ba sakin?" Natigilan naman sya. Pero agad din syang naka bawi. Napa iling naman sya. "Kanina pa nag aalala si Mommy, hindi ka daw nya ma contact. Kaya kung sa susunod mag paalam ka kay Mom." At umakyat na sya sa taas. Napa buntong hininga nalang ako. Nakaramdam naman ako ng gutom. Makakain na nga lang. Kumain na kaya sya? Sabagay hindi naman nya kakainin ang lulutuin ko eh. Pag akyat ko sa kwarto namin nakahiga na sya at mahimbing na din ang tulog nya. Nag half bath muna ako bago matulog, siguro kahit half day nalang ako papasok bukas. Paglabas ko ng CR, tulog na tulog pa din ang asawa ko. Humiga na din ako sa tabi nya. Pero bago pa man ako maka tulog sa sobrang pagod hinalikan ko na ulit ang noo nya. "Good night Husband, I love you." at hinalikan ko ulit ang noo. Bigla nalang akong hinatak ng antok. Nakaka pagod ang araw na to. Pa comment naman po.. Thank you so much❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD