SIDE SIX

1204 Words
PRESENT Maaga na naman akong nagising kailangan ko pa kasing mag prepare ng breakfast namin ni James, pero sino ba naman ang niloloko ko ngayon. Never namang tinikman ni James ang mga niluluto ko. Kahit nga wala akong kaalam alam sa pagluluto dahil hindi naman ito ang linya ko, isa akong Fashion Designer at ako lang yata ang pilit nag aaral kung paano mag luto. Katulad ngayon, nasa dinning area ako dumaan sa harap ko si James hindi man lang ako pinansin at tuloy tuloy lang sya sa pag punta sa study room. "James, mag breakfast ka muna." Sabi ko pero tumingin lang sya sakin. Napabuntong hininga na lang ako. Ako na naman ang uubos nito. "Xianne, nakita mo ba yung mga folders na nasa table ko? Dito ko lang iniwan yon." Walang kagana gana nyang tanong sakin. Iniisip ko kung saan ko nailagay yon. Kasi naman nakita ko nung isang araw na ang kalat kalat ng table nya. Kaya naman naisipan kong ayusin. Kaso hindi ko sure kung saan ko ba nailagay kasi nilinis ko na ang buong study room namin. "Ah- ano kasi. James, ano ba. Wait! Alam ko nailagay ko lang yon dito eh." Pumasok na ako sa loob at nilibot ng mata ko ang buong kwarto at pilit na inaalala kung san ko ba nailagay sa kwarto. "Ano na namang kapalpakan ang ginawa mo Xianne? Diba ang sabi ko sayo wag na wag kang makikialam ng kahit anong pag mamay-ari ko? Tingnan mo ngayon, saan mo nilagay ang mga folders? Kailangan ko ngayon yon para sa presentation." Galit na galit na sya ngayon sakin para bang sobrang laki ng kasalanan ko, eh na misplace ko lang naman yung folder eh. "Wait lang James, hahanapin ko na. Alam ko dito ko lang yun nailagay eh. Wait lang talaga." kahit na kinakabahan ako hinanap ko yung folder, after 15 minutes na pag hahanap sa mga drawers and book shelves nahanap ko na din ang tatlong folders na sinasabi nya. Agad ko naman itong inabot sakanya at marahas nyang hinablot sakin. "Sa susunod Xianne, wag na wag ka nang papasok sa study room na to." At padabog syang umalis ng bahay namin. Ano pa nga ba. Maiiwan na naman akong mag-isa dito. Routine na namin ito araw-araw. Kasi tuwing umaga lagi nalang may kapalpakan akong nagagawa. Kahapon dahil pinipilit ko syang uminom ng coffee natapunan ko sya sa coat nya. Ayun galit na naman sakin. Noong nakaraang araw naman dahil nag mamadali ako at hindi ko naman kasalanan na nakaharang sya sa daanan nasanggi ko yung phone nya at nalaglag, eh sa ihing ihi na ako eh. Tapos ayon, galit na naman kasi importanteng client daw yon at dahil nasira ang phone nya hindi nya na mai-text. Lahat nalang yata ng kamalian ko napapansin nya. Bumalik na lang ako sa dinning para kainin ang naihanda kong breakfast. Dahil nasa America kami, ang maid namin ay pumupunta lang dito araw-araw. Ayaw kasi ni James na may iba kaming kasama dito sa bahay, sakin palang daw ay problemado na sya what more kung ang maid ay dito pa nakatira. Namiss ko tuloy si Mommy Remie, 2 months ago ang huling bisita nya sa amin. Siguro naman after ng mga projects ko ay pwede na akong umuwi sa Pilipinas. Pero dapat ko munang tapusin tong mga gowns na ide-design ko. Wedding gowns to be specific. Ito talaga yung frustrations ko, kasi hindi ako nakapag wedding gown noong kinasal kami ni James. Kaya lahat ng ideas ko binubuhos ko sa mga designs ko. Marami na akong naging VIP clients, from artist to Princesses not only from America but also from different countries. Actually, kahit kilala na ang name ko sa fashion industry I still keep my profile low. Pero minsan hindi maiwasan kasi kailangan kong humarap sa mga tao and interviews. I'm still not used to it. ......... Katulad ng mga ibang araw ganon pa din ang pangyayari sa buhay ko. I went to my office and started my day by greeting all the staffs here from the security guard hanggang sa mga boss namin. I make sure na equally treated ang mga staffs. I am working in this company for 2 years now and sa sobrang maganda ang performance ko, malaki daw ang tinaas ng sales. Kung tutuusin pwede naman ako mag tayo ng sarili kong boutique pero dahil hindi naman ito ang priority ko sa ngayon dahil kailangan kong gumawa ng mga plans para naman pansinin na ako ng asawa ko. Hanggang kelan ba magiging one sided love to. Halos maubos ko na ang alphabets sa kaka plano ko. Maypa plan plan A pa ako. Tapos Plan B tapos Plan C na umabot na yata sa Plan Z pero hindi pa din ako pinapansin ni James. Hindi bali pwede namang Plan AA to Plan ZZ na. Malaki talaga ang galit non sakin. Pano ba naman napilitan syang makipag break sa girlfriend nya at higit sa lahat ay ang pakasalan ako. Minsan naisip ko nalang mag adopt sa kagustuhan ko na magka anak, kaso as usual pinagalitan na naman ako ni James. Kung binibigyan na ba kasi nya ako ng anak eh. Si Mommy Remie and Daddy Marlon nga humihingi na samin ng apo. Matanda na daw sila at gusto nilang makitang lumaki man lang ang magiging apo nila. Kaso sabi ko naman sainyo sa bato nga yata ako kinasal. No effect. "Ms. Sophie, someone called earlier, he wants you to call him as soon as you get here." Nagising nalang ako sa malalim kong iniisip ng nag salita ang assistant kong si Cassy. Baka may new client na naman ako. Pero if ever baka tanggihan ko kasi I want to visit Mommy Remie sa Philippines. "Cassy, can you please callback that client and introduce him to another designer, I can't accept new clients as of the moment since I will be taking my Vacation Leave next week." Sabi ko kay Cassy habang nakatingin sakanya. She's still typing and browsing on her tablet. Baka inaayos nya na naman ang mga schedules namin. Lumabas na si Cassy sa office ko and after like 5 minutes bumalik na sya ulit. "I'm so sorry Ms. Sophie but he really wants to talk to you. I already explained that you are not accepting any clients. But he wants me to---" Bago pa man matapos ang sasabihin ni Cassy hiningi ko na yung company phone sakanya at mabilis namang nai-callback ni Cassy ang tawag. "Hello, if you will just tell me that Sophie is not available right now please tell her to call me after an hour." Yan agad ang bungad sakin ng lalaki sa kabilang linya. He sounds familiar. Napaka demanding ng isang ito. "Hi. This is Sophie, how can I help you Sir?" Client pa din naman ito kaya kahit na gusto ko tong batukan sa pagka demanding ay maayos ko pa din syang sinagot. "Sophie, baby." OMG. Kaya naman pala pamilyar ang boses. Its been two years.. two years kaming walang contact, paano nya nalaman ito. "C-Cade?" Nanginginig ang boses ko. Halos hindi ko masabi ang pangalan nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD