SIDE FIVE

3574 Words
LIAM JAMES Pag labas ko ng kwarto which is katabi lang ng kwarto ni Xianne dito sa bahay namin. Nakita ko si Mommy na pababa na din para mag prepare ng breakfast ni Dad. "Maaga ka yatang nagising Liam." bati sakin ni mommy, sumabay na ako sa pagbaba nya. "Nasanay lang siguro akong maagang magising." tumingin si mommy sakin. "Aalis pala mamaya si Sophie, nag paalam na sya sakin kagabi. Ihahatid na lang sya mamaya ng driver nya sa mall ang problema, baka mamayang 6pm pa sya makakauwi. Daanan mo nalang sya mamaya sa Mall. Hindi pa kasi nakakauwi ang driver nya dito at ayaw ko naman mag taxi yun at isa pa gagabihin kami ng Dad mo ng uwi mamaya." May magagawa pa ba ako? Eh naka plano na pala. Ako lang malalagot pag di ko sila sinunod. Isa pa kasi tong si Xianne, lagi na lang nasa Mall. May narinig kaming papalapit na mga taong nagtatawanan. "Yes Tito, nakita ko nga din po yun. Pero ang bilis ma out of stock eh." Si Xianne ang nag sasalita at siguradong si Dad ang kausap nya. "Naghahanap nga din ako ng ganyan hija, alam mo na para magamit sa office. Sa susunod kay Cade na nga ako mismo mag papakuha ng items." sabi naman ni Dad. Ngayon nakasali na sa usapan nila si Cade. "Matutuwa yun si Cade pag nalaman nya yun Tito. Kahit madaming trabaho yun naisisingit pa naman nya yun." Naku, trabaho? Baka kamo madami pa ding babae. "Good morning Tita, good morning din James." bati ni Xianne noong makapasok sila dito sa dinning area. Humalik sya kay Mommy. Kung titingnan ay parang sya pa ang anak ng parents ko. Bakit kasi hindi nalang nila ampunin si Xianne, tutal gusto naman nila ng babaeng anak at bakit kailangan na kami pa ang ikasal. Isang malaking kalokohan naman to. "Mag breakfast na tayo. Maupo na kayo dyan." sabi ni Mommy. Nasa pinaka dulo si Dad, nasa right side naka upo si Mommy at ako ang nasa left side. Si Xianne naman ang nasa tabi ko ngayon. "Sophie hija, kamusta ang mga ginagawa mong new designs ng women's evening wear?" pag sisimula ni mommy. "Ayos lang naman po Tita, marami na din po akong nasimulan, sa ngayon po puro sketches palang. Baka sa mga susunod na araw ko po sisimulan na gawin since nakakuha na po ako ng mga tela na gagamitin ko po." nilingon ko si Xianne na ngayon ay isa isang inaalis ang mga carrots na nasa fried rice nya. Napa iling na lang ako, kaya malabo ang mga mata nya dahil hindi sya nakain ng carrots. "Sa mall ka lang ba pupunta mamaya?" tanong naman ni Dad. "Hmm opo Tito, magtitingin tingin lang din po ako sa Mall at alam nyo na magtitingin ng mga taong naglalakad." natatawang sabi nya. "Ano hija? Magbibilang ka na naman ng mga taong dumadaan sa harapan mo? Nung isang beses naka 300 ka kamo." natatawa din si mommy sa sinabi nya. Mga baliw na yata ang mga taong kasama ko. "Ganoon ka na bang ka bored at nagawa mong magbilang ng tao sa Mall?" nilingon ko sya noong sabihin ko yun. Masyado yata akong harsh kasi biglang nagbago ang masayang expression nya. Siguro nga ay malungkot pa din sya dahil wala na ang parents nya, kaya dapat ay maging mabait man lang ako sakanya. "Hindi naman James, hindi kasi ako nasundo agad ng driver kaya noong nag stay ako sa coffee shop ay bigla ko na lang naisipang bilangin ang mga tao." pinapatuloy nya ang pagkain pero hindi nya na ginalaw ang fried rice na maraming carrots, siguro nawalan na nga sya ng gana at yung bacon na lang ang kinain nya at isang hotdog. Biglang natahimik ang buong dinning area. "Oo nga pala Liam, ang mga kaibigan mo hindi man lang ba kayo mag babakasyon?" tanong ni mommy. Sa ngayon kasi ay madami pa akong inaasikaso kaya wala akong time para doon. "Hindi ko pa po alam Ma. Nasabi ko nga din po sakanila pag okay na ang lahat ay baka mag bakasyon kami." Sabi ko at nagpatuloy din sa pagkain "Nakita ko sila one time, lahat sila ay busy na din pala sa trabaho sa kani kanilang negosyo." sabi ni Dad. "Siguro nga Dad, sigurado naman yung si Nixon. Sya na ang nag take over ng company nila eh. Yung Cortez twins naman ang alam ko nag training pa sila sa company nila since masyadong malaki at malawak ang negosyo nila. At sigurado akong si Aguirre ang pinaka busy sa amin dahil sa mga pambababae nya." natawa ako sa sinabi ko, parang kelan lang mga batang naghahabulan pa kami sa field ngayon naman ay may kanya kanyang trabahong inaasikaso na. "No James, baka nag kakamali ka. Si Cade ay ilang buwan na kayang nag trabaho sa company nila. After ng 3 months training nya dati nag simula na sya, at ang alam ko wala syang mga girlfriends ngayon eh." biglang sumingit si Xianne. Si Cade no girlfriends? baka pumuti na ang uwak playboy pa din yun. "Xianne, baka naman nagkakamali ka. Si VJ pwede pa. Pero si Cade? It's a big NO. Hindi na yata magtitino ang isang iyon." Natatawa na lang ako. Si Cade magtitino, impossible. "James, hindi naman yata tama na i-judge mo si Cade, he's doing well in their company." Kelan pa silang naging close ni Cade para malaman nya yon. And kung magseseryoso sya dapat sa amin nya sinabi yun hindi kay Xianne. "Nakita ko din minsan si Cade, nagtatrabaho na talaga sya hijo." si mommy naman ang nagsabi sakin. "Liam, actually sakanya na nga ako sa susunod kukuha ng mga gadgets. Pwede palang directly sakanya nya. Like what he did sa gustong drawing tablet ni Sophie." si Dad ang nagsabi nun. Tumingin ako kay Xianne na ngayon kay tinatanggal naman ang mga onions sa omelet egg nya. Napaka mapili talaga nito sa pagkain, kaya ang payat eh. Hindi talaga ako makapaniwala na nagbago na si Cade or baka pakitang tao nya lang yun para magpalakas sa Dad nya. After namin mag breakfast umalis na din ang parents ko. Si Xianne bumalik sa room nya. Since wala naman akong naka sched na lakad ngayon, maka pag gala na lang din kaya. .... Nakita ko si Xianne na palabas, aalis na yata pero 10am palang naman at kakabukas palang ng Mall for sure, bakit kaya ang aga nya umalis. Nagulat na lang ako na pasakay na din ako sa Mazda RX8 ko. Since andito na din naman ako baka mag punta na lang muna ako ng Mall, pampalipas oras na din. Naka sunod lang ako sa Toyota Prius nila pero bigla namang nag iba ng way. Hindi na ito ang papuntang Mall, saan naman kaya pupunta ang babaeng ito. Ang paalam nya kay Mommy sa Mall pero hindi naman Mall ang pupuntahan nya yata tapos ganito kaaga pa. Sunod lang ako ng sunod sakanila. Tumigil ang itim na Toyota Prius sa isang flower shop, bumaba si Xianne at pumasok sa loob ng shop hinintay ko na lang ulit umalis ang sasakyan nila kasi kung bababa pa ako at lalapit baka mahalata nya na sinusundan ko sya. Umalis na ulit ang sasakyan nila. Hanggang nakarating kami sa isang Cemetery. Dito nakalibing ang mga magulang nya. Bumaba na si Xianne sa sasakyan nila. Papunta nga sya sa museleo ng parents nya. Dadalawin nya nga ang parents nya. Nag park ako hindi kalayuan sa tinigilan ng sasakyan nila, nag dadalawang isip pa ako kung lalapit ako or hindi pero sa ngayon hindi na lang muna ako bababa, baka hindi rin naman sya mag tagal. Sa pwesto ko naman ngayon kitang kita ko ang ginagawa nya. Inilagay nya ang mga bulaklak sa harap ng puntod ng parents nya. Tahimik syang nakatayo sa harap nito. Siguro ay nag aalay sya ng isang dasal. Nakaka ilang minuto na din kami pero hindi pa rin umaalis si Xianne, naupo sya sa isang naka slant na folding bed. Kitang kita ko kung paano nya pinikit ang mga mata nya kasabay nun ang pag tulo ng luha nya na agad naman nyang pinunasan. Hanga ako kay Xianne kung paano nya nakakaya kahit na mag isa na lang sya. Masyado akong nagiging hard kay Xianne, kahit noon pa man. Nakakatawa na ako lang ang tumatawag sa pangalan nyang Xianne, at sya lang din ang natawag saking James. Mas matanda ako sakanya ng isang taon, 22 na ako ngayon at si Xianne ilang araw na lang bago mag 21. Mag bestfriends ang parents namin kaya naman simula yata ng ipinanganak kami ay lagi na din kami mag kasama. Bata pa lang kami ay hindi ko na talaga gusto kasama si Xianne, iba kasi ang trip nya sa trip ko. Syempre babae sya at lalaki naman ako. Sa school everytime na ma bu-bully sya ay palihim kong binubugbog ang lahat na lalaki na aaway sakanya. Kung babae naman ay pag sasabihan ko. Hindi ako nakikipag kaibigan sakanya dahil alam kong ako din ang magiging dahilan ng pambu-bully sakanya, kakainggitan sya lalo ng mga classmates, batchmates nya kaya naman hangga't maari ay palihim ko lang syang babantayan. Si Cade ay ilang beses na nagtangkang lumapapit sakanya noong elementary at high school kami, pero lagi ko syang pinagbabawalan dahil ayokong maging isa sa mga babae nya si Xianne, she deserve better. Why Xianne? "Why do you call me 'Xianne', most people call me Sopie?" tanong ni Xianne sa akin. Siguro ay nasa grade one na kami nito, at nasa bahay namin sya. "Should I call you that? Am I 'most people' to you?" balik tanong ko sakanya. "Ofcoure not, because you're special so you can call me Xianne. And from now on I will call you James." Hindi na rin naman ako mananalo sakanya. Makulit at madaldal si Xianne. Kaya minsan ayaw ko syang kasama eh. Kilala sya ng mga kaibigan ko. Dahil alam nilang malapit ang mga pamilya namin. Nagtatanong sila kung bakit ayaw ko isama si Xianne, since wala naman daw itong kaibigan at naaawa sila dito. Mas lalong gugulo ang buhay nya pag sinama namin sya. Kaya lihim ko na lang syang binabantayan noon. Malungkot ang naging buhay ni Xianne dahil wala syang kaibigan pero mas mabuti yun kesa meron nga pero niloloko lang naman sya. Kaya siguro pag nagkikita kami ay halos ikwento na nya ang talambuhay nya sa akin. Hinahayaan ko na lang sya minsan. Pero noong nag high school kami ay nag iba na si Xianne, minsan ay hindi na sya lumalapit sa akin. Pero mabuti na din yun para hindi na rin sya masyadong ma attach sakin at magkaroon sya ng sariling buhay. Nagulat pa ako noong sa France na sya mag aaral, mas naka buti nga yata iyon sakanya dahil na build nun ang confidence nya. Nakatulog pala ako dito sa loob ng sasakyan ko buti naka bukas ang bintana ko, agad kong sinilip si Xianne, baka kasi ay naka alis na sya. Nakita kong naka higa na sya doon sa folding bed. Naka tulog din yata sya, sinilip ko ang relo ko. Umalis kami ng 10am sa bahay ngayon ay 12nn na. matagal din pala kaming nanatili dito. Nagising na yata si Xianne, at parang nagulat pa sya noong nakita ang oras sa relo nya at parang natatarantang iniayos ang suot nyang white sleeves tops and and kanyang sobrang short skirts na parang isang dangkal lang ng kamay ko ang haba nun. Sinuklay suklay nya pa ng kamay nya ang kulay cherry brown na buhok nya na may mga big curls sa bandang dulo ng buhok nya. Agad syang humarap sa puntod ng magulang nya, siguro ay nag paalam na. Nag mamadali syang lumabas at sumakay sa Toyota Prius. Noong naka alis na sila ay dumaan ako saglit sa harap ng museleo. "Tito Xander, Tita Sandra wag na po kayong mag alala kami na po ang bahala sa anak nyo. Mahal na mahal din po sya nina Mommy and Dad. Sige po alis na ako, at susundan ko pa po ang pasaway nyong anak." napatawa na lang ako dahil nag mumuka akong stalker nito sa ginagawa ko eh. Mabilis ko namang nasundan ang sasakyan nila. Ngayon sa Mall na talaga ang punta nya, medyo na traffic kami sandali pero nakarating na din naman kami, since weekdays ngayon kaya hindi gaano karami ang tao. Buti sa parking lot sya binaba ng driver nya kung hindi, hindi ko na rin sya masusundan. Mabilis akong nakahanap ng space at nag park. Pag pasok nya sa mall ay sa isang Restaurant sya agad pumunta, mukang gutom na nga. Sa Italianni's Restaurant sya pumasok. Mga 4 tables away ang pwesto ko sakanya, naka talikod sya sakin kaya hindi nya ako makikita if ever na lumingon sya. Nilapitan sya at binigyan ng menu. Mukang sanay syang kumain dito dahil nakapag order sya agad. Itinaas ko ang kamay ko para tawagin ang waitress na kumuha ng order nya. "May I take your order Sir." sabi nung waitress na kumuha ng order ni Xianne, "Same as her." Tinuro ko pa ang pwesto ni Xianne. "Okay Sir, one Caesar Salad, one Shrimp & Chive with Marirose Dressing, and one minty citrus. Do you want anything to add Sir?" What? Yun ang order ni Xianne? Mabubusog na ba sya dun? Anong kakainin nya puro dahon at damo? Puro green lang ang kakainin nya. Napailing ako. "One Grilled pork chop Au Poivre. And change my drinks to Borabora Sangria. That's all" sabi ko at umalis na din ang nag serve sakin. For sure hindi kakainin ni Xianne ang grilled pork chop Au Poivre na yun dahil madaming carrots yun at ang drinks ko ay combination yun ng red wine, fundador, orange juice. Naunang i-serve ang pagkain ni Xianne, at nag simula na syang kumain. After ilang minutes ay yung sa akin ang dumating madami pala ang inorder ko, pero kayang kaya kong kainin lahat ng to. Ako nga pala ang susundo dito kay Xianne, ang tanong alam nya na kaya? Paano ko sya susunduin kung hindi ko alam kung paano ko syang kokontakin. Sinundan ko pa sya, after namin makalabas dito sa Restau, may pinipindot sya sa phone nya. Papunta syang MCDO? What? Gutom pa sya. Umupo sya sa may labas noong nakita nyang napakahaba ng pila. Siguro dahil lunch time pa din. Naka tayo ako medyo malayo sakanya, parang wala syang pakialam sa mundo kaya pinag titinginan na sya ng mga taong dumadaan, sinong hindi mapapatingin sakanya. Oo maganda si Xianne, maputi, at ang suot nya ngayon ay mapapatingin ka talaga sa leegs nya. Ano ba tong iniisip ko. At bakit ba until now sinusundan ko pa rin ang babaeng to, eh mukang mag bibilang na naman yata ng taong dumadaan to eh. Paalis na sana ako, pero may narinig akong pamilyar na boses na tumawag kay Xianne. "Sophie, baby." nilingon ko kung na saan ang tumawag. Hindi nga ako nag kamali si Cade ang tumawag. Bakit sila mag kasama at tinawag nyang 'baby' si Sophie. Mabilis na tumayo si Xianne at nilapitan nya si Cade na ngiting ngiti. Bumalik sila sa pwesto ni Xianne kanina. Umalis si Cade at pumila, ilang sandali lang may dala dala itong Sundae ice cream. May iniabot syang box kay Xianne, inilabas nya yun at ginamit nya agad. Mukang drawing tablet. Ngayon naintindihan ko na yung tungkol sa sinasabi ni Cade na favorite nyang Double Caramel Fudge Sundae nya, at yung kausap ni Xianne kagabi na makikipag kita sya at ililibre nya. Yung kaninang breakfast kaya pala ganun na nya lang ipagtanggol si Cade dahil nagkikita naman pala sila. Sinabihan ko na dati si Cade na wag si Xianne, pero hindi sya nakinig sakin. Tanaw na tanaw kong pareho silang masayang kumain nung ice cream. Lumipat pa sa tabi ni Xianne si Cade at sabay nilang tine testing ang drawing tablet na yun. Alam kong sa huli si Xianne din ang masasaktan dito dahil si Cade pa ang nagustuhan nya, sa isang playboy. Napailing na lang ako. Siguro naman ihahatid sya ni Cade pauwi sa bahay. Uuwi na lang ako, maka pag skype na lang para makausap ko na si Vanessa, miss na miss ko na ang girlfriend ko. Naka uwi na ako ng bahay, mga 3pm na din ngayon. Tina try kong kontakin sa skype si Vanessa, hindi nya sinasagot. Napalo ko na lang ang noo, dahil 2am nga pala sa America ngayon. 13 hours ang pagitan. Maka tulog na nga lang. ...... Napa sarap ang tulog ko, una kong hinawakan ang phone ko baka tumawag si Vanessa. Pero nanlaki ang mata ko sa message na nabasa ko. 5:30pm MOM: Liam, I texted Sophie a while ago. She'll wait you in the coffe shop. Be good to her. Love you son. Anong oras na ba? 7:30? Baka kanina pa yun naka uwi since magkasama naman sila ni Cade, sabi ni Mommy 6pm daw uuwi. Lumabas na ako ng room ko dahil nagugutom na ako. Maka pag dinner na nga lang. Pag baba ko sa dinning area nakita ko si Manang. "Manang ano po ang dinner natin?" tanong ko. "Sandali lang hijo, iinit ko muna itong menudo. Meron ding adobo. Sandali lang." wow mga favorite ko pa ang ulam. "Manang, wala pa din ba sina Dad?" malamang wala pa yun ang tahimik ng bahay eh. "Wala pa, sabi nila ay gagabihin daw sila. Kaya ikaw na lang muna ang kumain." Sabi nya habang iniinit ang mga ulam. "Si Xianne po manang anong oras dumating?" tanong ko. "Ang batang iyon kanina ko pa din hinihintay, wala pa din. Hindi naman nag text kung nasaan sya." Nag aalalang sabi ni Manang. Ibig sabihin hindi pa sya nakaka uwi? At patay talaga ako kay Mommy nito, 6pm ko daw sunduin anong oras na 7:30pm na. Baka nag hihintay pa din sakin yun sa Mall, isa pang sira ulo yun si Xianne. "Manang, lalabas muna ako." Hindi ko na hinintay ang sagot nya at agad na akong sumakay sa sasakyan ko at pumunta ng mall. Hindi ko pwedeng tawagan si Mommy baka mag panic yun pag sinabi ko. Sana nga nag hihintay pa din sa Mall si Xianne, dahil kung hindi, hindi ko alam kung saan sya hahanapin. Nakarating ako sa Mall sa loob lang ng 30mins. 8pm na, nasaan ba yun. Wala naman sa entrance. Tama. Si Cade, si Cade ang tatawagan ko. Nag dial agad ako kay Cade. Ilang minuto bago sinagot ni Cade ang tawag ko. "Dude." bati nya, medyo maingay sa place nya. Baka nasa bar ang isang to. "Nasaan ka?" kahit obvious ay nagtanong ako. "Nasa Republiq. Dude importante ba iyan? Itext mo na lang.. sige..bye" at ang loko binabaan ako ng tawag. Nyeta!! Pupunta na lang ako sa Republiq. Buti na lang ay malapit lang dito ang Republiq. Nag mamadali akong pumunta para itanong kung alam nya kung nasaan si Xianne, dahil sya ang huling kasama. Ang malas lang dahil hindi ko naman alam ang contact number ni Xianne, hindi ako nag text kay Cade dahil wala ding kwenta iyon kung nag eenjoy na sya kasama ang mga babae nya. Nakarating na ako, hindi ko pa na ipa-park ang sasakyan nahagip na agad ng mga mata ko si Cade, buti ay umabot ako. May kasama syang babae, mukang lasing na lasing ito at hindi ako pwede mag kamali si Xianne ang babaeng iyon dahil iyon pa rin ang suot nyang sleeveless tops and short skirts. Halos yumakap na sya kay Cade dahil hindi na ito maka tayo. Tinulungan sya ni Cade na maka pasok sa loob ng Toyota Camry XLE nya, tawa nang tawa si Xianne ganun din si Cade. Mabilis na umikot si Cade sa driver's seat. Hindi ko namalayan na sinusundan ko na rin ang sasakyan na iyon. Natatakot akong baka mapahamak ang dalawa, alam kong hindi mabilis malasing si Cade at ang mas kinakatakot ko baka may masamang gawin si Cade kay Xianne, alam ko ang takbo ng isip ng isang Aguirre. Hindi papuntang bahay namin ang way ni Cade, hindi nya naman kasi alam na sa bahay namin nakatira si Xianne, or alam nya pero hindi nya lang talaga balak iiuwi si Xianne. Alam ko ang way na ito. Papunta ito sa bahay nina Xianne. Hindi naka ayos ang pagka park ng sasakyan nya sa tapat ng bahay nina Xianne, tumigil ako, mga tatlong bahay ang layo sa bahay nila, at kitang kita ko pa din sila. Lumabas na si Cade, at sya ang nag doorbell ilang sandali lang ay lumabas si Xianne pero parang tutumba sya sa sobrang kalasingan nya. Tumatawa ito kay Cade na nakataas pa ang dalawang kamay. Napapailing si Cade kaya naman, lumuhod ito patalikod kay Xianne, pumasan si Xianne sa likod ni Cade. Lumabas ang isa sa mga katulong nina Xianne. Pinapasok naman silang dalawa. Hihintayin ko na lang si Cade dito para maka usap, bakit nya nilasing si Xianne. Tumagal ng isa, dalawa, tatlo, apat na oras ay hindi pa rin lumalabas si Cade, kinakabahan na ako. Baka kung ano na ang ginagawa nya kay Xianne lalo na't lasing pa naman si Xianne. At pag nagkataon ay kasalanan ko pa ito dahil pinapa sundo sya sakin nina mommy. Hindi ko hinayaan na maka tulog ako dito sa loob ng sasakyan ko. hindi pwedeng maka lagpas si Cade sakin ngayon. 4AM. It was 4 f*****g in the morning noong lumabas si Cade, hindi na ako magtataka kung may nangyari sakanila. Lumabas sya ng hindi na suot ang t-shirt nya. Pumasok sya sa loob ng sasakyan nya na magulo pa ang buhok habang sa isang kamay ay bitbit ang t-shirt na kanina ay suot lang nya. Naihampas ko ang kamay ko sa manibela. Napaka gago ng lalaking ito pagkatapos ng ginawa nya ay iiwan nya lang si Xianne ng ganoon? Gusto ko sanang bumaba at bugbugin si Cade pero nanghina ako sa katarantaduhang ginawa nya. Ilang beses ko syang binalaan na wag si Xianne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD