Chapter 2

2000 Words
Lolet. Ano daw girlfriend? Sino ako? Tanong ko sa sarili. "What? Really Leo? Are you kidding me?" Anang babae sa lalaking naka akbay sa'kin. "I'm telling the truth Bea. I'm done with you," sagot niya. Lumingon siya sa'kin, at ngumiti. Anak ng titing naman, bakit ganito ito kagwapo? Wait nagagwapohan ako? Teka nga! Bakit ba ako nasali sa issue na ito? "It's go Darling?" Anyaya niya sa'kin. Nagulat ako sa bigla niyang pagpisil sa braso ko. Kaya napahawak ako roon at pinilipit ang kamay niya. "Ahh, damn it!" Hiyaw niya. "Ohh my gosh! Leo." Pagaalala ng babae. "Mga bwesit kayo, badtrip na nga ako dahil natanggal sa trabaho. Tapos ngayon isasali nyo pa ako sa drama n'yo." Inis kong bigkas, habang nag-aapoy sa galit. "Bitawan mo s'ya," sigaw ng babae. Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng nakakaloko. Saka binitawan ang kamay ng lalaki. "Ikaw na babae, kung alam mong babairo itong lalaki. Dapat noon pa lang hindi mo na pinatulan. Ang hirap sa in'yo, palibhasa gwapo, sunggaban agad." Sandali nasabi ko bang gwapo ang lalaki? Ayy basta bahala na s'ya. "Darling, I know you're jealous hmmm! Calm down, we're done." Sabat ng lalaki. Hindi ko man lang namamalayang nakalapit na pala sa'kin at hawak ang kamay ko. Loko to a! Sa tanang buhay ko wala pang naka holding hands sa kamay ko. Mas lalong wala pang nakahalik sa labi ko, liban sa kanya. Kamalasan nga naman ohh. Alam kong gwapo siya, kaya lang nangangamoy babairo e. "Hoy Lalaki! Bitawan mo nga ang kamay ko kung ayaw mong pilipitin ko uli yan," inis na banta ko. "Leo, sino ba kase siya, at mukhang hindi ka kilala." Sabay uli ng babae. "Talagang hindi ko siya kila-" "I told you, she's my girlfriend. Ganyan talaga siya magselos kunwaring hindi ako kilala. Kaya excuse us ihahatid ko na siya." Anas niya sa babae. Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa kamay ko, at hinila ako kung saan. "Hoy, lalaki sino ka ba?" reklamo ko. "Hindi parin ako naniniwala sayo Leo, alam ko tulad ng ibang babae napulot mo lang siya, para sabihing girlfriend mo. Ilang babae na ba ang pinakilala mong girlfriend para iwasan ako?" Sigaw ng nu'ng babae. Napahinto kami sa paglalakad, at binalingan niya ang babaing kausap kanina. "I have no time to explain, tanggapin mo nalang. Dahil ayaw ko na sa iyo-" "Ayaw mo dahil, napag sawaan mo na ako?" Anito sa lalaking katabi ko, ngunit ngumisi lang siya sa babae. "Think whatever you want Bea!" Sagot niya. "Teka nga! Pwedi ba paguusap n'yo ng maayos ito." Sabat ko, at tumingin sa lalaking hawak ang kamay ko. "At ikaw, lalaki ka kanina pa ako naalibadbaran sayo. Para sabihin ko sayo hindi ako tulad ng babaing inakala mo. Kaya huwag mo akong e-dadamay rito. Ang babairo mo kase, tapos ngayon ipagsasangga mo sa kalandian mo? Ito lang ang sasabihin ko sayo, wala akong naging boyfriend- hmmm." Hindi ko natapos ang sasabihin ko, nang muli niya akong hinalikan sa labi. Sa pagkakataon ito, ginalaw na niya ang kan'yang labi, at pilit na pinapasok sa loob ko ang dila niya. Lintik, bakit ang bango ng hininga niya. Kahiya sa laway kong panis na, kakadaldal. Sandali nahihiya ba ako? Bakit gusto ko ang halik n'ya. Itulak mo Lolet, itulak mo. "I like your lips darling," aniya ng humiwalay ang labi namin. "Halik ko lang pala ang makapag papatigil sa kadaldalan mo," dagdag pa niya at ngumisi sa'kin. Bumalik ang ulirat ko, at tila ako nabuhusan ng malamig na tubig, sa pagpapahiya niya. Kaya isang sampal ang binigay ko sa makinis niyang mukha. Nagulat siya sa ginawa ko maging ang babae napasinghap. "Yan ang nararapat sa babairong tulad mo." Bulalas ko saka sila iniwan. Mabuti nalang may taxi agad na dumating. Inis akong sumakay sa taxi, dahil sa nangyari ngayon. Patung-patong na ang inis ko. Ang malas ko yata ngayong gabi? Natanggal sa trabaho, tapos nasali pa ako sa drama ng magjowa tssk. "Sayang gwapo sana babairo lang, hinalikan ba naman ako bwesit s'ya." Saad ko sa kawalan, napasulyap ako sa salamin, at ganon nalang ang gulat ng nakatingin rin sa'kin ang driver. Mukhang napalakas yata ang sinabi ko? Ang daldal ko talaga. __ Pag-uwi ko agad kong kwento kay Rechelle ang nangyari sa trabaho. Hindi ko na sinabi ang tungkol doon sa lalaking babairo. Iniisip ko pa lang siya kumukolo na ang dugo ko. Mga lalaki talaga, kung maka hablot akala mo pagmamay-ari na nila, ang lahat na babaing madampot. "Paano ka ngayon Lolet? Iyo'n lang na trabaho ang malaki mong kita ah?" Anang Rechelle. "Huwag mo akong alalahanin, may alam na trabaho yu'ng isa kong katrabaho sa bar. Kaya lang fulltime kaya kailangan kong magresign sa ibang raket ko." "Sure ka na ba d'yan? Sayang din ang raket mo." Aniya. "Sigurado na ako, gusto mo bang sumama?" Anyaya ko ngunit umiling siya. "Ayos na ako sa work ko, basta bumisita ka rito," ang wika niya, habang nakanguso. "Sira! Malamang bahay natin to, uuwi ako rito kapag day off ko. Kaya magkikita parin tayo." Sambit ko at umirap pa sa kanya. "Anong trabaho ba?" "Katulong." "Kaya mo ba?" Bumuntong hinga ako. "Kakayanin, para makaipon ako ng malaking halaga para kay Mama." "Lolet!" Bigkas niya at humawak sa kamay ko. Alam kong pinapagaan n'ya lang ang loob ko. Kaya ngumiti ako sa kanya, para ipaalam na ayos lang ako. __ Nagpagawa ako ng resignation letter kay Rechelle, habang ako ay nagiimpake ng gamit ko. Tumawag din si Dina na matutuloy kami, mamayang hapon pa alis namin kaya may oras pa akong asikasohin ang importanting gagawin. Iilang gamit lang ang dala ko, dahil katulong naman ang papasokan ko hindi office. Matapos kong magimpake agad akong naligo. Malapit nang magalas-kwatro ng hapon kaya gumayak na ako. "Mag-iingat ka doon Lolet huh?" Paalala ni Rechelle, ng makitang bihis na ako. "Ano ka ba? Hindi naman eligal ang trabaho ko," pagbibiro ko. "Sira! Alam ko, ang akin lang magiingat ka roon dahil kilala kita Lolet. Tsa'ka hinay-hinay sa pagkamadaldal, baka mamaya umuwi ka kaagad rito." Paalala niya. Napakamot nalang ako sa batok dahil sa sinabi niya. Ewan ko ba hindi ko mapigilang sumabat minsan, ang bilis ko pa maasar at magalit. "Alam mo pasmado yang bibig mo," reklamo ko. "Aba! saan pa ako magmama? Di Sayo," aniya. Mukhang na impluwensyahan ko yata sa pangbabara. Naputol ang paguusap namin ng tumunog ang basag kong cellphone. Sumipat ako roon at nakita ang number ni Dina. Agad kong sinagot ang tawag, para makausap siya. Suminyas ako kay Rechelle na sasagotin ko lang ang tawag. "Hello, Dina," sagot ko kaagad. "Lolet, nandito na ako sa terminal, punta ka na." Aniya. "Okay sige, sandali lang huh? Hahanap lang ako ng tricycle." Sagot ko, saka pinatay ang tawag. Bumuntong hinga akong lumingon kay Rechelle. "Aalis na ako, mag-iingat ka rito. Uuwi ako kapag day off ko." paalala ko. Tumatango siyang lumapit sa'kin, at yumakap. "Mamimiss kita, Lolet." "Ngayon ka pa talaga nagdrama d'yan? Sige na baka kakaganyan mo. Baka hindi na ako tumuloy." Biro ko. Kumalas na kami mula sa pagkakayakap, at ngumiti sa isa't isa. Sumakto lang ang paglabas ko ng bahay, may tricycle na huminto sa harap ko. Bago pa umandar ang tricycle, kumaway ako kay Rechelle, para magpalaam. "Sa terminal po kuya," sambit ko sa driver. Hindi din tumagal at nakarating na ako sa terminal. Pababa palang ako, sumalubong na agad si Dina sa'kin. "Kain muna tayo Lolet, gutom na ako e," aniya at hinila ako papunta sa food court. Nag-order lang ako menudo, at kanin. "Manang sabaw nga po rito," sigaw ni Dina. "Manang dalawa po huh?" Sigaw ko rin. Nagkatinginan kaming dalawa at napatawa ng mahina. "Sandali lang," anang tindira. "Hindi ko alam na mahilig ka rin sa sabaw," anas niya. "Kapag ganito, aba sumulit ka na sa sabaw para mas maganang kumain." Ang wika ko. __ Matapos naming kumain, agad kaming naghintay ng jeep para tumungo sa pupuntahan. Nang makasakay at huminto sa isang subdivision. Pariho kaming napanganga ni Dina sa mga naglalakihang bahay. "Dina, tama ba ang pinuntahan natin?" Bulalas ko, habang nakatingin sa mga bahay na magaganda. "Oo," aniya. "Bakit parang nasa paraeso yata tayo." "Tama ka Lolet, nasa paraeso yata tayo." "Excuse po, sino po sila?" Sabay kaming tumingin ni Dina sa nagsalita, at nakita ang isang guwardiya. Lumapit si Dina sa kanya at nagtanong. "Kuya, dito po ba ang address na ito?" Tanong niya at pinakita ang address na nakasulat sa card. "Ahhh, oo dito nga. Anong kailangan niyo?" "Mangangamuhan po kami kuya, baka pwedi kaming pumasok?" "Naku! Malayo pa ang address nayan, sandali tatawagan ko lang para may sumundo sa inyo rito." Anito. "Maraming salamat po," sambit ni Dina. Maya-maya pa'y dumating na ang sumundo sa'min. Napanganga pa kaming dalawa dahil kotse ang sumundo sa'min. "Tiya, Lorna." Masayang sambit ni Dina ng makita ang matandang babae na lumabas sa sasakyan. "Dina," aniya at lumapit sa pamangkin. "Loko kang bata ka bakit hindi ka man lang tumawag sa'kin." "Pasensya na po ayaw ko lang po kayong maistorbo." Nakangiti niyang turan. Tumingin sa'kin ang tiyahin niya at ngumiti. "Ikaw ba si Lolet na sinasabi ni Dina?" Tanong niya sa'kin. "Opo," nakangiting sagot saka, nagmano sa kanya. "Manang let's go." Singit ng kung sino sa pag-uusap namin. Napasulyap kaming tatlo, sa nagsalita. Tumama ang mata naming pariho, at ganon nalang ang paglaki ng mata ko ng makita ang lalaking nakasagutan ko kagabi. Hindi namin inalis ang titig sa isa't isa, ngunit ngumisi lang siya sa'kin, saka kumindat. Aba't lokong lalaki to ah? Sino ba siya at bakit kasama ng Tita ni Dina? "Ayy naku! Halina kayo, para makapag pahinga. Siya nga pala ang anak ng amo ko." Pakilala ni Aling Lorna. Pagminamalas ka nga naman, magiging amo ko pa yata ang babairong to. "Hello sir," pagpapacute na bati ni Dina sa kanya. "Hi there," bati niya sa'kin, habang nakangisi. Takang tumingin sa'kin si Dina at aling Lorna. "Magkakilala kayo?" Tanong ni Aling Lorna. "Yeah-Hindi po," halos sabay naming bigkas. "Hayy naku! Hayaan n'yo na nga halina na kayo," anyaya ni aling Lorna. Binuksan ng amo namin kuno, ang pinto para sa'min. "Careful darling," mahina ngunit umabot sa pandinig ko ang binigkas niya. Taas kilay akong lumingon sa kanya bago umupo. Ngunit nang asar lang siya, kumindad at nagbigay pa siya ng flying kiss sa'kin. Kinalibutan ako sa pinaggagawa niya, anong trip ng lalaking to? Kaya umirap nalang ako sa kanya, ohhh, di'ba lakas ko, magiging amo ko siya pero natatarayan ko. Umikot narin siya sa driving set, saka pinaandar ang sasakyan. "Uyy narinig ko yu'n, Lolet darling daw," napaubo ako ng mahina sa biglang pagsabat ni Dina. Kainis akala ko, ako lang ang nakarinig. "Tss, umayos ka nga, ang lakas lang ng trip ng amo natin, palibhasa babairo." Sabat ko ngunit mahina. "Huh? Magkakilala ba kayo?" Tanong niya. "Hindi nuh!" Agad kong sagot. "E, bakit sa pananalita mo parang kilala mo siya?" "Hindi ba obvious na babairo siya." Inis kong bigkas. "Hindi e, ang gwapo ni sir, baka habolin lang siya ng mga babae. Kahit sinong babae magkakandarapa sa kan'ya ang gwapo e." Kinikikilig pa niyang sambit. "Ehhhyy," sambit ko, at tila kinalibutan sa pinagsasabi niya. "Sus! Baka mamaya nayan, ikaw ang gagapang kay sir," biro niya, at humagikgik pa. Umirap lang ang mata ko, at hindi sinasad'yang tumingin sa salamin nanaroroon sa harap. Nagulat pa ako dahil nakatingin rin siya sa'kin mula sa salamin. Tssk, malas na ako kagabi, mamalasin parin hanggang ngayon dahil magiging amo ko pa ang bwesit na lalaking to. Ilang menuto lang ang binayahe namin, at nakarating na kami sa bahay ng amo namin. "Wow!" Sabay naming sambit ni Dina ng makababa sa sasakyan at nakita ang malaking bahay, ayy tika, mansion pala. "Halina na kayo," anang aling Lorna. "See you tomorrow darling," hiyaw ng amo naming lalaki ng makababa sa kotse. Napapikit ako ng mata, dahil sa hiya. Takang tumingin sa'kin si Aling Lorna at Dina. Bwesit talaga badtrip. Tumikim ang Tita ni Dina at ngumiti sa'kin. "Hayaan mo nalang Lolet."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD