Chapter 1

2000 Words
Lolet. Maaga pa lang nagising na ako, maging si Rechelle. Maaga ang trabaho namin sa isang restaurant. Pero sa ngayon, day off naming dalawa buong maghapon. Papahinga lang saglit, at mamayang 7:30pm may raket ako. Dalawang taon narin kaming nakikipag sapalaran dito sa Manila, simula noong umalis kami sa probinsya. Sa awa ng diyos nakakaraos kami "Good morning Lolet," bati ni Rechelle. "Good morning din!" Bati ko. "Hay! Bagong araw nanaman noh? Ikaw Lolet, ayos ka ba na sa ganitong buhay?" Tanong niya. Napahinto ako sa paghigop ng kape, tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Siguro oo, sa ngayon, kung nakapag-aral ako, baka may maganda akong trabaho." Bulalas ko, at kumawala ng malalamin na paghinga. "E, bakit ang iba, graduating naman ng college, pero walang trabaho. Maswerte parin tayo, dahil may kinikita tayo, at hindi tayo palamunin, di tulad ng iba," aniya. Oo nga, tama siya, marahil ay maswerte parin kami. Dahil sa nakalipas na dawalang taon, naka survive kami. Pero kamusta kaya si Mama? Hindi naman seguro pinababayan ng bwesit nayo'n si Mama. Ohh, baka si Mama ang nagpapalamon sa kanya? Tsskk, Wala talaga mapapala sa lalaking yo'n. "Hoyy! Iniisip mo nanaman ang Mama mo?" Basag niya sa katahimikan ko. Bumuntong hinga ako, "Hindi ko maiwasang isipin si Mama. Syempre kahit pinalayas ako Nanay ko parin yo'n." "Alam ko, kaya lang dapat isispin mo rin ang sarili mo, huwag ang ibang tao." Aniya. "Sira! Anong ibang tao? Si Mama ibang tao? Nanay ko kaya yo'n," natatawang sambit ko. "Ganyan nga ang Lolet na nakilala ko, pala biro, at matapang," ang wika niya. "Tskkk! Lakas mo talaga, kaya love na love kita," biro ko pa. Umirap siya sa'kin, "sira, baka mamaya maging tomboy ka na d'yan," balik na biro niya. "Bakit, pwedi naman di'ba sweetie," pangaasar ko, lumapit pa ako sa kanya para humalik sa pisngi. "Eww, umayos ka nga Lolet, sira ka talaga," aniya at mabilis na tumakbo. "Honey my love so sweet naman, kiss lang e," biro ko pa habang sinusundan siya. "Hoy! Kung sino ka ma'n na sumapi sa kaibigan ko, lumayas ka sa katawan niya." Aniya, at winasikan ako ng tubig. "Gaga! kakatapos ko lang maligo, pinapaliguan mo uli ako," reklamo ko, at naupo uli sa sofa. Nakanguso siyang tumabi sa'kin, kaya nahuli ko siya at kiniliti sa tagiliran. "T-tama na Lolet," humagikgik siya, dahil sa ginagawa kong pangingiliti. Matagal bago ko siya pinakawalan, kaya habol hininga siyang, tumingin sa'kin. "Siraulo ka, papatayin mo yata ako," reklamo niya. "Atleast sa saya, ayaw mo nun, mamatay kang nakangiti," banat ko pa. "Bwesit ka, pasamado ang bibig mo," irap niya. Ngumiti lang ako sa kanya, napaka thankful ko dahil nakilala at nakasama ko siya. Kung hindi ko lang siya, nakilala noon baka kung saan na ako pupulutin. "Mamalingke tayo mamaya, saka maggrocery narin, wala na tayong stock e," paalala niya. "Opo boss," pagsang-ayon ko. Matapos nga kaming, kumain ng agahan. Tumungo kami ng palingke, para bumili ng makakain namin. Dalawang taon ding ganito kami, Rechelle. Nagpapadala naman siya ng pera sa pamilya n'ya. Siya na kase ang nagpapaaral sa mga kapatid niya. Ang swerte nga ng pamilya niya sa kan'ya. Mabait na masipag pa, may boyfriend siya, pero hindi naman naging hadlang iyon para sa pangarap niya, para sa pamilya. Habang ako, sarili nalang ang iniisip, nahihirapan pa. Dapat talaga maging matatag ako, at huwag muna alalahanin ang iba. Choice ni Mama ang palayasin ako, at mas pinili ang lalaking iyo'n. Kaya tama lang na sarili ko naman. Babalik lang ako kay Mama kapag may ipagmalaki na ako. __ "Ohhh! Aalis ka na?" Tanong ni Rechelle nang makalabas akong bihis na, galing sa kwarto ko. "Oo e, late na nga ako, sige! Aalis na ako, baka magalit na ang kasama ko, kakahintay sa'kin." Pagmamadali ko. "Sige ingat ka Lolet!" "Opo, bye! Ikaw din magiingat dito," bilin ko, at tumango lang siya. Bago sumakay ng taxi, sumipat ako sa relo ko. Pahamak 7:30 na late na ako. "Manong sa, RFH hotel nga po," sambit ko sa driver. Tumango siya saka, nagmahino. Nang makarating ako, agad akong sinalubong ng manager namin. "You're late Ms Palmer," bungad agad niya sa'kin ng makapasok ako sa bar ng hotel. "Panseya na po sir, na traffic po ako e," alibi ko nalang. Umikot lang ang mata niya. Tsss sarap tirisin ang baklang to. "This is your warning, kapag naulit pa ito sisante ka na. Maliwanag ba?" "O-opo sir, maliwanag pa po sa ilaw ng bar na ito," napakagat labi ako sa pagbibiro ko. "What are you saying?" Taas kilay niyang bigkas. "N-naku w-wala po sir, ang sabi ko po ang ganda ganda nyo po today." Saad ko. Sana makalusot ang biro ko.. "I know that!" Sambit niya. "Pumalit ka na at magtrabaho marami na tayong customer." Dagdag pa niya. "Opo sir," sagot ko. Mabilis akong tumungo sa locker ko at kinuha ang susuotin. Baka magtaka kayo, waitress ang work ko dito sa bar. Baka ano isipin n'yo e, sideline ko lang dagdag income. "Hoy, Lolet bakit ba na late ka?" Tanong ng isa kong kasama. Napakamot nalang ako sa ulo ko, "tssk, napasarap ang tulog ko e." Sagot ko. "Kaya pala, mabuti at lumusot kay boss," aniya ng pabulong. "Kaya nga, mukhang bad mood, nag-away yata ng jowa n'ya," komento ko. "Tinging mo?" "Hoyy! Mga maretis, dalian n'yo na marami na tayong customer," singit ng isang kasama ko. Tumawa nalang kami ng mahina, mabilis akong nakabihis ng uniform namin. Bago pa ako sumunod sa kanila. Mukhang matatagalan yata ako nito makauwi. Ang daming tao ng bar kapag weekend. "Miss, beer nga rito," sigaw ng isang customer sa'kin. "Okay, wait lang po," ganti ko. Pinagbuti ko ang trabaho ko, isa kase itong sideline ko na malaki ang sahod. At talagang mayayaman ang narito. Ibang klase ding gumasta ang mga mayayaman. Habang kaming mahihirap, naglilingkod sa kanila. Ganito siguro ang buhay. Sabi nga sa kasibahan, "ang buhay ay parang gulong minsan nasa taas minsan nasa baba." Ibig sabihin, tayong nasa baba, hindi laging nasa baba. Dahil balang araw tayo naman ang nasa taas. Tyaga lang sa buhay. Nagulat ako sa paglapit ni Dina sa'kin, "naku, mawawaldas nanaman ang kwarta ni boss sa mga lalaki n'ya." Tinunton ko ang tinuturo niya, at nakita ang manager namin. "Hayaan mo na ganyan ang kaligayan ng mga beki, ano magagawa natin? Saka pera n'ya naman ang ginagastos," komento ko. Nagkibit balikat nalang siya sa sinabi ko. "Sana maka juckpot ako ngayon," bulalas niya. Kunot noo ko siyang tiningnan at tinapik sa braso ng mahina. "Hoy! Anong sinasabi mo d'yan?" Takang tanong ko. Lumapit siya sa'kin at bumulong, "malay mo, maka juckpot ako ng mayaman ngayon," aniya at kinilig pa. Napailing nalang ako, at iniwan siya. Matuling lumipas ang oras, puno na ang bar ng tao. Kaya naging busy kami sa ginagawa. May ilang customer na pumuporma sa'kin, ngunit ilag ako. "Hi... Miss, pwedi mo ba akong samahan?" Anang estranghero sa'kin. "Naku sir sorry! Bawal po kaming mag-entertain ng customer, excuse po." Alibi ko nalang. Narinig ko ang kantsawan ng kasamahan niya. Sa tingin ko, inaasar siya dahil nabaliwa ko. Tssk pari-pahiro lang ang mga lalaki, sa tagal ko nang nagtatrabaho dito. Alam na alam ko na ang kagawian ng mga lalaki. Pagpupustaan nila ang babae kapag na kuha, or di kaya paglalaruan lang. Makikipag landian tapos ayon, alam n'yo kung saan ang punta, ganon. __ Mabilis lumipas ang oras, maya-maya magaalauna na ng umaga. Ngunit marami paring tao ang bar. 1:30 ang uwi ko mamaya, kaya makakapagpahinga narin. "Hi Miss!" Napahinto ako dahil sa gulat, ng may pumalo sa pwet ko. Inis akong bumaling sa kan'ya. "Hi...." Nagpa-cute pa. "Ikaw ba ang gumawa nu'n?" Taas kilay kong tanong. Ngumisi lang siya sa'kin at mas lumapit pa. "Yes baby! I like your ass by the way," aniya. "Aba't-" "Ms Palmer!" Nabitin sa ire ang kamay ko na dapat ay ilalapat ko sa mukha ng lalaking manyak, na pumalo sa pwet ko. Lumapit ang manager namin, at binaba ang kamay ko. Galit niya akong tinitigan sa mata. "Ano nanaman ito?" Aniya. "Kase naman boss, itong lalaki manyak e," reklamo ko? Lumingon ang manager ko sa lalaki, at ngumiti. Ano yun? "Ahh Sir ano po bang nangyari?" Mahinahong tanong niya sa lalaking manyak. "It's not a big deal, gusto ko lang sana makilala ang alaga mo," anang manyak, at kumindat pa. "Sure!" Dinig kong turan ng boss ko. Tumingin siya sa'kin ng nakataas ang kilay. "Nakikipag kilala lang pala sayo, ang arte mo pa. Do you think na may makakagusto sa itsura mo? Pasalamat ka nalang pinag tatayagan ka pa." Inis niyang reklamo sa'kin. Pabagsak kong, nilapag ang dala kong tray sa counter, at tumingin sa kan'ya ng nanlilisik sa galit. "E, sira pala ang utak mo e." Sigaw ko. Agaw pansin na kami ng mga tao sa bar, pero wala akong pakialam. "What are you saying to me?" "Ang sabi ko, sira yang utak mo," paguulit ko. "You-" "Anong you huh?" Sabat ko din "Lolet tama na yan," saway ni Dina. "Tika! Bakit ako?" Tanong ko sa kan'ya. "Dapat itong magaling nating boss ang pagsabihan, e." Reklamo ko. "Ms Palmer, in my office now." Ngumisi ako sa kanya, at tinaas ang isang kilay. "Bakit sa office pa sir? Kung pwedi naman dito? Tutal napahiya muna ako rito." "Ms. Palmer!" inis niyang sambit. "Ano? Takot ka? Sa pagkakaalam ko kasi, bar ito, hindi club, na pwedi mong ibigay ang mga stuff mo. Ano pera-pera lang? Kung gusto mong respitohin, magparespito ka, sumusubra ka na." Sigaw ko. "Lolet!" saway uli ni Dina. Ngunit hindi ko siya pinansin, dahil sumabog na ako sa galit. Lintik na bakla to, ano tingin n'ya sa bar na ito club? Nabastos na nga ako, ako pa itong nagiinarte? Umigting ang panga ng boss ko sa'kin, at makikitaang galit na galit. "Your fired!" Sigaw niya sa'kin. "No! I'm quit sir," anas ko, saka siya inalisan. Lakas ko maka Sarah G. sa sinabing yun ahh. Tssk bahala na si'ya, akala n'ya ba siya lang ang pweding magpahiya, palibhasa siya ang manager? P'wes ibahin n'ya ako tssss. Mabilis kong inimis ang mga gamit, para makaalis na. Kahit isa ito sa malaking sahod na sideline ko, kung ganon naman magiging boss ko. Wag na, hahanap nalang ako ng ibang trabaho. "Lolet, ang galing mo doon. Napahiya ng husto ang bwesit nating boss." Bulalas ni Dina sa likod ko. "Ohhh! Anong ginagawa mo rito? May mga customer pa ahh?" Napakamot siya sa ulo, at ngumiti sa'kin. "Sa tingin ko, aalis narin ako rito." Aniya. "Bakit?" Kunot noo kong tanong. Ngumiti siya sa'kin at, may binulong. "Naghahanap ng katulong ang tiyahin ko, malaki ang sweldo, take note mas malaki pa sa sahod natin rito." "Talaga?" Pabulong ko ding sambit. Tumango siya sa'kin, at ngumiti. "Ano G?" Turan niya. "Kailan ba ang start?" "Bukas." Bukas na?" Hiway ko. "Shhh, ang ingay mo naman e. Oo bukas kaya lang full time tayo doon, hindi pwedi ang ibang sideline." Wika niya. Nagaalangan ako sa sinabi niya, sayang kasi ang iba kong raket, pero kung malaki ang sahod G na ako. "Ano sama ka?" Tanong niya. Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Kaya lang kailangan ko pa magsulat ng resignation letter sa mga trabaho ko." "Alam ko, don't worry akong bahala sayo, kakausapin ko si Tiya, na may kasama ako. Para ilang katulong na lang ang hahanapin niya." "Sige basta sabay tayo, kung hindi sisirain ko buhay mo." Ang malokong biro ko. "I know that girl." Aniya. "Tawag ka sa'kin bukas huh?" Paalala ko. Tumango lang siya, at bumalik sa trabaho. Bumuntong hinga ako ng makalabas sa hotel. Hahakbang na sana ako ng may humarang sa'kin. "There you are Darling," aniya at mabilis akong hinalikan sa labi. Lumaki ang mata ko sa gulat, at hindi ako makagalaw. "Leo, what is this?" Huminto lang siya sa paghalik sa'kin, ng may babaing sumabat mula sa likod niya. Kumurap kurap ako at biglang natauhan. Mabilis ko siyang naitulak palayo sa'kin, ngunit lumapit lang siya at inakbayan ako. "This is my girlfriend," aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD