Lolet. "Ano may sasabihin ka pa?" pagsusuplada ko sa babaing kausap. Subukan n'ya lang magsalita uli makarati ko na itong babae. Halata namang may kasama ang tao kung magpapansin wagas, sarap kalbohin ang buhok e. Tahimik umalis ang babae, at mukhang nasindak ko naman. Dahil kung hindi... basta. Lumingon ako kay sir Leo na hangang ngayon tulala parin. "Hoy sir, natulala ka dyan?" "Did you say that again." "Ang alin?" kunot noo kong tanong. "Na sinasagot mo na ako." "H-ha? w-wala naman akong sinabi a." Sinubukan kong umiwas sa kanya, at mabilis na lumakad para hindi maulit ang ano mang itatanong. Mukhang ngayon lang ako natauhan sa nasabi kanina. Pabigla bigla naman kasi ako ng sinasabi minsan itong kadaldalan ko napupunta sa maling desisyon. Napahinto ako nang maramdaman a

