Lolet. "Sir saan po ba tayo pupunta?" naiinis kong tanong. Kanina pa kasi kami naglalakad sa dalampasigan. Malayo na din kami sa cottage ng mga kaibigan niya. "Sir ano ba," saad kong muli. "We're here," aniya bago binitawan ang kamay ko. Palingon lingon ang gawa ko sa pinagtigilan namin, saka napansin ang isang kubo sa tabi na may iilang ilaw upang magsibling liwanag sa loob. Sumampa siya sa floating na kubo bago nilahad sa'kin ang kan'yang kamay para umalalay. "Paano nyo po ito nalaman sir?" nagtatakang tanong ko habang inaabot ang kamay niya. "Nakita ko lang noong naglibot ako rito." "Sus, baka naman may dinala na kayo rito bago ako," taas kilay kong sagot dahil posible yun, malay ko ba baga di pa ito nagbabago e. Bumuntong hininga siya bago ako pinaupo sa bakanting upuan. Ini

