Lolet. Agad akong lumabas ng marinig ko ang sigaw ng isang babae, at hindi nga ako nagkamali may dala nanamang babae si sir. Lihim akong napangiti ng mapansin silang nasa guest room. "Are you cheating on me Leonordie?" Galit niyang bigkas. "No Jes!" Turan niya. "Then what is this?" turo ng babae sa underwear na nakakalat sa taas ng kama. "This, a-ahmm-" alanganin, at tila nagiisip kung kanino niya dapat ituturo ang mga gamit. "Sa kanya yan," turo niya sa'kin ng makita ako. "Sa'kin?" Takang tanong ko. "You mean, she's your girl?" Sabat naman ng babae. "No, she's my maid." "E bakit naman dito n'ya pa iniwan ang gamit n'ya? Hoy ikaw," duro niya sa'kin. "Bakit naman pati gamit mo nakakalat dito? Are you trying to flirt with him?" Tinuro pa niya si Sir Leo na katabi n'ya lang. "Sa ti

