Lolet. Magiisang linggo na ang nakalipas at hindi ko pa nakikita si sir Leo dito sa mansion nila. Hindi ko naman siya natakot doon sa pagbabanta ko di'ba? Oo yun pa? Ohh e, bakit ko ba siya iniisip? Huwag lang talaga s'ya magpapakita sa'kin dahil kakalbohin ko ang bolb*l n'ya sa baba. "Ate!" "Ayy bolbol na mahaba!" Hiyaw ko sa gulat. Natatawang tumingin sa'kin si Eline, "anong bolbol ka dyan ate Lolet? Ikaw ate huh? Pansin ko lang laging naging madalas ang titig mo sa picture ni sir Leo, simula noong nakabalik tayo rito. Bakit nga ba ate?" Kuryosong tanong niya. Lagi ko talaga tinitigan ang picture ni sir Leo. Pero yung titig na nakakamatay, kainis nga dahil kahit ilang beses kong titigan ayaw matunaw. Naiinis talaga ako sa nangyari sa'ming dalawa, noong gabi. Mabuti nalang at

