"Awww, sakit ng ulo ko," bulalas ko ng maalingpungatan ako. "Bakit ang lambot yata ng higaan ko?" Pagtataka ko. "Bakit ang dilim dito? Sandali, saan ba ako?" Dagdag ko pa habang hawak ang aking ulo. Bumangon ako mula sa pagkakahiga, at tinanggal ang kumot sa katawan. "AHHHHHHHHHHH!" Hiyaw ko ng mapansin wala akong saplot at hubo't hubad ang kabuohan ko. "Hmm!" Dinig ko sa boses na katabi ko lang. Mabilis kong binalik ang kumot sa katawan ko. "Hoy sino ka?" Lakas loob kong tanong, sa lalaking naka dapa, at hubad baro rin. Natatabunan ang pang ibaba niyang katawan ng kumot. "Hoy!" gising kong muli sa kan'ya, at tinapik ko pa ang braso niya. Ngunit hindi parin sumasagot, hanggang sa bumalikwas siya. Napasinghap ako ng malakas ng mapansin at masilayan si sir Leo ang lalaking kata

