Lolet.
Sumunod lang kaming dalawa ni Eline kay aling Lorna, patungo sa second floor.
Ibang klase, ang ganda talaga at ang lawak ng hagdan, at ang lapad ng space ng terrace.
Sa paakyat mo, bubungad agad ang isang malaking picture frame, family picture nila.
Napahinto ako sa paglalakad, ng makita ang mukha ng amo naming babairo. Ang gwapo niya, kaya lang.... Tssk wag na nga.
Hanggang sa pumunta ang mata ko sa batang itsura ng lalaking katabi niya...
"Siya si, Edison bunsong anak ni Mrs, Hudson." Sabat ni aling Lorna sa likod.
Tama hinala ko, magkapatid nga sila. At sa tingin ko magkaidad lang kami. Ang gwapo n'ya, pero mas gwapo yung babairong kuya n'ya.
Winaksi ko kaagad sa isipan ko ang sinabi ko.
Talaga ba Lolet nagagwapohan ka, sa babairong yun?
"Halika na, ayaw din ni Ma'am Elina na, pinakatitigan ang frame na yan?" Aniya.
"Po? Bakit naman po aling Lorna?" Takang tanong ko.
Habang nag-uusap naglalakad kami patungo sa kung saan. Napapansin ko rin ang nadadaanan naming iilang kwarto dito sa taas.
"Alam kase ni Ma'am, na sa mga anak niya kayo nakatingin."
Napakagat labi nalang ako, dahil totoo, hindi ko nga nasilayan ang mukha ng asawa niya e.
"Kaya ikaw, Lolet at Eline kung gusto n'yo tumagal rito. Umiwas kayo, sa mga dapat na e-kakatanggal nyo sa trabaho. Iwasan nyo si sir Leo, naku! Yung Bata na iyo'n ang hilig makipaglaro sa mga babae. Kaya ikaw Lolet mag-iingat ka."
"Po? B-bakit ako po ako? Di naman kami close." Ngusong sambit ko
"Alam ko, pero sa tingin pa lang ni sir Leo sayo, mukhang target ka," banta niya.
"Wag po kayo, magaalala aling Lorna, ekis na siya sa'kin. Alam kong babairo po s'ya. Tsa'ka wala po akong tiwala sa mga lalaki." Kompanyansa ko sa sarili.
"Naku hija! Huwag magsalita ng tapos." Nakangiting aniya sa'kin.
"Tama si Aling Lorna ate Lolet." sabat naman ni Eline.
"Lah? Kasali ka pala sa usapan? Akala ko kasi hindi," biro ko pa.
Napakamot nalang siya sa ulo. Kaya lumapit ako sa kanya, baka naoffend ko e.
Kumalabit ako sa kanya at ngumiti, "uyy joke lang yun, wag ka sana magalit. Palabiro lang ako." Paliwanag ko.
"Alam ko po ate, nakakatuwa lang dahil may gumaganyan sa'kin." Nakangiti niyang bigkas. "Masasanay din ako sayo ate," dagdag pa niya.
Umakbay ako sa kanya at kumurot sa pisngi ng mahina.
Walang pagaalinlangang binuksan ni aling Lorna ang pinto, ng kwarto.
"Wag kayo magaalala, kapag ganitong oras wala na si sir Leo sa kwarto. Nasa gym siya nagehersisyo. Kaya pwedi na kayong magsimula maglinis. Liban nalang kapag alam nyong lasing at narito pa siya, huwag nalang kayo pumasok at hintayin nalang siya sa paglabas. Kung tapos na kayo rito sa kwarto niya. Tumungo kayo sa gym at doon maglinis." Paliwanag niya.
Tumango-tango lang kaming dalawa ni Eline, saka pumasok sa loob ng kwarto. Tulad ng inaasahan malawak at maganda ang desinyo sa loob.
Black and Gray ang combination ng kulay ng kwarto, lalaking lalaki ang dating. Maging ang malalaking kurtina sa glass wall kulay abo.
Kung titingnan malinis naman ang buong kwarto. Ewan ko ba kung bakit pinapalinis pa ito.
Maya-maya pa'y dumating na ang gamit namin para sa paglilinis. Hindi ko na isa isahin, dahil alam n'yo na ang mga gamit ng panglinis. Upgraded nga lang sa mga mayayaman, at saka mga high quality ang gamit made in Japan.
Kaya hindi na kami nagaksaya ng oras, naglinis na kami kaagad matapos sabihin ni aling Lorna ang gagawin.
"Ate Lolet, ang ganda ng kwarto ni sir Leo noh?" Namamangha niyang komento, habang hawak ang vacuum cleaner.
"Oo nga," tamad kong sagot, habang nagpupunas ng malaking salamin.
"Ang gwapo talaga ni sir," bulalas niyang muli. Kaya napatingin ako sa kanya, at nakita siyang nakangiting at nakangiti sa isang picture frame ni sir Leo.
"Hoy! Matunaw yan," saway ko.
Bumuntong hinga siya, at humarap sa'kin. "Kahit naman titigan ko ang picture ni sir. Imposible paring magkagusto siya sa tulad nating katulong. Nakakapang liit sa ganong sitwasyon, wala ka man lang maipagmalaki sa kanila." Anito.
Kunot noo ko siyang tiningnan, at napailing. "Anong drama ba yang na e-imagine mo?" Natatawang biro ko.
"Ate naman," aniya at kumamot sa ulo. "Ganon naman kase, ate di'ba? Tulad ng sa mga drama." Dagdag pa niya.
"As if namang magkakagusto sa'tin si sir Leo. Magustohan man tayo, baka idadagdag lang tayo sa listahan ng mga napaglalaroan niya."
"Ayos lang kung si sir Leo naman," kinikikilig niya pang pagbigkas.
"Tssk, mas pogi yung kapatid niya." Komento ko naman.
Nagkibit balikat lang siya, at muling binalik ang sarili sa paglilinis.
Sumipat ako sa wall clock, alas nuwebe na nang umaga. Halos isang oras narin pala kaming naririto. Kunti nalang matatapos narin kami.
"Ate doon na ako sa gym room, ikaw nalang ang tumapos rito." Paalam niya.
"Sige Eline, ako na rito, kaunti nalang ang gagawin dito, susunod ako kaagad."
"Sige ate," aniya saka umalis.
Magpapalit lang naman ng bedsheet at punda ang gagawin kaya yakang-yaka ko na. Dala ko ang pamalit, kaya nagsimula na ako.
Mabuti nalang expert na ako sa ganito, mabilis ko lang nagawa ng maayos ang pagpalit. Bago umalis, hininaan ko ang aircon, at nag-spray sa loob.
Pikit mata kong inaamoy ang buong kwarto, ang bango kase. Amoy satisfieying at fresh hayyyy....
Naudlot ang pagdama ko sa mabangong amoy, ng may pumulupot sa baiwang ko.
"Hi.. love." Aniya
Love?
Napamulat ako ng mata, para makita kung sino ang yumakap sa'kin. Ngunit ganon nalang ang gulat ko ng mabilis niya akong hinarap sa kan'ya at agad na humalik sa labi ko.
Sa subrang gulat ko, hindi ako nakagalaw. Tumama ang mata naming dalawa, at parihong nagulat.
Si sir Leo nanaman?
Mabilis akong kumalas ng matauhan at agad kong inapakan ang paa niya.
"Aww!" Sigaw niya.
"Manyak ka talaga." Inis kong bigkas.
Bwesit! Hindi ito ang unang beses na nahalikan niya ako pangalawa na ito.
"Fvck! it's hurt." Sambit niya habang hawak ang paa at umupo sa kama.
Lihim akong, napawow sa katawan niya. Wala siyang damit, at nakikita ko ang muscle at abs niya. Napalunok ako ng laway, mukhang galing sa pag-exercise.
"Sira ka kase! Nanghahalik ka lang basta, akala mo ayos lang yun sa'kin," pagsusuplada ko, mabuti nalang hindi ako na utal.
"I'm sorry okay? I thought you were Lea. And what are you doing here? Ang alam ko, si Arlyn at Lea ang maglilinis dito?" Takang turan niya.
"Ayy sorry naman sir, hindi po ba kayo na informed? Kami na po ang in charge dito."
"What? and where's Lea?"
"Aba! Kamalayan ko sa lovers mo?" Taas kilay kong sagot, saka tinalikuran siya.
"Wait!" Aniya, at mabilis niyang hinawakan ang braso ko para pigilan. Ngunit mabilis rin ang kilos kong pinilipit ang daliri niya.
"Aww, stop it." Hiway niya.
"Sa susunod sir, huwag ka pong basta-bastang manghahalik, lalo na kung hindi mo girlfriend. Nakakailan ka na sa'kin huh?" Inis kong bigkas.
Binitawan ko ang kamay niya ng makita ang mukha niyang nasasaktan.
"You're so violent," aniya.
Napakagat labi ako, nang makita kung gaano siya nasaktan. Napalakas yata ang ginawa ko.
"S-sorry sir, ikaw kase."
"Me?"
"Oo ikaw! May pa hawak ka pa kase sa braso ko." Anas ko.
"You can leave now, baka madagdagan pa itong ginawa mo," Aniya.
"Good! Bye sir," sagot ko at mabilis na umalis sa kwarto niya.
Napahawak ako sa dibdib ko nang bumilis ang pagtibok ng puso ko.
Talaga ba? Tumitibok ang puso ko? Bakit ngayon ko lang naramdaman ito? Tsss, wala ito, baka naiinis lang ako kay sir Leo.
Iniling ko ang aking ulo, upang mawaksi ang iniisip. Pero kahit, anong gawin ko, bumabalik sa isip ko ang paghalik niya kanina.
Narito na ako sa gym area, ngunit ang utak ko naglalakbay parin.
"Ate ayos ka lang?" Tanong ni Eline.
Tumango ako sa kan'ya, kahit gumugulo sa utak ko ang ginawa ni sir kanina.
"Talaga ate? Pansin ko lang, kanina pa kase, yang kamay mo bibig mo e."
Natauhan ako sa sinabi niya, at napansin ang sarili. Oo nga bakit ba kase, iniisip ko yung paghalik ni sir? E, hindi naman yun para sa'kin. Para yun sa Lea niya.
"Wag mo nalang akong pansinin, dala ito ng imagination ko." Alibi pa Lolet.
Ngumiti siya, at muling pinagpatuloy ang ginagawa.
__
Matapos ang buong araw kong paglilinis, hito at muli nanaman akong nakatingin sa madilim na kalangitan. Kinagawian ko na yata ang ganito. Matapos sa mga trabaho, tatambay sa labas tapos titingin sa madilim na langit.
Ilang taon na akong ganito, at wala paring pinagbago. Namimiss ko sa Papa na sa langit na, si Mama na may kinakasama. Tapos ako nagiisa, at binubuhay ang sarili.
Nagpakawala ako ng isang malamin na buntong hininga.
"That's deep!"
"AYY PAPA KO!" Bulalas ko sa gulat.
Kunot noo kong nilingon ang nagsalita, dahil sa iilang beses naming paguusap kilala ko na yata ang boses kong kanino galing.
"Hi.." Aniya.
"Ginagawa mo rito?"
"Why? As far as I know, this is our house hmmm," anito.
Tumikwas ng bahagya ang isa kong labi pataas, ganoon ang kanan kong kilay. "Alam kong bahay nyo po ito sir, at alam ko rin maghahaunting ka lang ng katulong rito, para ma ano mo tsss," anas ko.
Nandito kase ako sa isang tagong lugar, yung hindi makikita ng CCTV, malapit sa pool area.
"Ang pangit ng image ko sayo." Sambit niya at naupo sa tabi ko.
"Hoy, umusog ka roon, naalibadbaran ako sayo," reklamo ko pa.
Bumuntong hinga siya. "You know what? You hurt my feelings too much, your straightforward girl. You know that?" Inis niyang bigkas.
"Wala akong pake sir, kung ano man ang sinasabi mo sa'kin. Dahil di'ko na get's ang sinabi mo. English ka ng english d'yan kamalayan ko sa sinabi mo." Turan ko.
Tumawa siya ng mahina, habang naiiling, "you're so funny, and talkative."
Naiintindihan ko naman kung ano sinasabi niya, ayaw ko lang tumagal ang paguusap namin.
"By the way, what are doing here, it's to late. Di ba dapat nagpapahinga ka na?" Aniyang muli.
As if namang concerned siya, at pakialam n'ya ba? "Nagpapahinga naman ako a? Ikaw lang itong estorbo, o baka may napikot ka nanamang katulong." Sagot ko.
"What? Wait, don't tell me na ikaw ang nagsumbong sa'min ni Lea, about sa nangyari kagabi?" Kunot noo niyang tanong.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo, at namiwangan sa harap niya. "Excuse me, madaldal ako oo, pero ang magsumbong aba!.. Hindi ko gawain yan, sino ba kasing kating-kati mag ano, na hindi tinitingnan ang CCTV? Sa dami ng CCTV dito sa bahay n'yo sir, malamang sa malamang makikita kayo. Palibhasa ang babairo mo, wala ka nang pinipili. Kamalayan ko sa Lea mo, hindi ko nga siya kilala, at mas lalo hindi ako sisip para magsumbong sa Mommy mo."
Hiningal ako doon a.
Hindi ko alam kong matatawa ba ako sa reaksyon n'ya, dahil letiral na napanganga siya sa sinabi ko.
"Unbelievable!" Komento n'ya nalang.
"Ano may sasabihin ka pa?"
Umiling siya habang nakatitig lang sa'kin. Muli akong naupo, ngunit may destansya sa kanya.
"Sandali nga, boss mo ako rito. Kung makapagsalita ka d'yan parang ikaw itong boss a." Anas niyang muli.
"Alam ko po sir!"
"Then why-"
"Naiinis kase ako sayo," walang preno kong sagot.
"Why?"
"Babairo ka kase, at dahil sayo natanggal ang isa naming kasamahan."
"Huh?"
"Oo di'ba nga ginalaw mo si Lea," irap ko.
"Yeah, but-"
"Kitam, babairo ka talaga tssk."
"Hey, I'm not." Aniya.
"Naku, wag ako sir," anas ko, habang naka close arms pa.
Kumawala siya ng buntong hininga, saka tumingin sa'kin ng seryoso.
Ohhh, bakit ganyan siya? Halata namang babairo, ayaw pa aminin.
"First, I don't know why kung bakit ako magpapaliwag sayo. It's not my fault, if they like me. You know that I'm handsome. Kaya kahit hindi ko, sila lapitan, kusa silang humuhubad sa harap ko. And who I am, para tumanggi. But don't worry darling, malinis ako at siniseguro kong may protiksyon ako." Paliwanag niya.
Kapal din ng budhi ng babairong to, may pa darling pa.
"Darling mukha mo babairo," anas ko saka siya iniwan.