Chapter 5

2000 Words
Matuling lumipas ang panahon, may isang buwan narin akong nagtatrabaho sa mansion. Mabait naman si ma'am Elina, maging ang asawa niyang si Sir, Ford. Sa isang buwan kong naririto sa mansion, trip na trip akong asarin ni sir Leo. Laging binabalandra ang katawan niya sa'kin. Sinasad'ya niya laging hubad baro, kapag kami lang sa kwarto niya. Mabuti nalang hindi kami naabutan ni Eline baka ano isipin niya. "Hi... Darling," bungad sa'kin ni sir Leo, nang binuksan ko ang pinto ng kwarto niya. Taas kilay ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Nakaupo siya sa couch, habang nakabukas ang robe, niya at pinapakita ang pandisal. Naka boxer siya kaya wag kayo ano d'yan. "Anong ginagawa mo?" Inis kong tanong. Nagsisimula nanaman siyang, mang bwesit. Bakit ba ang perfect ng katawan ni sir? Kaya siguro ang daming babaing nadali nito e. "Look at me darling, ang gwapo ko di'ba?" Aniya at may pakagat labi pa. "Ano yan? Naka drugs ka ba?" Kunot noo kong tanong. Naku, Lolet! wag kang papahalata, na apektado ka. Baka ano isipin ng bwesit na ito e.... "Hmmm, pwedi naman kung ikaw ang drugs tapos ako ang sisinghot sayo." Banat niya. Umikot lang uli ang mata ko, para inisin siya. Pero mukhang ako yata ang maiinis sa kanya. "Wag nga ko sir, pwedi ba? Kung nakuha mo sa paganyan gayan mo ang ibang babae, ibahin mo ako sir. Kahit siguro, maghubad ka pa d'yan, di kita papatulan. Tssk, pariho-pariho lang kayong mga lalaki, mag hayuk sa laman. Bobong babae lang papatol sa katulad n'yong mapaglaro." Bwesit hiningal uli ako doon a, ang aga naman kasing mangbwesit ng lalaking to. "Ouch, Darling! you so talkative, ang sama ko talaga sayo. Tatandan ko yang sinabi mo, kapag ikaw nagkagusto sa'kin-" "Ohh! ano? As if naman sir Leo, ngayon pa na offend na ako sayo. Nakaka turn off ang pagiging babairo mo. Kung magkakagusto man ako sa lalaki, doon sa lalaking hindi babairo." Sabat kong muli. Napakamot nalang siya sa kadaldalan ko. "Ang ingay mo." Aniya. "Buti alam mo." Pagsusuplada ko. Ngumisi siya sa'kin at, dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo. Lumakad siya papalapit sa'kin na may pang-aakit. Lihim akong napalunok ng laway, dahil sa uri ng paninitig niya. Hinga ng malalim Lolet, bawal kang mamangha sa itsura niya, maliwanag ba? Tandaan mo ekis na si sir Leo sa paningin mo. Oo ganon dapat.. Napaatras ako, ng hindi tumigil si sir Leo sa paghakbang papalapit sa'kin, hanggang sa dumikit ang likod ko sa pader. Napasinghap ako ng malalim ng maamoy ko ang mabango niyang hininga. Talaga ba Lolet? Nababanguhan ka sa hininga niya? Kainis pati yata ang katawan niya mabango. "You know Lolet I like your behavior, ikaw lang ang babaing nakilala kong, mahirap kunin. But don't worry darling, hindi magtatagal magugustohan mo rin ako, at binigay ka rin." Kompanyansa niya. Tumawa ako ng mahina, sa sinabi niya, at nakipag titigan sa mata niya. "Wag muna pangarapin sir, dahil kung magiging tayo man. Pero eww, imposible yata yun. Kung makukuha mo man ako sisiguraduhin kong, ako lang. Dahil kung hindi, puputolin ko yang ispada mo. Ngayon pa lang sinasabi ko sayo sir selosa ako," pagbabanta ko. Napalunok siya ng laway dahil sa sinabi ko. Tssk, takot din palang putulan e. "Umalis ka na nga d'yan sir, maglilinis na ako," sambit ko, saka hinawi ang braso niya para makadaan ako. Ngunit ng hahakbang na ako, hindi ko sinasad'yang matapid sa paa niya. Lumaki ang mata ko, ng maramdaman kong, babagsak ako sa sahig. Nakita kong umikot si sir Leo, at inakalang sasaluhin ako, ngunit ang bwesit.. "Awww!" Hiyaw ko ng padapa akong nahulog sa sahig. Samantala siya humagalpak ng tawa. Ang bwesit, sinadya n'ya bang tapidin ako para pagtawanan? Kainis huh? "Are you okay?" Natatawang sambit niya, lumapit siya sa'kin para, tulongan akong makabangon. "Let me help you," aniya, ngunit winaksi ko ang kamay niya. "Kaya ko po sir! Bwesit ka!" Inis kong sambit. Hindi man lang ako, sinalo? Med'yo napahiya yata ako doon a, tssk. Dahan-dahan akong tumayo, mula sa pagkakapada. Ramdam ko rin ang pag-alalay niya, kahit pa sinaway ko. Naiinis akong tumayo, ngunit biglang kumirot ang tugod ko, kaya nawalan ako ng balanse. Napakapit ako sa tila ng robe niya para hindi ako tuluyang matumba. Ngunit huli na ang lahat ng pariho kaming natumba sa kama niya, nang magkadikit ang labi. Pariho kaming natulala sa nangyari, tila huminto ang oras naming dalawa. Ilang menuto na ang nakakalipas, ngunit nakadikit parin ang labi niya sa labi ko. Natauhan lang ako ng maramdaman ko ang biglang pagtigas ng kung ano sa kan'ya. "Bwesit!" Reklamo ko Mabilis akong tumayo ngunit hindi ko uli napansing naipit ang laylayan ng palda ko sa hita niya. Kaya muli akong matumba sa ibabaw niya at muling naglapat ang labi namin. Pariho kaming napakurap ng mata... Naalarama ako bigla, kaya agad akong kumilos para makalayo sa kanya. Ngunit ganon nalang ang gulat ko ng agad niyang pinulupot ang kamay sa batok ko at diniin ang ulo ko para mas lumapat ang labi namin. Naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya, at pilit na pinapasok ang dila sa loob ng bibig ko. "Ahmmm, s-sir-" Walang hiya, bakit parang ungol ang dating ng pagtanggi ko? Kumuha ako ng lakas para makaalis sa kanya, ngunit mas malakas siya sa'kin, at patuloy lang sa ginagawang pagbalik sa labi ko. Aba! Namimihasa na yata siya? Kaya walang pagaalinlangang kong binuksan ang bibig at agad na kinagat ang dila niya. "FVCK!" Hiyaw niya, at agad akong binatawan. Mabilis ang kilos kong tumayo at umagwat sa kanya. Bwesit siya, nakakailan na huh? Wala talagang pinagkaiba sa ibang lalaki tssk. "Balak mo bang putulin ang dila ko?" Reklamo niya. Umikot lang ang mata ko, "bakit mo ba kase, ginawa yun sir? Wag muna uulitin yun, dahil hindi lang yan aabutin mo tssss," reklamo ko din. "What? Ikaw kaya itong nanghahalik?" Aniya, habang nakangisi. Aba't, binubwesit ako ng luko na ito a. "Ako?" Sabat ko, at tinuro ang sarili. "For your info, sir. Hindi ko po sinasad'ya ang mawalan ng balanse, pero yung ginawa mo sa'kin kanina sinadya mo. May patayo pa yang nalalaman," anas ko at walang hiya kong tinuro ang gitna niyang halatang tumatayo. Tumingin lang siya sa tinuro ko, at pagngiti-ngiting bumaling sa'kin. "You like it darling?" Aniya, at may pakagat labi pa. "Alam mo sir, hindi ka nakakaakit. Para kang adik, sa ginagawa mo." Pang-iinsulto, kahit pa nagagwapohan akong tiningnan siya. Talaga ba Lolet? Nagagwapohan ka sa babairo mong amo? Nalusaw ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. "Kaiba mo!" Naiiling niyang sambit. "Tsskk!" sagot ko at agad na tumalikod sa kanya. Naiinis akong nagtatrabaho, dahil sa nangyari. Bakit pa kase, ang bilis ng bwesit na yun? Ang sarap niyang kalbohin kainis. "Bwesit ka!" Sambit ko sa picture frame niya. Nagpupunas kase ako ng mga kung ako dito sa kwarto niya, kahit pa araw-araw ko naitong ginagawa ang dami paring alikabok. "Babairo!" Sambit kong muli. "Gwapo naman!" "AYY GWAPO!" Gulat kong bigkas, ng marinig ang boses ni sir Leo sa likod ko. "I know darling, I'm handsome right?" Wala sa sariling nilikot ko ang katawan para balingan siya, ngunit nagulat ako ng kamuntikan muling mapang abot ang labi namin. Nang subukan kong humarap sa kanya. "Ano ba?" Reklamo ko. "Ang sungit mo talaga Loleta," aniya. Naamoy ko pa ang mabango niyang hininga. Bakit ba kase ganito siya kalapit makipag usap? "Loleta? Alam mo sir Leo, kung wala kang gagawing maganda. Huwag n'yo na po akong gulohin at baka matanggal ako sa ginagawa nin'yo," inis kong sambit. "Don't worry, darling kapag nangyari yun pwedi ka namang magtrabaho sa'kin," aniya. Mabilis siyang lumapit sa'kin at hinawakan ang pisnge ko. Habang kagat labi niyang pinasadahan ang kabuuhan ko. Umigting ang panga ko sa galit, dahil sa uri ng paninitig niya. Nakikita ko sa kan'ya si Tito Rugo. Kaya agad kong inapakan ang paa niya at pinilipit ang kamay mula sa pisnge ko. "Hoyy, lalaki huwag mo akong magaya-gaya sa iba, dahil hindi ako tulad nila. Kaya kong magtiis sa trabaho kahit mahirapan ako basta marangal, at hindi galing sa kung ano. Kaya binabalaan kita, huwag mo akong subukan, kung ayaw mong maputulan ng kaligayan. Maliwanag po ba sir?" Sambit ko habang nanglilisik sa kanya. "Damn, stop it, I understand. Let me go, ang sakit na," hiyaw niya. Saka ko lang siya binatawan ng makita ang itsura niyang nasasaktan. "Huwag n'yo na pong ulitin ang ginagawa nyo kanina sir. Dahil ayaw ko pong matulad sa ibang katulong na, napaalis dahil sa kapusukan mo." Dagdag ko pa saka pinagpatuloy ang ginagawang paglilinis. __ Matapos kong maglinis sa kwarto ni sir Leo, hindi ko na siya nakita pa maghapon sa buong bahay. Pero mas okay na yun para naman, mawala ang pagkainis ko sa kan'ya. Bahala na kung magsumbong siya sa Mommy niya. Nakahanda naman ako kapag pinaalis ako e, pero wag muna sana, sayang ang sahod. "Ohh Lolet, bakit narito ka?" Anang manang Lorna. Pumunta kase ako rito sa kusina para sana tumulong, since tapos ang gawain ko. Ngumiti ako kay aling Lorna at lumapit, "baka po may maitutulong ako aling Lorna, maaga po kase ang tapos ko sa ibang trabaho," sagot ko sa tanong niya. "Ayy, nakung bata ka, bakit hindi ka nalang magpahinga? Hindi naman Ikaw ang nakatuka rito, kaya ayos lang," anas niya ngunit umiling ako. "Ayos lang po aling Lorna, hindi din po sanay ang katawan kong mapahinga. Mahirap na po baka hindi masanay ang katawan ko sa trabaho, kapag laging nagpapahinga." "Ohh, siya! Kung mapilit ka, pamurito ka, at pakitulungan silang maghiwa ng mga gulay." Aniya. Agad naman akong, tumungo sa tinuturo niyang pwesto, at malugod na ginagawa ang sinabi niya. "Salamat sa tulong," sabat ng katabi ko. Ngumiti ako sa kanya, "wala yun," sagot ko. "Malaking tulong sa'min ang pagboluntaryo mo, lagi kaming busy rito sa kusina, alam mo bang sa tagal ko na rito? Ikaw pa lang ang nagkusang pumarito para tumulong," aniya. "Ganon ba-" "Merry ang pangalan ko, ikaw si Lolet diba?" Napahinto ako sa paghiwa ng carrot, saka lumingon sa kanya. "Paano mo po nalaman ang pangalan ko ate Merry?" Takang tanong ko. "No offend, Lolet huh? Bali-balita na baka ikaw nanaman ang agad na mapapalayas na katulong rito." Bulong niya. "Po? Bakit po?" Lumapit pa siya sa'kin, at hindi ko alam kong bakit. "Kilala mo si Lea hindi ba? Yung katulong na naipaalis ni Ma'am Elina?" Tumago ako bilang pagsang-ayon. "Bali-balita na, pumatol siya kay sir Leo. Ito pa ang malala, nakita sila ni ma'am Elina sa CCTV. Itong Lea pala, binabalak na magkaanak kay sir Leo para, umangat sa buhay. Kaya lang na bisto ni ma'am. Kaya ayon pinaalis siya. Alam mo bang one week lang siya rito? Nagtataka nga kami dahil sa lahat ng katulong, ikaw o kayo lang ni Eline ang nakatagal kay sir Leo. Aminin mo nga hindi ka ba nilalapitan ni sir Leo o binantaan ka ni ma'am Elina?" Bulong niya. May pakamaretis din pala ito. "Wala naman pong pagbabanta si ma'am Elina. Si sir Leo po, kayang kaya ko pa siya." Sagot ko. Kunot noo niya akong tiningnan. "Anong ibig mong sabihin?" Ngumiti ako sa kanya, "ang ibig ko pong sabihin, hindi uubra si sir Leo sa'kin. Dahil ako ang papatay sa kanya." Ang aniya ko, ngunit pa biro. Nakita ko ang gulat sa mukha niya, ngunit nagkibit balikat nalang ako, saka pinagpatuloy ang ginagawa. __ Mag aalasa-is na ng gabi kaya, inasikaso na namin ang pagkain ng amo namin. Mga nakahain na ang pagkain, sa mahaba at malawak na lamesa nila. Ngunit wala pang tao. "Lolet paki dala mo nga saglit itong baso sa kusina sumubra e," utos ni aling Lorna, sa'kin matapos kong maglagay ng tubig sa baso. Aalis na sana ako ng marinig ang boses ni ma'am Elina, na sumisigaw papasok sa living room. Napahinto ako ng masipat si sir Leo at pabagsak na umupo sa couch, napagod yata. "Not now Mom, I'm tired," aniya. "Tired? Really Leonordie? Puro babae lang naman ang inaatupag mo?" Bulway ni ma'am Elina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD