Lolet.
"Mom! Pwedi po ba pagod po ako," Sagot ni sir Leo.
Ngayon ko lang din siya nakita na naka office suit, at halatang pagod na pagod.
"Pagod? Maghapon ka nalang doon sa mga kaibigan mo. What do you think your doing? Our company need you Leonordie. If you want to play a girl then, date your-"
"Mommy!" Pasigaw na bigkas niya.
Tumayo siya habang seryosong nakatingin sa Mommy niya, niluwagan niya ang necktie. Saka kumawala siya ng isang malamin na buntong hininga.
"I'm here, because of Dad. Pero kung laging ganito ang ibubungad nin'yo sa'kin, I'm tired here Mom!" Aniya at agad na umalis para umakyat sa second floor.
"Leonordie, I'm not done with you, come back here," sigaw ni ma'am Elina.Ngunit patuloy lang sa paghakbang si sir Leo pataas sa second floor.
Agad akong umalis sa kinaruruonan ko, baka isisping maretis ako e.
__
Kumawala ako ng malamin na buntong hininga, saka nahiga sa kama ko.
Tssk, hindi man lang nabawasan ang hinanda naming pagkain sa lamesa kanina. Nasayang ang effort namin doon a?
Ganon ba talaga kapag mayayaman? Sayang yung pagkain e!
"Hoy Lolet, ano iniisip mo dyan?" Biglang sabat ni Dina sa taas ko. Bahagya siyang nakadungaw sa'kin mula sa double deck.
"Ako? Wala naman," sagot ko.
Bumababa siya mula sa taas, para tabihan ako.
"Weh? Pana'y kaya ang buntong hininga mo d'yan ang lakas pa."
"Ako?" Tanong ko habang tinuturo ang sarili.
"Oo sino pa ba ang kausap ko?" Aniya.
"Wala naman," sagot ko.
"Talaga?" Pagkokumperma niya.
Tumango lang ako sa kan'ya, at ngumiti.
"Nga pala saan ka sa day off natin?" Tanong niyang muli.
Napaisip akong muli, at napakunot ng noo.
Oo nga pala isang buwan na pala kami rito, tsaka hindi ko pa na titext si Rechelle.
"Hoy, Lolet!" Pukaw niya.
"H-huh?" Pagtataka ko, ngunit tumaas lang ang kanang kilay niya.
"Ah, oo nga pala baka sa bahay nalang namin," sagot ko sa tanong niya.
"Ganon?" Aniya.
Lumingon siya sa kinaruruonan ng kasama namin. "Kayo Eline at Helen?"
"Huh?" Sabay pa nilang bigkas.
"Kako, kong saan ang punta nin'yo sa day off natin?" Pag-uulit niya sa tanong.
"Ahh, baka mamasyal kami kung saan lang ate Dina," anang Helen.
"Ganon? Tapos babalik agad kayo rito?" Tanong niyang muli.
"Baka ganon na nga po," singit ni Eline.
Napaisip ako sa sagot nila, parang ang boring naman kung ganon.
"Wala na kayong maisip na puntahan? Tulad ng mall or something?" Tanong ni Dina.
Nagkatinginan ang dalawa, at sabay na nahihiyang tumingin sa'min.
"Wala na po e," sagot ni Helen.
Bumuntong hinga muli ako, saka sila tiningnan. "Okay sige, sama nalang kayo sa'kin bukas para makagala kayo rito sa Manila." Sabat ko.
"TALAGA PO?" Sabay pa nilang sambit.
Tumango ako sa kanila bilang pagsang-ayon. "Basta maaga dapat tayong umalis bukas, para naman masulit natin ang day off." Anas kong muli.
Sabay naman silang tumungo habang naka ngiti sa'kin.
Ilang saglit lang, pinatay ni Eline ang ilaw para makatulog na kami, maaga pa naman. Kaya lang napagod kami sa maghapong trabaho. Kahit marami kaming katulong rito, kulang parin.
Aba, sa laki ba naman ng mansion na ito. Tapos ang nakatira lang apat na pamilya, nasa America pa ang isa.
Ohh bakit ko naman yun naiisip? Matulog ka na kaya Lolet? Pati ba naman sa utak matabil ka?
Makatulog na nga para naman maaga ang gising bukas. Miss ko na si Rechelle e.
__
"Sige na Lolet, wala naman dito ang Nanay mo pagbiyan muna ako."
"Huwag kang lalapit sisigaw ako!"
"Edi sumigaw ka, pero mas gusto ko yunb sigaw na nasasarapan. Kaya halika na, huwag ka na pakipot."
Umiling iling ako habang nakaupong umaatras patalikod. Nawalan ako ng lakas dahil sa pagsuntok niya sa sikmura ko.
Patuloy lang ang pag-iyak ko, habang siya ay, mabangis na nakatitig sa kabuohan ko. Nababakas sa mukha niya ang pananabik na maangkin ako, at nawawala narin siya sa katinuan.
Kaba at takot ang naramdaman ko.
Papa! Papa!.. Hiyaw ko sa'king isipan at nagbabakasaling ako ay marinig.
Mabilis niyang hinawakan ang paa ko para hilahin ako papalapit sa kanya.
"Tito huwag po!" Pakiusap ko habang patuloy lang sa pagluha.
"Sige na Lolet, sisiguraduhin kong mag e-enjoy ka sa gagawin natin," aniya at mabilis na binaba ang pajama ko.
"HUWAG!"
Bumalikwas ako at agad na bumangon mula sa pagkakahiga. Pawisan ang noo ko, habang naghahabolan sa bilis ang pagtibok ng puso ko.
"P-panaginip," mahinang sambit ko.
Ginala ko ang aking mata, at nakitang tulog pa ang kasama ko.
Napakapit ako sa sa'king noo, at kumawala ng isang malamin na buntong hininga.
Kinalma ko saglit ang aking sarili, bago pa hinanap ang water bottle ko, para uminom.
Mabuti nalang pala hindi nagising ang mga kasama ko.
Sumipat ako ng oras sa cellphone ko, ala's kwatro na pala ng umaga. Kaya naisipan kong lumabas para magpahangin.
Umupo ako sa may bakanting upoan, at muling bumuntong hinga. Inangat ko ang aking ulo para tumingin sa madalim na kalangitan.
Bakit ba pati langit hindi masaya? Ramdam yata ang kalongkutan ko ngayon.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang tumulo ang luha ko. Halos ang tagal narin, noong napanaginipan ko ang eksinang yun.
Talagang na truma ako, yung takot ko narito parin nakaukit sa isipan ko.
"Papa, bakit naman po ang hirap kalimutan yun?" Sambit ko habang patuloy sa pagtulo ang luha ko.
"Hindi ko po alam kung paano ko, kakalimutan. Gusto ko pong makita si Mama, pero natatakot po ako Papa. Natatakot po akong sakagustohang bumalik, ay baka po muling maulit iyon. Paano po kung sa pagbalik ko, tuluyan na iyong mangyari, at si Tito Rugo parin po ang piliin ni Mama? P-papa ano p-pong dapat kong gawin?" Bulalas ko.
Tumawa ako ng mahina, habang pinupunas ang sariling luha.
"Di bali na nga po." Dagdag ko pa.
"What are you doing?"
"AYY PAPA KO!" Hiyaw ko sa biglang pagsabat ng kung sino sa likod ko.
Agad kong pinunas ang natirang luha sa pisnge ko. Bago ko nilingon ang tao sa likod. Ngunit mabilis ko ring binalik ang sarili ng makita si sir Leo.
"Anong ginagawa mo rito?" Tamad kong tanong.
Naramdan kong lumapit siya sa'kin at tumabi sa'kin, kung saan ang bakanting upuan.
"Ako dapat ang sagotin mo, dahil ako ang unang nagtanong sayp." Aniya, saka bumuntong hinga.
Wala sa sariling lumingon ako sa kanya, at nakitaang malungkot ang aura, habang siya ay nakatingin sa malayo. Hindi ko alam na may pinuproblema din pala ang babairong to.
"Ano po bang gusto n'yong sagot mula sa'kin?" sagot ko.
"Why are you crying? Something happened?" Tanong niyang muli.
"As if naman may concern kayo? Baka nang hahunting ka uli ng mga katulong e! Pero sorry ka po sir, hindi ako tulad-"
"I know, I know, ang daldal mo. Baka magising sayo mga tao rito."
"E, kumukolo dugo ko sayo e," reklamo ko ngunit tumawa lang siya ng mahina.
"Hala tumawa? Baliw." Sambit ko.
"Thank you!" Aniya.
Biglang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha? Nag thank you po kayo sir?"
"Yeah!"
"P-po para saan po?" Pagtataka.
"You making me laugh, that's why I forgot my problem for a while, so thanks!" Sambit niya habang nakatitig sa mata ko.
Marunong din pala magpasalamat ang taong to?
Umiwas ako sa titig niya, at muling sinilip ang kalangitan.
"Why are you always looking at the sky? Sa tuwing makikita kita rito, may kinakausap ka." Aniya na kinabaling ko.
Ibig sabihin naabutan niya ang pagmumuni ko rito, habang kausap si Papa?
"Ha? Ahh wala may mga naiisip lang ako-"
"Tulad nang ano?"
"Kung paano mawawala ang mga manyak sa mundo." Agarang sabat ko.
Napakunot ang noo niya dahil sa sagot ko.
"Tssk!" sagot niya.
"Ikaw sir, matanong ko lang po. Masaya po ba kayo sa buhay nin'yo ngayon?" Tanong ko, at siya naman ngayon ang natameme.
"Di bali na nga po, huwag n'yo nalang pong s**o-"
"I'm not."
"Po?"
Bumuntong hinga siya, bago tumingin sa mata ko.
"If I'm telling, are you trustworthy?" Seryoso niyang sambit.
Napalunok ako ng laway sa uri ng paninitig niya.
"Ah, huwag mo nalang sabihin sir, hindi ako yung tao na palatago ng sikreto ng iba. Alam kong alam n'yo din na madaldal ako." Saad ko.
Mapag kakatiwalan naman ako, kaya lang natatakot akong lumalim ang ugnayan namin. Okay na sa'kin yung boss ko siya at katulong nila ako, at hanggang doon lang yun.
Aba, mahirap na baka mahulog ang puso ko sa babairong to tssk.
Ngumiti siya sa'kin, "it's okay, we're friend right?"
"Ha? Kailan pa?"
"Basta," aniya, at ngumiti uli. "To be honest, hindi ko gusto rito tumira. I have a condo by the way. Kaya lang si Dad kasi ang nakiusap sa'kin." Panimula niya.
"Bakit naman ayaw mo rito? Ang laki kaya nitong mansion nyo, tapos iilan lang kayo rito."
Bumuntong hinga muli siya.
"Naku sir, babaho na ang paligid sa kakabuntong hininga nyo po," Biro ko, kaya natawa siya.
"Sige tumawa ka lang kabagin ka sana," sambit ko.
Tatayo na sana ako, nang mabilis niya akong pinigilan. Hawak niya ang palad ko, kaya naramdaman ko ang mainit niyang palad.
"Wait Lolet, don't leave me, I want someone to talk, please just join me for a moment." Malumanay niyang pagsambit.
Wala akong pagpipilian kaya naupo nalang uli ako.
"Magsalita ka na d'yan makikinig ako." Anas ko.
"Walang tiwala ni Mommy sa'kin."
"Malamang babairo ka," sagot ko.
"Yan ba ang tingin mo sakin?"
"Uhmm," walang pagalingang kong sagot.
Bumuntong hinga muli siya, "maybe you're right, but I'm not."
"Sus sir! Tama na nga huwag n'yo na pong ipagtanggol ang sarili n'yo-"
"I know! But I'm doin' this because of Mom," saglit umani ang katahimikan saaming dalawa. "She always compering me with my brother. I know this is stupid, for being a jealous with him. But is hurts, ako yung kuya pero mas matino pa ang kapatid ko sa'kin, funny right?" Aniya
Nauunawan ko naman siya, alam kong masakit para sa kanya yun.
"Bakit po ba, sa dami ng pwedi n'yong gawing pagpapapansin pagiging babairo pa?" Tanong ko mong muli.
"You don't understand!" Aniya.
"Kaya nga sir e! tssk, pero alam mo sir, nakakaingit ka."
"Huh?" Pagtataka niya.
Lumingon akong muli sa kanya, at mapait na ngumiti. "Alam mo kung bakit ka maswerte sir?" Aniya ko, ngunit tumitig lang siya sa'kin na naguguluhan.
"Maswerte ka dahil may magulang kang concerned sayo."
Tumawa siya ng mahina dahil sa sinabi ko.
"Hoyy, ano nakakatawa? Seryoso ako!" Reklamo ko.
"Do you really think, that they have concerned on me?" Aniya.
"Oo!.... Bakit? Dahil kahit gumagawa ka ng kalokohan, naiisip ka parin nila. Nag-aalala parin sila sa iyo, at higit sa lahat mahal ka nila lalo na ang mommy mo." Sambit ko, kaya bigla siyang natahimik.
Muli siyang bumuntong hinga, at napayukong umiling.
"That's not true!" mahinahong sambit niya habang nakayuko.
"Hayyy," pagbubuntong hininga ko. "Hindi ko naman sinasabi na maniwala ka sa'kin sir. Sinasabi ko lang ang nakikita ko. Marahil po ay, sarado lang ang puso nin'yo para unawain sila, sahalip na gumawa ng mga kalokohan. Bakit hindi ka gumawa ng matinong bagay na ikatutuwa ng magulang mo? Ipakita mo sa kanila na kaya mo din, maging mabuti sa paningin nila." Saad ko, habang nakatingin sa pisnge niyang naka side view.
Nagulat ako sa bigla niyang pagharap sa'kin, at biglang nakaramdam ng kung anong kumakalam sa tiyan ko.
Natatae ba ako? Wag muna ngayon ohh.
Humagalpak ng tawa si sir Leo, habang ako nagtataka sa inasta niya.
"Sir, ang ingay nyo po!" Saway ko, ngunit patuloy lang siya ng tawa. Hindi ko na natiis, kaya lumapit ako sa kanya at mabilis na tinabunan ng kamay ko ang bibig niya.
"Hmmm-hmm," reklamo niya, at pilit na inaalis at kamay ko.
Ngunit sa inis ko mas hinigpitan ko pa ang pagkapit sa bibig niya.
Nagulat ako sa pagtayo niya mula sa pagkakaupo namin. Napasunod ako sa ginawa niya at nawalan ng balanse.
Ramdam kong natapid ang paa niya sa paa ko kaya naman, pariho kaming natumba sa lupa.
Halos lumaki ang mata ko sa gulat ng kamuntikan pang lumapat ang labi namin.