Lolet. "Mag-iingat kayo, at bumalik kagaad bukas ng umaga, maliwanag ba?" Paalala ni Aling Lorna sa'ming apat. "OPO!" Sabay naming lahat na pagbigkas. "Ohh sya, mag enjoy kayo at deserve nyo ang magpahinga." Anito. "Mag iingat kayo rito t'yang." Anang Dina kay aling Lorna. Tumango lang siya sa'min saka kami pinahatid sa driver papunta sa sakayan ng tricycle. "Finally!" Tili ni Dina. "Makakarelax nadin kahit sandali, kaya mag-enjoy tayong lahat." Aniya na kinatawa namin. "Himala at tahimik ka ngayon Lolet?" Muling sambit ni Dina. "Huh? A-ako? Hindi a, naiinitan lang ako, nasanay yata ang maitim kong balat sa aircon." Pagbibiro ko. "Hindi ka naman po maitim ate, ang morena nyo po kaya, at bagay na bagay sa inyo." Sabat ni Helen. "Oo nga dai," singit muli ni Dina. "Tssk, ang ing

