Chapter 3 The Tutor

1410 Words
"Anyway, meron ba sa inyong magiging abala this afternoon? Say, 5 o'clock?" tanong ni Mr. Marquez matapos ang naganap na meeting. Hindi kaagad nakasagot ang ilan sa mga Professor. Ang iba ay napaisip habang ang iba naman ay nagkatinginan kabilang na roon si Professor Yugi. "It's my wife's birthday. Gusto ko sana kayong imbitahan, iyon ay kung ayos lang sa inyo. Pero kung meron naman kayong importanteng pupuntahan, walang problema," paliwanag niya. Sumagot ang Dean. "Wala hong problema sa amin, Mr. Marquez. Makakaasa ho kayo na makakarating kami, ang lahat ng Professor mamaya sa birthday ng asawa niyo." "Yes, Mr. Marquez," sabat ni Prof. Jack. "Tapos naman na ang exam ng mga students at Sabado rin ho bukas. Pwera lang sa mga iba dyan na may klase ng Sabado." Natawa ang ilan sa mga Professor kasunod niyon ay ang pagsiko ni Prof. Eduardo kay Yugi. Napailing si Yugi at umayos ng pagkakaupo. Bukod kasi kay Prof. Loreal at ilan pang mga Professor ay may klase siya ng Sabado. Aayaw sana siya sa pabor ng kanilang Dean, ang problema ay ginusto na rin niya dahil sayang ang sahod na makukuha niya kahit kalahating araw lang. Bukod pa roon ay wala rin naman siyang gagawin sa kanyang apartment kundi ang tumambay. May roommate nga siya pero busy naman ito sa pakikipag-text at pakikipag-vdeo call sa girlfriend nito na halos abutin na ng buong araw at buong magdamag. "Wag mong sabihing hihindi ka na naman, Yugi?" anas ni Mrs. Albio, ang Dean ng University. "Naku, Mr. Marquez, yan ang kumbinsihin niyo. Pagkabata-bata pa eh masyado ng nagseseryoso sa buhay. Kaya walang girlfriend kasi walang ibang iniintindi kundi ang trabaho." "Oo nga," ani Prof. Kath. "Ang hilig umiwas sa babae itong bunso namin. Palay na nga ang lumalapit, iniiwasan pa niya." Napailing siyang muli at sumandal sa kanyang kinauupuan. "Ano namang mapapala ko sa palay kung ang gusto ko ay katulad kong bigas na?" Agad na naghagalpakan ang mga Professor sa sinabing iyon ni Yugi kabilang na roon ang Dean at si Mr. Marquez. Kabisado na siya ng mga ito lalong-lalo na ang mga indirect at dirty jokes niya. Hindi man niya sabihin ng diretsahan ay alam na ng mga ito ang ibig niyang sabihin. "Naku, Yugi," ani Mr. Marquez nang tuluyan ng humupa ang tawanan sa loob ng conference room. "Kung magkaedad lang kayo ng anak kong si Elyan, papayag kaagad ako na ipakasal kayong dalawa." Sumabat si Mrs. Albio. "Aba, pwede naman ho Mr. Marquez. Basta hintayin niyang tumungtong sa tamang edad si Elyan bago mapunta sa kasalan. Hindi ba mga Professor?" "Saka matino itong bunso namin. Sigurado rin kami na napakaswerte ng anak niyo sa oras na si Yugi ang makakatuluyan niya," ani Prof. George sabay kindat kay Yugi. "Akalain mo, hindi lang gwapo. Siguradong magaling din...sa pagiging asawa at ama." Muli ay nagtawanan sila sa sinabing iyon ni Prof. George. Tumango si Mr. Marquez sabay siko kay Prof. Eduardo. "Maganda ang magaling. Magkakaroon kaagad kami ng apo." "Ano Yugi? Payag ka ba?" sambit ni Mrs. Albio. "Mismong si Mr. Marquez na ang nagsasabi. Aayaw ka pa ba?" Bahagyang natigil si Yugi kasunod niyon ay ang pagbaling niya ng tingin kay Mr. Marquez na sa mga sandaling iyon ay tila ba hinihintay ang kanyang sasabihin. Maya-maya ay bahagya siyang napailing at napangisi na naging dahilan ng muling hagalpakan sa loob ng conference room. "Naku, Mr. Marquez. Mahirap magbiro baka umasa 'tong mga matatandang 'to at masaktan lang sila sa huli," aniya kasunod niyon ay pagturo kay Prof. Eduardo at Prof. Jack. "Yang mga 'yan! Paniguradong hindi nila kayo titigilan." Umiling si Mr. Marquez at napangisi. "I think we need to talk." Kasabay ng pagtaas ng kilay ni Yugi ay ang muling pag-alingawngaw ng tawanan sa loob ng kwartong iyon. Habang si Mr. Marquez ay panay ang bulong sa katabi nitong mga Professor ay napakamot na lamang si Yugi sa kanyang batok. Hindi niya alam kung ano ang sumuot sa kokote ng mga kasamahan niya at biglang nabanggit ng mga ito ang tungkol sa kanyang love life. Nananahimik ang kanyang mundo at ngayon ay binigyan siya ng mga ito ng malaking problema. Ano nalang ang mangyayari kung seryoso pala si Mr. Marquez? Ilang minuto ang nagdaan ay tuluyan na rin nilang nilisan ang conference room kabilang na roon si Yugi. Sa kanyang paglabas ay natigil siya nang tawagin siya ni Mr. Marquez at sumabay sa kanyang paglalakad pababa ng third floor. "Pagpasensyahan niyo na ho ang mga kasamahan ko, Mr. Marquez. Masyado silang mapagbiro at kung ano-ano nalang ang lumalabas na kalokohan sa kanila," pagsisimula niya. Natawa ito at umakbay sa kanya. "Sino bang nagsabing nakikipagbiruan ako sa kanila? Seryoso ako, Prof. Yugi." Agad na natigil sa paglalakad si Yugi sa narinig na iyon mula kay Mr. Marquez. Kunot-noo siyang napatitig dito habang ito naman ay napamulsang humarap sa kanya. "Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko kanina," nakangiti nitong sambit. "I'm serious. Besides, ano pa bang hahanapin ko sa 'yo? You're a responsible young man at sigurado ako na napakaswerte sa'yo ng anak ko." Pagak siyang natawa. "You're serious?" Tumango lamang ito. "Mr. Marquez. I'm 30 years old at ang anak niyo ay wala pa sa tamang edad. She's still 17. Ano? Ipagkakatiwala niyo ang anak niyo sa isang lalaking halos pwede niya ng ituring na kapatid niya? I'm not judging you but..." Muli ay nagpatuloy sa paglalakad si Mr. Marquez habang si Yugi naman ay nakasunod lamang dito. Napatikhim ito."Yes, ipagkakatiwala ko siya sa'yo. You've been working here in the university for five years. Kita ko kung paano ka karesponsable hindi lang bilang isang Professor kundi bilang isang lalaki. Oo, malaki ang agwat niyo sa isa't-isa pero may masama ba ron?" Hindi magawang makahanap ni Yugi ng maibabato niyang rason kay Mr. Marquez. He's speechless. Hindi niya akalain na nagseseryoso pala talaga ito. Napailing siya at napahilamos na lamang sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kokote ng kausap niya ngayon at pati yata ito ay nahawaan na ng kalokohan ng mga kasamahan niya. Maya-maya ay muli na namang nagsalita si Mr. Marquez matapos nilang makarating sa ground floor. "I like you for my daughter. Matagal ko na ring pinag-iisipan ang tungkol sa bagay na iyon. Saka isa pa, malapit na siyang tumuntong sa kanyang legal age. Sigurado rin ako na sa dami ng nagkakagusto sa'yo na mga estudyante rito sa campus ay kabilang na roon si Elyan." "But Mr. Marquez..." Tinapik nito ang kanyang balikat at humarap sa kanya. "Para mas mapalapit kayong dalawa, magsimula ka sa pagiging tutor niya. She's failing in her Math subject. Alam mo bilang isang Business Administration student, kailangang magaling pagdating sa kahit na anong uri ng Math." Napakibit-balikat siya kasunod niyon ay ang pagtango niya. "Kung pagiging tutor lang, walang problema. Pero pagdating sa sinasabi niyo...Do you have any reason why you're doing any of this? May gusto ba kayong gawin ko? Kailangan niyo ba ng tulong? Or baka naman sa subject niya-" Natawa ito. "Professor Yugi, I don't need anything from you. Ang kailangan ko lang na gawin mo ay ang maging boyfriend ng anak ko. Iyon lang ang hinihingi ko at wala akong ibang dahilan." Humugot ng isang malalim na hininga si Yugi at maya-maya ay napailing. Hindi siya makapaniwala na ang kaninang biruan lamang ay naging totohanan na. Hindi kalaunan ay natigil siya nang mahagip ng kanyang tingin si Elyan mula sa di kalayuan kasama nito ang mga kaibigan nito. Sa puntong iyon ay hindi niya magawang maalis ang kanyang pagkakatitig sa dalaga lalo pa't nakita niya ang matamis nitong ngiti. Maya-maya ay muli siyang bumalik sa kanyang ulirat nang maramdaman niya ang pagsiko sa kanya ni Mr. Marquez. Nagbaling siya ng tingin dito kasunod niyon ay ang nakakalokong-ngiting gumuhit sa mga labi nito. "The deal is sealed then," anito na hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa labi. "Wag kang mag-alala dahil sasabihin ko kaagad kay Elyan ang tungkol sa napag-usapan natin. And don't forget, dumalo ka sa birthday ng mother-in-law mo." Matapos ang usapang iyon ay tuluyan na ring nagpaalam si Mr. Marquez habang si Yugi naman ay naiwang nakatulala sa kanyang kinatatayuan. Muli ay napahilamos siya sa kanyang mukha at napaupo sa pinakahuling hakbang ng hagdanan sa kanyang likuran. Napakamot siya sa kanyang batok at humugot ng isang malalim na hininga. Kung saan pilit niyang iniiwas ang kanyang sarili sa dalaga ay saka naman tuluyang nagkaroon ng dahilan para mas mapalapit pa siya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD