Agad na natigil si Elyan sa paglalagay ng blush on nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ama. Tulala niyang inilapag ang hawak niyang brush sa kanyang vanity table at laglag ang pangang humarap sa kanyang ama.
"What did you just say?" taas-kilay niyang tanong. "Si Professor Yugi? Boyfriend ko?"
Tumango si Mr. Marquez. "Yes. Napag-usapan na namin ang tungkol sa inyong dalawa at-"
"Si Professor Yugi? Boyfriend ko?!" nanlaki ang mga matang anas ni Elyan matapos niyon ay tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Lumapit siya sa kanyang ama at di makapaniwalang sinalubong ang mga titig nito. "Seryoso ka ba, Pa? Hindi ka nagbibiro?"
Natawa ito sabay upo sa gilid ng kanyang kama. "Mukha ba akong nagbibiro?"
"Pero bakit?" aniya at napameywang. "May utang ba siya sa'yo o may utang ka sa kanya? Dahil ba 'to sa subject ko sa kanya? Babagsak na naman ba 'ko? Or is it because kailangan niyang magpataas ng rank sa University? Ano? Assistant Dean?"
Napakamot si Mr. Marquez sa batok nito at bahagyang napapikit. "None of the above. Wala siyang utang sa akin at wala rin akong utang sa kanya. Hindi ka rin bagsak at mas lalong hindi siya humihingi ng tulong para magpataas ng rank niya. Kung sakali man, sigurado ako na kaya niyang gawin mag-isa 'yon dahil sa dedikasyon niya sa kanyang trabaho."
"So...may iba bang rason?"
"Wala," mabilis na sagot ng kanyang ama. "Walang ibang rason kundi ang kagustuhan namin ng mama mo na mapunta ka sa matinong lalaki. Hindi ba't matino naman si Professor Yugi? Saka ano pa bang hahanapin mo sa kanya? Responsable, mature, at higit sa lahat ay may trabaho na rin."
Hindi nakasagot si Elyan bagkus ay naupo siya sa dulo ng kanyang kama.
Saglit siyang natigil. Sa katunayan ay sang-ayon siya sa sinabing iyon ng kanyang ama. Bukod sa kagwapuhan at kakisigang taglay ng Professor ay lubos din ang admiration niya rito dahil sa pagiging magaling nito sa pagtuturo. Dagdag pa roon, isang dahilan kung bakit nahuhumaling siya rito ay bagamat strikto ito sa mga estudyante nito ay hindi naman maikakaila ang pagiging mahabaging loob nito.
Humugot siya ng isang malalim na hininga at nagbaling ng tingin sa kanyang ama.
"Anong reaksiyon niya nang sabihin mo sa kanya na magiging girlfriend niya 'ko? Nagalit ba siya? Umayaw?" naniningkit ang mga mata niyang anas.
Mr. Marquez paused for a moment. "Actually, pareho lang kayo halos ng reaksiyon. At katulad mo ay napakarami rin niyang tanong."
"Really?" Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. "Pumayag ba siya sa naging usapan ninyo?"
Hindi kaagad sumagot ang kanyang ama. Pero sa kabilang banda naman ay lihim na lamang na napangiti si Mr. Marquez nang makita nito ang nakasimangot na mukha ng dalaga.
Hanggang sa hindi kalaunan ay tuluyan niya nang sinagot ang tanong ni Elyan.
"He did," aniya na agad na ikinaliwanag ng mukha ng dalaga. "Pumayag siya. Ikaw ba? Papayag ka ba na maging girlfriend niya?"
Girlfriend.
Lihim na lamang na napangiti si Elyan nang marinig ang katagang iyon. Hindi niya alam kung ano ba ang mararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Kung tutuusin ay wala naman talaga siyang gusto kay Professor Yugi. Sadyang nahuhumaling lang siya rito dahil sa taglay nitong kakisigan at kagwapuhan.
Tama si Jessica.
Nakapanglalambot ng tuhod ang Professor. Sa tuwing nakakasalubong niya ito sa hallway o di kaya papasok sa Administrator building ay hindi mapakali ang kanyang sistema. He's so gorgeous kahit pa ang suot lamang nito ay simpleng tshirt or polo.
Iniisip pa lamang niya na boyfriend niya ito at girlfriend siya nito ay mas lalong nag-iinit ang kanyang magkabilang pisngi. Sa tuwing nakakaharap niya ang binata, kulang nalang ay mahulog ang suot niyang damit. Ano pa kaya kapag tuluyan na silang naging magkarelasyon?
Paano pa niya mapapatigil ang kanyang sariling mag-init sa tuwing makakasama niya ang binata?
Humugot siya ng isang malalim na hininga at nagbaling ng tingin sa kanyang ama. "Pumayag talaga siya?"
"Oo," mabilis na sagot ng kanyang ama.
"That means tama ang hula ni Jessica," aniya at napangisi, "wala siyang girlfriend o nililigawan at mas lalong wala rin siyang gustong ibang babae."
Tumikhim ang kanyang ama sabay tayo sa kinauupuan nito. "So, what do you say? Payag ka na ba?"
Saglit siyang natigil kasunod niyon ay muli siyang napaisip.
"Well, wala rin naman akong boyfriend o manliligaw. Wala rin akong natitipuhang lalaki ngayon," aniya habang pinaiikot-ikot sa kanyang daliri ang dulo ng kanyang buhok. "I guess, yes. Payag ako."
Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ni Mr. Marquez nang marinig nito ang sagot ng kanyang anak. "That's good news, then. Ipapaalam ko kaagad sa kanya ang tungkol sa desisyon mo."
Tumayo si Elyan mula sa kamang kanyang kinauupuan kasunod niyon ay ang ngiting gumuhit sa kanyang mga labi. "Pero, matanong lang, pa."
"Ano iyon?"
"Paano kapag nalaman ng buong University ang tungkol sa relasyon namin? Baka sabihin nila na-"
"You don't have to worry about it," mabilis na putol ni Mr. Marquez. "Walang makakaalam sa relasyon ninyo except Prof. Jack and Prof. Eduardo. Sinabihan ko sila tungkol sa bagay na iyon at kailangang siguraduhin nila na hindi lalabas ang tungkol doon. But other than that, your relationship with Yugi is safe. Actually, napag-usapan namin ng mama mo na kailangang magharap-harap tayong apat mamaya at nang maging malinaw ang tungkol sa relasyon ninyong dalawa."
Agad na tumaas ang dalawang kilay ni Elyan sa nalamang iyon mula sa kanyang ama. "Alam nina Prof. Jack at Prof. Eduardo? Bakit? Anong meron at ipinaalam niyo sa kanilang dalawa?"
"Well..." aniya ng kanyang ama, "I trust them the most at ganon din si Prof. Yugi sa kanila. Saka walang kaso sa kanila kung malaman man nila ang tungkol sa relasyon ninyo. Kung tutuusin ay natuwa pa nga sila nang malaman nila na pumayag si Yugi na maging nobyo mo. I'm sure matutuwa rin sila kapag nalaman nila ang desisyon mo."
Natigil si Elyan sa nalamang iyon mula sa kanyang ama. Hindi niya alam kung ikatutuwa ba niya ang impormasyong iyon tungkol sa dalawang professor. Pero sa kabilang banda naman ay naisip niya na paniguradong takot lang ng dalawang iyon na ibulgar ang relasyon nilang dalawa ni Yugi dahil ang kausap pala nila ay ang kanyang ama.
Pero sa puntong iyon ay wala siyang ibang gustong intindihin kundi ang bagong sitwasyong kinasasangkutan niya kasama ang binata.
Tila ba bigla siyang nakaramdam ng kilig nang tuluyang mag-sink in sa kanya na talagang nobyo niya na ang professor at nobya na siya nito. Muli ay nakaramdam siya ng pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi habang iniisip ang mga sandaling maghaharap sila ng binata.
Matapos ang usapang iyon ay agad na ring tumalikod ang kanyang ama. Ngunit akmang pipihitin na nito ang doorknob ay natigil ito at muli ay nilingon ang kanyang anak. Di kalaunan ay nabaling ang tingin nito sa mga nakahilerang long dresses sa kanyang kama.
"Bago ko nga pala makalimutan," ani Mr. Marquez na ikinatigil ni Elyan sa pagsusuklay ng kanyang buhok. "Binilhan ka ng Mama mo ng dress na isusuot mo para sa gaganaping event ngayong gabi."
Napamaang siya sa sinabing iyon ng kanyang ama. "What? Hindi niya na kailangang gawin 'yon. Marami naman na 'kong damit. Birthday niya ngayon, siya dapat ang bibigyan ko ng regalo."
Napailing si Mr. Marquez at napangiti. "Kilala mo naman 'yon, basta pagdating sa'yo ay wala siyang ibang ginawa kundi ang i-spoil ka. Saka isa pa, gusto lang talaga niya sigurong maging presentable ka sa harap ng nobyo mo. You know, she's excited about it at lalo na ang makilala si Professor Yugi."
Kasabay ng pagsara ni Mr. Marquez ng pinto ng kwarto ni Elyan ay ang mabilis na paghiga ng dalaga sa kanyang kama. Agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi at maya-maya ay napahawak sa kanyang pisngi. Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman sa mga sandaling iyon.
Noon ay pinagpapantasyahan niya lang ang binata ng malayuan pero ngayon ay maaari niya na itong matitigan ng malapitan. Kung pwede lang niyang sabihin sa kanyang mga kaibigan ang tungkol sa nangyayari ngayon sa kanya ay ginawa niya na, pero hindi pwede. Maging sa kanila ay hindi niya maaaring sabihin ang tungkol sa kanilang dalawa ng Professor.
Pero sa ngayon ay hindi na muna niya iyon iintindihin. Sa ngayon ay kailangan niya ng mag-ayos ng kanyang sarili at nang makapaghanda na siya para harapin si Professor Yugi - her boyfriend.