Chapter 5 The Red Dress

1355 Words
"Ang gwapo mo yata ngayon, ah! Saan ang lakad natin?" anas ni Aki, isa ring Professor mula sa North Harlem University at kaibigan ni Yugi. Napameywang itong tumayo mula sa kanyang likuran habang tiningnan ang sarili sa salamin at inayos ang buhok. "May date ka?" Humugot siya ng isang malalim na hininga kasunod niyon ay napailing. "Kikitain ko ang girlfriend ko sa bahay nila. Birthday ngayon ng Mama niya." Tila ba nalaglag ang panga ni Aki sa narinig nito mula kay Yugi. Di kalaunan ay sinuntok nito ang kanyang braso na ikinatigil niya sa pag-aayos niya ng necktie. "Seryoso ka, tol? May girlfriend ka na?" anas nito at humagalpak. "Sigurado akong matutuwa 'yang alaga mo dahil sa wakas ay makakalabas na siya sa hawla niya." Natigil siya sa sinabing iyon ng kaibigan. Maya-maya ay nilingon niya ito na hindi maipinta ang kanyang mukha habang ang isa naman ay hindi maalis-alis ang nakakalokong-ngiti sa labi nito. Itinulak niya ito na naging dahilan ng kamuntikanan nitong pagkatumba mula sa kinatatayuan nito. Matapos niyon ay napailing siyang umupo sa sofa at padabog na hinugot ang necktie na nakasabit sa kanyang kwelyo. "Problema mo?" Umupo ito sa kanyang tabi. He paused for a moment. "Halimbawa, may nagsabi sa 'yo na gusto ka niyang maging boyfriend ng anak niya, tatanggapin mo ba ang alok niya?" Hindi ito sumagot. Maya-maya ay naningkit ang mga mata nito at bahagyang napaisip. Hindi kalaunan ay taas-kilay siya nitong tinitigan at napangisi. "Naku, tol. Kung sino man ang poncio pilatong nag-alok sa'yo na maging boyfriend ng anak niya, sunggaban mo na kaagad. Kaysa naman puro ka trabaho, baka mamaya niyan makalimutan na ng katawan mo kung paano kiligin." Tumayo siyang muli sa kanyang kinauupuan at humarap sa salamin. "Ikaw ba? Tatanggapin mo ang ganong alok? Hindi ka na ba mag-iisip kung tama ba 'yon o hindi?" Dumiretso ito sa kusina at kumuha ng maiinom. "Depende naman sa babaeng iaalok sa akin. Syempre kung maganda at sexy, go na 'ko do'n pero kapag mukhang talaba ang nguso at puro pantal ng pimples ang mukha, di bale nalang." Natawa na lamang siya sa sinabing iyon ni Aki. Sa katunayan ay iyon na ang inaasahan niyang sagot nito. Mahilig kasi ito sa maganda at sexy. Halos lahat nga ng nagiging girlfriend nito ay nasa ganoong category at kahit ni minsan ay hindi ito napalayo. Pero kung susumahin niya ay may punto naman si Aki. At kung siya rin ang pagpipiliin ay tiyak na doon siya sa babaeng pasok at pareho sila ng standards. "Teka, sino bang malakas ang loob na nag-alok sa'yo na maging boyfriend ka ng anak niya? Parents ba ng estudyante mo? Anak ng Dean ninyo? O anak ng isa sa mga Professors?" anito at itinungga ang baso ng tubig na kinuha nito mula sa refrigerator. "Si Mr. Marquez, 'yong co-founder ng Donald-Walyen University," mabilis niyang sagot. Agad na nasamid si Aki sa narinig na iyon mula kay Yugi na naging dahilan ng paglabas ng iniinom nitong tubig sa ilong nito. Sa kabilang banda naman ay natigil si Yugi sa pag-aayos ng kanyang buhok at natawa sa naging reaksiyon ng kaibigan. "Anong nangyari sa'yo?" Inilapag nito ang hawak nitong baso at agad siyang nilapitan. "Hayop ka, tol!" Tapik nito sa kanyang likod. "Si Mr. Marquez ang nag-alok sa'yo? Iyong...iyong tatay no'ng Elyan Marquez? Iyong head cheerleader sa University niyo?" Tumango siya. "Oo. Siya nga." Humagalpak ito sabay suntok sa braso niya. "Lang'ya! Akalain mo! Iyong babaeng pinagpapantasyahan mo lang no'ng nakaraang taon, nobya mo na ngayon! Kung sinuswerte ka nga naman, oo." Bumuntung-hininga siya. "Iyon na nga ang problema. Seventeen years old palang ni Elyan at wala pa siya sa kanyang legal age." "So, what?" anito at pagak na natawa. "Magrereklamo ka pa ba? Ginusto ka ng tatay niya para sa kanya, ibig sabihin lang no'n ay talagang seryoso siya sa alok niya sa'yo. Saka isa pa...that's Elyan, ano pa bang hahanapin mo sa kanya? She's young and hot...so hot!" Tumaas ang kilay ni Yugi sa sinabing iyon ni Aki. Maya-maya ay muli siyang umupo sa sofa at bahagyang napaisip. Kung tutuusin ay tama si Aki, ano pa ba ang dapat niyang ipag-alala gayong maging si Mr. Marquez ay walang pakialam sa age gap nilang dalawa ni Elyan? Dagdag pa roon ay pwede naman niyang hintayin ang dalaga na makatungtong sa legal age nito. At kung magkataon man na magdesisyon si Mr. Marquez na mapunta kaagad sa kasalan ang kanilang relasyon ay wala naman ng problema sa kanya. He's more than ready lalo na sa kanyang edad at estado sa buhay. For a year, wala siyang ibang ginawa kundi ang umiwas sa dalaga. Lihim niya itong pinanonood mula sa di kalayuan at lubos siyang nahuhumaling sa taglay nitong kagandahan ganon din sa napaka-sexy nitong katawan. Sa tuwing nagkakasalubong sila ay napapapikit na lamang siya upang makaiwas siya sa pag-iisip ng kung ano-ano tungkol sa dalaga. Pero ang kanyang nararamdamang pagkahumaling ay mas lalong naging komplikado nang makita niya itong nakasuot ng red dress sa ginanap na 13th Acquaintance Party sa University. Halos hindi siya nakatulog nang gabing iyon at inabot na siya ng alas-tres ng umaga kakaisip kay Elyan. Pero ngayon na girlfriend niya na ito ay wala na siyang dapat pang itago lalo na sa kung ano man ang nararamdaman niya rito. He's free to express his feelings towards her. Tama si Aki. Ang kailangan lang niyang gawin ay tanggapin ang katotohanan na nobya na nga niya si Elyan. "Pwede bang sumama?" maya-maya'y tanong ni Aki bago isuot ni Yugi ang kanyang sapatos. "Wala kasing makain dito. Nagugutom na 'ko." Napailing siya. "Hindi pwede. Makakaistorbo ka lang sa'kin kapag nandon ka at isa pa, ayokong mag-uwi ng lasing." "Lasing ka dyan?" nakasimangot nitong anas sabay bato sa kanya ng nadampot nitong notepad. "Ang sabihin mo, ayaw mo lang masira ang diskarte mo kapag nakaharap mo na 'yong girlfriend mo! Naku, Yugi, kilalang-kilala na kita." Natawa siya sabay bato pabalik ng ibinatong notepad sa kanya ng binata. "Of course, dahil ito ang unang pagkakataon na makakaharap ko siya hindi bilang estudyante kundi bilang girlfriend ko. Ayokong sirain ang gabing 'to." Hindi umimik si Aki bagkus ay naglakad siya patungo kay Yugi at tinitigan ang damit nito. Natigil si Yugi sa inastang iyon ng kaibigan at di kalaunan ay kunot-noong napatitig sa kanyang suot. "May proble-" Naputol ang kanyang sasabihin nang agad nitong tanggalin ang pagkakabutones ng kanyang polo sa may bandang dibdib niya. Kunot-noo siyang nag-angat ng tingin dito. "That's more like it," nakangiti nitong anas. "Mas kaakit-akit sa paningin ng babae ang ganyang pagdadamit. Saka isa pa, mukha ka ng rich niyan. I'm sure, girls like Elyan prefer that rather than the other way around." Tumango siya at muli ay inayos ang kanyang sarili sa salamin. Nang akmang kukunin niya na ang kanyang susi sa kanilang apartment ay hindi iyon natuloy nang maunahan siya ni Aki. "Nawawala na naman ba 'yong susi mo?" di niya makapaniwalang tanong. Umiling siya. "Hindi, nandoon sa bag ko, nakatago." "Bakit mo kinuha 'yang susi ko? Ano ayaw mo 'kong papasukin dito? O dadalhin mo na naman dito 'yong girlfriend mo?" Humagalpak ito ng tawa sabay bulsa ng kanyang susi. Maya-maya ay pinihit nito ang doorknob ng pinto ng kanilang apartment at walang ano-ano ay itinulak siya nito palabas. "Wala kang karapatang umuwi ngayong gabi dahil sasarilihin namin ng girlfriend ko ang apartment," nakangiti nitong anas. "Saka isa pa, mabuti na rin 'yon para masolo mo ng matagal si Elyan. Sa ngayon, do'n ka muna makitulog sa mansion nila. Bye!" Matapos niyon ay agad nang ibinalibag pasara ni Aki ang pinto. Sa kabilang banda naman ay tila ba laglag ang panga ni Yugi na nakatitig sa pinto habang pinoproseso ang sinabi ng kaibigan. Hindi kalaunan ay wala siyang nagawa kundi ang matawa na lamang sa inasta nito. Maya-maya ay tuluyan na rin niyang nilisan ang lugar at sumakay na patungo sa mga Marquez. Hindi niya alam kung saan siyang lupalop ng mundo uuwi mamayang gabi. Pero sa ngayon ay pagtutuunan na muna niya ng atensyon ang pagharap niya kay Elyan ganoon din ang magiging usapan nila tungkol sa kanilang relasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD