Chapter 6 Tulip and Pink Roses

1816 Words
Saktong 4:30 ng hapon nang matapos si Elyan sa kanyang pag-aayos. Suot niya ang regalo sa kanya ng kanyang ina na long dress. It's a ruby sequin formal dress. Iyon ay spaghetti strap dress kung saan ay kita ang kalahati ng kanyang likod habang sa harap naman ay sakto lamang para sa kanyang cleavage. Ang skirt nito ay mayroon high slit kung saan ay labas ang kanyang kaliwang hita. Matapos niyang ayusin ang kanyang sarili ay agad niyang isinuot ang kanyang 6 inches na red patent high heels. Balak sana niyang magsuot lamang ng 4 inches na high heels pero ayaw niyang magmukhang maliit sa kadahilanang mas matangkad si Professor Yugi sa kanya. Paglabas niya sa kanyang kwarto ay agad siyang sinalubong nina Jessica, Malea at Lorea. Agad na nanlaki ang kanilang mga mata nang mapagtanto nila kung gaano ka-vulgar ang suot niyang damit. "Wow! That's...You look very expensive," bati ni Jessica sabay kuha sa kanya nito ng litrato. "I'm sure kapag nakita ka ng anak ng mga business partners ng papa mo ay hindi sila magkakandaugagang makipagkilala sa'yo. With that dress? Surely, maglalaway ang mga iyon." "Panigurado 'yon," dagdag pa ni Lorea kasunod niyon ay ang pag-ikot nito sa dalaga habang titig na titig sa suot nitong damit. "Wait! Ito ba 'yong nakita natin no'ng isang araw sa store na sale? Iyong 10,892 pesos?" "Shocks!" bulalas ni Malea at ipinakita nito sa kanila ang picture ng damit na nasa cellphone nito na katulad ng suot ni Elyan. "Iyan nga ang damit na nakita natin no'ng nakaraang araw. Ibang-iba talaga kapag galing sa mayamang pamilya, kayang bilhin ang gusto." Umiling si Elyan. "Ano ba kayo? Hindi ako ang bumili nito. Ang totoo niyan ay regalo sa akin 'to ni mama." Yumakap si Jessica sa kanya. "Sana naging kapatid nalang talaga kita, bes. Pwede bang magpaampon nalang ako sa mga magulang mo? Kahit isang taon lang?" Natawa si Elyan sa sinabing iyon ng kaibigan. Maya-maya ay nagpasya na rin silang magkakaibigan na bumaba patungo sa ground floor. Nang tuluyan na silang makarating doon ay bahagya siyang natigil nang mapagtanto niya ang tila ba pag-aayos ni Jessica ng kanyang damit. Iniluwag nito ang awang ng kanyang damit sa kanyang harapan na naging dahilan ng lalong paglitaw ng kanyang dibdib. Agad na napangiti si Jessica habang si Elyan naman ay tinaasan lamang ng kilay ang kaibigan. "Ba't ganyan ka makatingin?" anas ni Jessica. "Sino ba naman ang hindi? Kulang nalang ay hubarin mo na 'tong damit ko," aniya. Natawa si Jessica kasunod niyon ay ang pagsiko nito sa kanya. "Ano ka ba? Marami kang pwedeng makilala ngayong gabi - hindi lang gwapo kundi mayayaman pa. Pagbaba pa nga lang natin ay marami ng mga lalaki ang panay ang pagtitig sa'yo." "Pansin ko rin," dagdag pa ni Lorea. "Tingnan mo 'yong mga lalaking 'yon. Maghintay ka lang at sigurado maya-maya ay may isa roon na lalapit sa'yo." Agad na nagbaling ng tingin si Elyan sa lugar kung saan naroon ang mga lalaking tinutukoy ng kaibigan. Ang isa sa kanila ay nag-angat pa ng kamay at nag-hi sa kanya habang ang isa naman ay ngiting-ngiti habang titig na titig sa kanya mula ulo hanggang paa. Sa puntong iyon ay biglang nag-init ang kanyang magkabilang pisngi at napangiti rin sa kanila. Pero wala siyang pakialam sa mga kalalakihang iyon at wala siyang pakialam kung maglaway ang mga ito. Sa ngayon ay wala siyang ibang gustong abangan at pagtuunan ng pansin kundi si Professor Yugi. Gusto niyang makita ang reaksiyon nito kapag magkaharap sila at gusto niyang maramdaman ang mga mata nitong titig na titig sa kabuuan ng katawan niya. Hindi kalaunan ay nakita niya ang kanyang ina kasama ang kanyang ama na nakatayo malapit sa bar. Napagdesisyunan niyang lapitan ang mga ito habang sa likuran naman niya ay nakasunod ang kanyang mga kaibigan. "Hi, ma," aniya na ikinailingon ng kanyang ina. Yumakap siya rito at ganoon din ito sa kanya. "Happy birthday." "Thank you," nakangiti nitong sambit. "Wow, you look so beautiful in that dress. Hindi talaga ako nagkamali ng pagpili. Bagay na bagay sa'yo ang damit na 'yan." Ngumiti siya sabay baling niya sa kanyang mga kaibigan. "Anyway, ito nga po pala ang mga friends ko. This is Jessica, at ang magkapatid na sina Lorea at Malea." "Hi, nice to meet you," anas ng kanyang ina at nakipagkamay pa sa tatlo niyang kaibigan. "Happy birthday po, tita," bati ni Jessica. "Kaya naman po pala ang ganda nitong kaibigan namin dahil napakaganda po ng mama niya." "Hindi lang maganda, ang galing ding magsuot ng damit," dagdag pa ni Malea. "Panigurado, katulad ni Elyan ay marami rin ho kayong naging manliligaw noon. Tama ho ba?" Si Mr. Marquez ang sumagot. "Oo, napakaraming manliligaw nitong asawa ko at ang iba pa nga ay nagsabay-sabay pa. Pero napakaswerte ko dahil sa lahat ng nanligaw sa kanya ay ako ang sinagot niya." "Naku, wag kayong maniwala rito," anas ni Mrs. Marquez kasunod niyon ay ang pagsiko nito sa asawa. "Kung hindi dahil sa magaling kong ama ay hindi kami magkakakilala. They set us up at wala akong nagawa kundi ang pumayag nalang dahil doon ako patitirahin sa America." Natawa si Mr. Marquez at humarap sa amin. "Sa madaling salita, ginusto na rin niya dahil noon pa man ay patay na patay na siya sa akin." Matapos niyon ay agad na nakatikim ng malakas na hampas sa braso si Mr. Marquez mula sa kanyang asawa. Natawa na lamang sina Elyan at ang kanyang mga kaibigan dahil sa tinuran na iyon ng kanyang mga magulang. Sa tinagal-tagal ay ngayon lamang niya nalaman ang tungkol sa relasyon ng mga ito. Bibihira kasi nilang mapag-usapan ang tungkol doon at kung magkataon man ay agad na mapuputol ang kanilang usapan dahil mayroong biglang tatawag o di kaya ay may biglaang meeting. Hindi niya akalain na setup lang din pala ang kinalabasan ng relasyon ng kanyang mga magulang at iyon din ang ginawa ng kanyang ama sa kanya at kay Professor Yugi. "Anyway, maiwan na namin kayo dahil nandyan na ang mga bisita," maya-maya'y anas ng kanyang ina. "Enjoy the party, okay?" Tumango si Elyan ganoon din ang kanyang mga kaibigan. Pero bago pa man tuluyang sumunod si Mr. Marquez sa kanyang asawa ay natigil ito at hinarap si Elyan. "Get ready. Sigurado ako maya-maya ay nandito na siya. Just don't get nervous and be yourself," nakangiti nitong sambit at tuluyan na ring tumalikod. Matapos ang usapang iyon ay nakangiti niyang sinundan ng tingin ang kanyang ama. Pero agad din namang naglaho ang ngiting iyon nang mabaling ang tingin niya sa kanyang mga kaibigan na hindi maalis ang pagkakatitig sa kanya. "What?" kunot-noo niyang tanong. Si Jessica ang sumagot. "Anong what ka dyan? Anong ibig sabihin ng papa mo? Sino 'yong tinutukoy niya?" "Who is it?" halos sabay na tanong nina Lorea at Malea. "Wag mong sabihin na meron kang manliligaw na hindi namin nalalaman? Or is it a boyfriend?" muli ay sunod-sunod na tanong ni Jessica. Bumuntung-hininga niya. Akmang sasagutin niya na ang kanilang mga katanungan ay natigil siya nang pare-parehong nabaling ang kanilang tingin sa front door. Mula roon ay tanaw nila ang pagdating ng mga professors mula sa university. Nakangiti ang mga itong hinarap ang kanyang mga magulang sabay bati sa kanyang ina ng 'Happy birthday'. "They're here?" tanong ni Jessica. "Gosh! Paniguradong may masasabi na naman si Prof. Kath tungkol sa suot ko. Bakit ba nandito 'yang babaeng 'yan?" Hindi lamang si Jessica kundi maging sina Lorea at Malea ay nabali ang ngiti sa mga sandaling iyon. Ilan kasi sa mga Professor ay talagang kinaiinisan ng kanyang mga kaibigan at maging ang mga professor na iyon ay lubos din ang pagiging irita kapag nakita silang tatlo. Lihim nalang na natawa si Elyan sa inastang iyon ng kanyang mga kaibigan. Ngunit sa muli niyang pagbaling mula sa front door ay natigil siya nang mahagip ng kanyang tingin si Professor Yugi. Agad siyang napalunok nang makita niya ang binata ganoon din ang suot nitong damit. Bukas ang dalawang butones ng damit nito sa bandang dibdib nito at mula roon ay kitang-kita niya ang matipuno nitong dibdib. Naka-tucked in ang suot nitong polo sa itim nitong slacks at nakasuot ito ng itim na leather shoes. He looks like a gentleman from the 80s. "Is that Professor Yugi?" ani Jessica at napakagat-labi pa habang titig na titig sa dibdib ng binata. "Wow! He's so spicy." "Professor Yugi, the hottest version," kinikilig na anas ni Malea sabay kuha ng litrato ng binata. "I'll save this for later." Bagamat rinig na rinig ni Elyan ang komento ng kanyang mga kaibigan sa professor ay hindi niya magawang makapagsalita. Nananatiling nakapako ang kanyang tingin sa binata at pakiwari niya ay nauubusan siya ng laway sa mga sandaling iyon. Hindi kalaunan ay lalong nagwala ang mga paru-paro niya sa kanyang sikmura nang magtama ang paningin nila ng Professor. Kausap nito ang kanyang ama habang suot nito ang matamis nitong ngiti. Hindi nagtagal kasabay ng pagtapik ni Mr. Marquez sa balikat ng binata ay naglakad na ito patungo sa kanyang kinalulugaran. Doon lamang niya napagtanto na may hawak pala itong bouquet of flowers. Maya-maya ay humugot ito ng isang bulaklak at pinutol ang halos kalahating tangkay niyon habang siya naman ay nakatayo lamang roon habang nakatulalang pinagmamasdan ang gwapo nitong mukha. "Hi, professor," rinig niyang bati ni Malea. Hindi sumagot si Professor Yugi bagkus ay tinanguan lamang nito ang dalaga. Maya-maya ay agad na nagising ang kanyang diwa nang maramdaman niya ang pinong pagkurot sa kanya ni Jessica sa kanyang tagiliran. Kunot-noo siyang nagbaling ng tingin dito habang ang dalaga naman ay agad na inginuso ang professor. He's already standing in front of her. Sa puntong iyon ay agad na nag-init ang kanyang magkabilang pisngi nang mapagtanto niyang iyon na nga ang pinakahihintay niyang sandali. Napangiti ito sa kanya kasunod niyon ay ang pag-abot nito sa kanya ng hawak nitong bouquet. "For you," anito sa baritono nitong boses. "Thank you," nakangiti niyang sambit kasabay ng pagtanggap niya sa ibinigay nitong bulaklak. "Hindi na sana kayo nag-abala pa, Professor Yugi." Umiling ito. "Alangan namang bigyan ko ang mama mo ng bulaklak tapos ikaw hindi. It's unfair." Natawa siya kasunod niyon ay ang pagbaba niya ng kanyang tingin sa hawak niyang bouquet. It's her favorite - tulip and pink roses. Akmang magsasalita pa sana siyang muli ay hindi iyon natuloy nang muling humakbang palapit sa kanya ang professor. Agad nitong iniangat ang kamay nito na may hawak na bulaklak kasunod niyon ay ang pag-ayos nito ng kanyang buhok. He put the flower behind her ear. Tila ba lalong nag-init ang magkabilang pisngi ni Elyan sa inastang iyon ng professor. Pakiramdam niya ay pulang-pula na ang kanyang mukha pero kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili. Bukod sa hindi pa sila nakakapag-usap tungkol sa kanilang relasyon ay kaharap nila ang kanyang mga kaibigan habang kita sa mukha ng mga ito ang kuryosidad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD