Professor Yugi's POV It's already 11 p.m. Pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin tapos ang birthday party ni Karlos. Gising at nagsasaya pa ang mga kamag-anak namin. May mga nag-iinuman, nagsasayawan, at nagkakantahan. May iba naman na nagkukwentuhan kabilang na roon ang mga magulang ko at si Mr. Marquez. I was on the balcony in my room watching them. Gustuhin ko mang makipagsabayan sa kanila ngunit kailangan na naming umuwi ni Elyan mamayang madaling araw. Habang ako ay nakatambay dito sa labas, siya naman ay nasa loob ng kwarto at nag-aayos ng kanyang mga gamit. Matapos kong itungga ang natitirang laman ng wine glass ko ay pumasok na rin ako sa loob ng kwarto. Isinara ko ang sliding door ng balcony sabay lapag ng hawak kong baso sa bookshelves. Napamulsa akong tumayo

