Elyan's POV Halos kalahating araw pa lang pero hindi na magkamayaw ang mga sunod-sunod na test, quizzes, presentations, projects at reports ang bumungad sa akin. Kulang na lang ay mapaiyak na ako dahil sa dami ng mga kailangang gawin at tapusin. Sa puntong iyon ay iniisip ko na sana ay pumayag na lang ako sa gusto ni Yugi na pakasalan ko na siya at siya na ang bahalang mag-provide para sa akin. Di bale nang makarinig ng kung ano-anong reaksiyon o opinyon mula sa ibang tao tungkol sa relasyon namin. Kung ganito rin lang ang dadanasin kong hirap mula sa ibang mga professor ay wala na akong pakialam. Napaalumbaba ako sa lamesa habang nakatulalang nakatuon ang tingin sa screen ng laptop ko. Gustuhin ko mang simulan ang pagsusulat ng essay ay hindi ko magawa. Para akong lantang gulay s

