Professor Yugi's POV Natigil ako nang makita kong hinalikan ng isang basketball player si Elyan. Hindi ko magawang kumilos sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko ay tumigil ang oras sa mga sandaling iyon. Agad na nagkasalubong ang dalawang kilay ko habang titig na titig sa magkalapit nilang mga labi. Gustuhin ko mang sugurin ang lalaking iyon ngunit hindi ko magawa dahil hindi pwede. Kailangan kong manatili sa pwestong kinalulugaran ko at magpatuloy sa ginagawa ko kahit pa sa loob-loob ko ay gustong-gusto kong bigyan ng leksiyon ang estudyanteng iyon. Hindi kalaunan ay naputol ang halikan nilang iyon nang tadyakan ni Elyan ang estudyanteng humalik sa kanya. Inis niyang pinaghahampas ng hawak niyang baton ang lalaking iyon kung kaya't patakbong nagtago sa likuran ng mga kasamahan ni

