Professor Yugi's POV Maaga pa lang ay nagtungo na ako sa university upang asikasuhin ang mga importanteng bagay na ipapasa ko sa papalit sa akin. Mabigat ang buntung-hiningang pinawalan ko pagpasok ko pa lamang ng campus. Hindi ko akalain na hahantong ako sa ganitong sitwasyon kung saan ay tuluyan ko na ngang lilisanin ang lugar na ito. It's been seven years since I stayed here as a professor. Tandang-tanda ko pa noong una akong mag-apply dito. Hindi ako sigurado kung ano ba ang naisipan ko at nagawa kong pumasok bilang isang professor. Nang mga panahong iyon ay wala pa rin akong kasiguraduhan sa mga desisyon ko. Kailangan ko lang kasi talagang makapaghanap ng trabaho upang makaiwas ako sa ibibigay na responsibilidad sa akin ni papa. That time, wala pa akong kaalam-alam tungkol s

