Elyan's POV Namilog ang mga mata ko nang lumuhod sa harapan ko si Yugi nang mga sandaling iyon. Hawak niya ang isang maliit ng box na naglalaman ng singsing ay hinihintay niya ang magiging sagot ko sa tanong niyang, 'Will you marry me?'. Sa puntong iyon ay napatutop ako sa bibig ko habang wala pa ring imik. Gustuhin ko mang sumagot ngunit hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Kung tutuusin kasi ay hindi ko inaasahan na gagawin niya ang bagay na ito dahil napag-usapan namin na wala nang magaganap na proposal. Iyon din kasi ang gusto ni lola. Wala ng paligoy-ligoy pa at diretso na sa kasalan ang okasyon. Ngunit sa kabilang banda naman ay may parte rin sa pagkatao ko na gustong mangyari ang ganitong eksena. Gusto ko ring maranasan ang bonggang proposal tulad ng mga napapanood ko.

