Hindi matigil ang kwentuhan at tawanan ng mga professors sa table na pwestong kinalulugaran ni Yugi. Kung ano-ano na ang kanilang pinagkukwentuhan at kung saan-saan na rin napapadpad ang kanilang pinag-uusapan. Napapailing at natatawa na lamang si Yugi habang pinakikinggan niya lalo na ang mga kwentong barbero ni Prof. Eduardo ganoon din ang mga topic ni Prof. Jack na puro rated spg. Ngunit sa kalagitnaan ng masayang kwentuhan na iyon ng kanyang mga kapwa professors ay hindi mapakali si Yugi sa kanyang kinauupuan. Panay ang baling niya ng tingin sa kabilang table kung saan nandoon si Elyan. Bagamat masaya na itong nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nito ay hindi pa rin maalis sa kanyang isip ang nakita niyang reaksyon sa mukha nito kanina. It seems like she's worried and bothered by some

