Agad na nagpaalam ang mag-asawang Marquez kina Elyan at Yugi nang matapos ang mga itong kumain. Dumiretso ang mga ito sa kabilang table kung saan naroon ang kanilang mga business clients. Sa kabilang banda naman ay naiwan ang dalawa sa table kung saan ay nanatili ang katahimikan sa pagitan nila. Panay lamang ang pagtikhim ni Yugi habang si Elyan naman ay tila ba nabusog na kakainom ng kanyang juice. Sa puntong iyon kasi ay tila ba wala siyang lakas ng loob na tumingin kay Yugi dahil sa binitawan niyang salita kanina. Nakatitig sa kanya ang binata at hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Gustuhin man niyang tumayo at magtungo sa comfort room pero panigurado ay inaabangan siya ng tatlo niyang kaibigan. Bumuntung-hininga siya at bahagyang pumikit. Muli ay nagbaling siya ng

