"Tol, wala ako sa apartment. Nandito ako sa girlfriend ko. Nanonood kami ng movie. Tapos alam mo na rin kung ano ang mangyayari pagkatapos neto. Hihihihihi. Kaya maghanap ka na muna ng pansamantalang matutulugan mo. O di kaya. Dyan ka kay Elyan, solohin mo buong magdamag at ng magkaron naman ng kilig yang kalamnan mo." Agad na nagkasalubong ang mga kilay ni Yugi nang mabasa niya ang mensahe na iyon ng kaibigan. Binitawan niya ang hawak niyang baso kasunod niyon ay agad siyang nag-type ng reply niya sa binata. "Hoy, Aki. Tigil-tigilan mo ko. Kung bakit ba naman kasi pati susi ng may susi ay kukunin mo? Wala akong matutulugan ngayong gabi. Anong balak mo? Patulugin ako sa lansangan?" Tatlong minuto ang nagdaan ay sumagot ito. "Sabi ko nga, dyan ka matulog sa mansion ng mga Marquez. An

