"Hi, Elyan," bati ng isang lalaking nakasuot ng blue checkered polo. Inabot nito sa dalaga ang isang bouquet. "Flowers for you." Hindi nakasagot si Elyan. Taka siyang napatingin sa binata pero kahit ganoon pa man ay tinanggap pa rin niya ang inabot nitong bouquet. "Thank you. Anong okasyon?" aniya na ikinailing ng lalaki. "Kailangan pa bang may okasyon para lang magbigay ng bulaklak sa taong gusto mo? Every day counts for the person you like," sagot nito. "Nagustuhan mo ba?" Elyan was a bit hesitant at first. Pero di kalaunan ay tumango siya at bahagyang napangiti sa binata. "Oo naman. Thank you ulit dito. Sige mauna na 'ko. Kailangan ko pang-" Naputol ang kanyang sasabihin nang dalawang lalaki ang tila ba nag-uunahang makarating sa kanyang harapan. Matapos niyon ay agad na inabot

