Pinaghalong inis at pagtataka ang naramdaman ni Prof. Yugi nang bumungad sa kanya ang regalo na hawak ni Elyan ganoon din ang regalong nakapwesto sa upuan nito. Hindi siya mapakali sa mga sandaling iyon habang titig na titig sa human sized teddy bear ganoon din sa bouquet of flowers. Sa isip niya ay warak na warak na ang mga iyon at sunog na sa nagbabagang apoy na gawa ng kanyang imahinasyon. Napakuyom siya ng kamao. Atat na atat na siyang malaman kung kanino nanggaling ang mga iyon at wala siyang ibang gustong gawin kundi ang i-corner si Elyan upang tanungin ito tungkol doon. Ngayon lamang niya nagawang mainip sa kanyang sariling klase. Although, masaya siya dahil mayroong pagbabago sa performance ni Elyan sa kanyang subject ay hindi niya magawang makapag-concentrate. "Before we

