Pagpasok pa lang ni Yugi sa kanilang apartment ay agad na bumungad sa kanya si Aki na nakaupo sa sofa. Kaharap nito ang ilang bote ng beer habang ang mukha nito ay pulang-pula sa mga sandaling iyon. Base sa ilang bakanteng bote ng beer na nasa harapan nito, kanina pa ito umiinom. Inaasahan niya na kasama nito ang ilang kaibigan nito, ngunit siya lamang ang nandoon. Sa pagsara niya ng pinto ay agad na nag-angat ng tingin sa kanya ang binata. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito at tumayo mula sa kinauupuan nito. "Nandito na pala ang pinakamatipunong professor ng Donald-Walyen University," pupungas-pungas nitong sambit at umakbay kay Yugi. "Bakit ngayon ka lang dumating, ha? Kanina pa kita hinihintay." Tinanggal niya ang pagkakaakbay ng binata sa kanya at kunot-noo iton

