(Five years ago) Third Person POV Bago pa man makalabas si Yugi sa front door ng mansion ay natigil siya nang marinig niya ang pagtawag ng kanyang ama. "Saan ka pupunta?" tanong ni Harry. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na mag-ayos ka dahil may pupuntahan tayong birthday party?" Napakamot siya sa kanyang batok. "Papa naman! May lakad ako kasama ang mga kaibigan ko. Manonood kami ng sine. Ngayon ang-" "Ipagpaliban mo muna ang lakwatsang 'yan," litanya nito sa kanya. "Kailangan mong sumama dahil hindi lang basta birthday ang pupuntahan natin. It's our business client's daughter's 12th birthday. Hindi natin pwedeng palagpasin ang pagkakataong ito." Kunot-noo siyang umupo sa couch. "At bakit kailangang sumama ako? Anong kinalaman ko dyan? It's your business, not mine." Natigil si Harry s

