Elyan's POV Tulala akong nakatitig kay Yugi matapos kong marinig ang kwento niya. Marahan akong napailing at bahagyang natawa nang mag-sink in sa akin ang mga narinig kong detalye. Tumayo ako sa kinauupuan ko at napameywang na humarap sa kanya. "Kung nakilala na kita noon, bakit hindi kita matandaan?" pagsisimula ko. "Kahit ilang ulit kong pigain 'tong utak ko kakaisip tungkol sa ikinuwento mo, wala talaga. Hindi kaya..." "Ano?" mabilis niyang tanong. "Baka naman hindi ako 'yong nakausap mo?" sagot ko. "O di kaya, panaginip lang 'yong nangyari?" Pagak siyang natawa. "Panaginip? Paano magiging panaginip 'yon samantalang hindi lang si ate Kiara kundi sina mama at papa ay kilala ka? At kung hindi ikaw 'yong nakausap ko, sino? Pwera lang kung may kambal ka." Natigil ako sa huling k

