(Half an hour later before Jessica, Malea and Lorea meets Elyan at the library) Hindi magawang alisin ni Prof. Yugi ang kanyang tingin sa hawak-hawak niyang cellphone ni Jessica. Pinapanood niya ang video kung saan ay kuha nito ang pag-aaway nilang dalawa ni Elyan sa loob ng class 20. Maya-maya ay pinindot niya ang pause button at nag-angat ng tingin sa tatlong kaibigan ng kanyang nobya. Nagkasalubong ang kanyang kilay habang pinagmamasdan ang mukha ng mga ito na tila ba ngiting tagumpay sa mga sandaling iyon. Bumuntung-hininga siya at iniabot pabalik kay Jessica ang cellphone nito. "So?" basag ng katahimikan ni Lorea. "Hindi pa rin ba kayo aamin?" Nagsalita si Jessica. "Kung tutuusin, hindi naman namin gusto na umabot sa ganito ang lahat. Pero hindi talaga kasi kami mapakali sa

