Elyan's POV "Kamusta naman si Yugi?" tanong ni ate Rosel. "Tinatrato ka ba niya ng maayos?" Tumango ako. "Oo, ate. Sobra-sobra pa nga." "Mabuti naman," sabat ni tita Dolores. "Naku, Elyan. Sabihin mo lang sa amin kung nagloloko 'yang si Yugi. Kapag nagkataon ay malilintikan talaga sa 'kin ang batang 'yon." Bahagya akong natawa. "Don't worry, tita. Kayang-kaya ko 'yon. Kaya lang kung minsan kasi..." "Ano?" halos sabay nilang sambit na dalawa ni ate Rosel. "Sobrang...sweet at clingy," pagpapatuloy ko. Nanlaki ang mga mata ni ate Rosel. "Seryoso?" Nahinto si tita Dolores sa pag-iihaw ng barbeque. "Sweet? Clingy? Ni kahit minsan ay hindi naging ganon sa 'min si Yugi. Sa katunayan nga ay ako at ang mga ate niya ang mahilig maglambing sa kanya, tapos siya naman ay panay ang tulak sa 'm

