"Tutal naman at may gusto ka sa kanya at paniguradong may gusto rin siya sa 'yo. Paano kaya kung…makipagrelasyon nalang kayo sa isa't-isa?" Hindi magawang alisin ni Yugi ang sinabing iyon ni Aki sa kanya. Kung tutuusin ay hindi lamang iyon kundi pati na rin ang iba pa nilang napag-usapan kagabi. "Fine! Kung ayaw mong subukan ang pakikipagrelasyon sa kanya, ganito na lang. How about you try the slowburn process with her?" "Slowburn? What does that mean?" "It's the word itself meaning…taking things slow." "Okay…" Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ni Aki at sarkastikong nginitian ang kaibigan. "Ang ibig sabihin niyon ay magpakiramdaman muna kayong dalawa. Wag muna kayong pumunta sa ligawan or dating stage. For short, professor and student with benefits." Kung tutuusin ay p

