bc

My Husband's Greatest Love (Las Palmas Series #1)-SPG

book_age18+
798
FOLLOW
2.1K
READ
love-triangle
possessive
second chance
pregnant
confident
billionairess
bxg
lies
affair
addiction
like
intro-logo
Blurb

Isang pagkakamali ang nagawa ni Olivia Eunice na isinuko ang sarili sa isang tao na hindi naman niya kilala. Nagbunga ang nangyari sa kanila ni Alexander. Ikinasal sila para hindi maging bastardo ang anak nilang dalawa at ayaw ng pamilya Moran na madungisan ang iniingat-ingatan nilang pangalan, kaya pilit nila na ipakasal si Alexander kay Olivia.

Subalit paano kung kailan na kasal si Alexander, saka naman niya malaman na buntis din pala ang kaniyang nobya? Ano ang gagawin ni Alexander at sino ang pipiliin niya? Ang asawa niya na ngayon niya lang nakilala? O ang kasintahan na noon pa lang ay child hood sweetheart niya na at pinagakuang papakasalan kapag lumaki na sila? Paano kung malaman ni Alexander ang isang kasinungaling sa kaniyang kasintahan na kaniyang childhood sweetheart?

Abangan ang buhay ni Alexander Moran at Olivia Eunice sa My Husband Greatest Love (Las Palmas Series 1”)

chap-preview
Free preview
Episode 1

Chapter 1

Eunice

“Ano ang plano ninyong dalawa? Palakihin ang batang iyan na walang ama? Alexander, hindi kita pinalaki para maging i-responsible! Pagkatapos ninyong gumawa ng isang bagay ay hahayaan na lang ninyo? Ayaw ko magkaroon ng Apo sa labas! At mas lalong ayaw ko naman na ipapalaglag ang batang iyan dahil hindi ako mamatay tao!” galit na sermon ni Don Miguel sa akin at sa kaniyang anak na panganay.

Nasa bahay kami ng pamilya Flores kung saan ako nagta-trabaho ng limang taon. Matagal na akong naninilbihan bilang isang kasambahay at tagaalaga ni Ma’am Juana na isang matanda sa pamilya Flores. May anak si Ma’am Juana na si Ma’am Rosaly, isang matandang dalaga at isa siyang professor sa isang universidad dito sa Las Palmas. Itinuri na nila ako na parang pamilya. Kaya, hindi na kataka-taka kung parang mga magulang ko na sila kung ituring.

“Hindi rin naman kami papayag na maagrabyada si Eunice, Don Miguel! Kailangan pananagutan ng anak mo na iyan si Eunice, dahil ginalaw niya si Eunice!” mataray na sabi ni Ate Rosaly sa Don. Galing pa ito Hacienda de Amor. Isa sa pinakamalawak na Hacienda sa Las Palmas at kilalang mayayaman na tao sa lugar.

“Hindi ako magpapakasal, hanggang hindi ko makakasigurado na sa akin ang batang iyan,’’ tanggi ng lalaking isang beses ko lang nakita sa buong buhay ko.

Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Ano ang akala niya sa akin patay gutom sa s*x at kahit sino na lang ang gagalaw sa akin?

“Hindi kita pinipilit na maging tatay sa batang nasa sinapupunan ko, pero huwag mo ipamukha sa akin na isa akong mababang uri ng babae dahil alam mo sa sarili mo ikaw ang unang lalaki sa buhay ko!’’ hindi ko mapigilang sabi sa kaniya.

Siya ang naka-virgin sa akin, dalawang buwan na ang nakalipas. Pinagsisihan ko na humingi ng day-off kay Ate Rosaly, para makapamasyal din ako rito sa Las Palmas. Sa limang taon ko kasi na paninilbihan ay isang beses lang ako mag-day off sa loob ng isang taon. Iyon kapag umuuwi ako sa Isla Cordoba upang bisitahin ang aking ina at tiyahin.

Hindi ko naman lubos maisip na dadalhin ako ni Aliyah sa bar ng kaniyang boyfriend. Unang beses kong uminom at nang malasing ako ay hindi ko na alam ang mga ginawa ko. Naisuko ko ang aking katawan sa lalaking nasa harap ko ngayon na kahit pangalan ay hindi ko alam. Ngayon ko lang nalaman ang pangalan niyang Alexander na hindi naman bagay sa kaniya.

“Huwag na kayong magsisihan pa at pareho niyo naman tinikman ang isa’t isa. Ikaw, Alexander! Huwag kang i-responsable dahil kung bakit pinakialaman mo ang babaeng iyan. Oh, ngayon na nagbunga ang ginawa ninyo, kaya panindigan ninyo! Isang Moran ang dinadala ng babaeng iyan at tagapagmana mo! Alalahanin mo at pinauwi ka namin ng Daddy mo rito para ikaw na ang humawak ng ibang negosyo natin. At hindi upang takbuhan ang responsibilida sa pamilya natin. Lalo na diyan sa pinagbubuntis ng babaeng iyan!” sabat naman ni Ma’am Emelia; ang asawa ni Don Miguel.

“Kuya, hindi mo maikakaila na hindi mo anak ang pinagbubuntis ni Eunice dahil ikaw lang naman ang gumalaw sa kaniya. Isa pa hindi ‘yan lumalabas dito sa bahay ng mga Flores o kahit dito sa Secret Village. Kung hindi siya yayain ni Aliyah, hindi mo ‘yan mapapalabas dito,’’ sabat naman ni Lander na bunso nitong kapatid.

Kasintahan ni Aliyah si Lander at kahit matagal ko ng kilala si Lander ay hindi ko naman alam na may kapatid siya dahil ang alam ko solo siyang anak ni Don Miguel at Ma’am Emelia.

“May magagawa pa ba ako? Nangyari na ang nangyari at pumapayag ako na pananagutan ko ang ginawa ko sa babaeng iyan. Oo, kasalanan ko dahil ginalaw ko siya kahit na lasing siya. May nainom rin ako noon, kaya wala na ako sa katinuan ko nang gabing iyon,” sang-ayon ni Alexander sa mga magulang niya.

“Gusto ko madaliin ang kasal ng dalawa habang maliit pa ang tiyan ni Eunice,” maawturidad na wika ni Ate Rosaly sa pamilya Moran.

“Bukas na bukas ay ipapatawag ko ang Mayor ng Las Palmas upang maikasal ang dalawa sa susunod na araw,’’ seryosong tugon ni Don Miguel.

“Tutal, nasa tamang edad na rin sila, kaya hindi naman na siguro kailangan ang concern ng mga magulang ni Eunice,” taas kilay na sabi ni Ma’am Emelia.

Mukhang mataray ang mukha ni Ma’am Emelia, subalit marami ang nagsasabi na mabait ito.

“Ako ang tatayong pamilya ni Eunice sa araw ng kasal nila ng anak ninyo. Siguraduhin niyo lang na tratuhin niyo siya ng maayos dahil kung hindi, hindi ninyo makikita habang buhay ang magiging apo ninyo,’’ banta ni Ate Rosaly sa mga Moran.

“Huwag ka mag-alala dahil ako mismo ang nagsasabi na hindi namin pababayaan si Eunice,” tugon ni Don Miguel kay Ate. “Tapos na ang usapan at sa susunod na araw na ang kasal ng dalawa, kaya maghanda kayo. Huwag kayo mag-alala sa mga gastusin dahil kami na ang bahala roon,’’ dugtong pang sabi ni Don Miguel.

Tumayo na ito at nagpaalam nang umalis. Lumabas sila ng bahay at nauna pa ang anak nila na si Alexander na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Nakahinga ako nang kami na lang ni Ate Rosaly ang naiwan. Si Mama Juana ay nasa silid pa nito natutulog.

Nalaman ng mga Moran na buntis ako nang sinugod sila ni Ate Rosaly. Ilang araw na kasi ako nagsusuka at masama ang pakiramdam. Nawalan pa ako ng malay kahapon mabuti at walang pasok si Ate, kaya naisugod niya ako sa clinic. Doon at nalaman na dalawang buwan na akong buntis. Pinilit ako ni Ate na sabihin kung sino ang ama ng dinadalang tao ko. At sinabi ko na kapatid ni Lander, kaya agad niya itong sinugod kahapon. Nasa kabilang kalye lang ang bahay ng mga Moran, kaya malapit lang ito sa bahay ni Ate Rossaly.

Si Lander lang ang nakatira sa bahay ng mga Moran, hanggang dumating ang Kuya niya na galing sa Amerika. Doon ito sa Amerika nakapagtapos ng pag-aaral at nanirahan. Umuwi lang rito upang hawakan ang ibang negosyo ng pamilya nila. Nakayuko ako na nakatayo sa harap ni Ate Rosaly, habang palakad-lakad siya at hindi mapakali.

“Alam mo, sinisisi ko ang sarili ko kung bakit pumawag pa ako na lumabas ka ng bahay kahit gabi na. Ang nais ko lang naman para malibang ka dahil sa tagal mong paninilbihan sa amin ni Mommy kahit minsan hindi ka man lang nakagala. Akala ko mapapabuti ka, pero hindi ko lubos maisip na ganito ang mangyari sa’yo, Eunice,” nanghihinayang na sabi ni Ate Rosaly sa akin.

Hindi ko mapigilan na hindi pumatak ang aking mga luha dahil hindi ko na matupad ang mga pangarap ko.

“Hindi mo naman kasalanan ang nangyari sa akin, Ate. Hindi ako nag-ingat at sinira ko pa ang tiwala ninyo sa akin.” Sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha. Nahihiya man ako sa kaniya ngunit wala na akong magagawa kundi tanggapin kung ano man ang nangyari.

“Pero sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil pinayagan kita. Anyway, wala na tayong magagawa. Nasa tamang edad ka na rin at wala namang masama kung magkaroon ka na ng sarili mong pamilya. Pero maganda kung ipaalam mo sa Tita mo na ikakasal ka na,’’ mahinahon niyang sabi sa akin.

Alam ni Ate Rosaly ang buhay ko. Wala akong tinago sa kaniya dahil para ko na siyang tunay na kapatid.

“Hindi ko alam kung paano sabihin kay Tita. Ate, sana kahit kasal na ako pwede pa rin ako magtrabaho rito upang may maipadala ako kay Tita. Alam mo naman ang kalagayan ni Mama. Kailangan niya uminom ng gamot sa tamang oras. Ako lang ang inaasahan nila at wala na silang ibang maasahan,” pakiusap ko kay Ate, habang pinupunasan ko ang aking mga luha na walang tigil sa pagdaloy.

“Mayaman ang pamilya Moran, kaya hindi ko sure kung papayagan ka nila magtrabaho pa. Lalo na at dinadala mo sa sinapupunan mo ang dugong Moran,’’ malungkot na sabi ni Ate at tinapik ang aking balikat. Wala na akong nagawa kundi ang hintayin kung ano ang naghihintay na kapalaran ko sa susunod na araw.

Sumapit ang araw ng kasal namin ng anak nila Don Miguel at Donya Emelia. Simpleng kasalan lamang ang naganap sa isang hardin sa bahay ng mga Moran. Iilang bisita lamang ang dumalo sa kasal namin ni Alexander. Mayor ng Las Palmas ang kumasal sa amin.

Pagkatapos ng seremonya at kainan ay nakita ko si Alexander na lumabas. Hawak kamay niya ang isang babae at dali-dali silang pumasok sa kotse na pagmamay-ari ni Alexander. Walang nakapansin sa kanila kundi ako lang. Inisip ko na lang na baka kamag-anak nila o ‘di kaya kakilala.

“Congratulations, Eunice. Hindi ko talaga akalain na mauunahan mo pa ako na maging isang, Moran!” Bigla akong nagulat nang sikuhin ako ni Aliyah.

Matamis ko siyang nginitian ngunit napawi rin kaagad ang ngiti ko. “Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o dapat mainis at mangamba dahil hindi ko lubos kilala ang taong pinakasalan ko.”

“Mabait naman si Kuya Xander, Eunice. Sa ganda mong ‘yan tiyak mamahalin ka niya,’’ turan ng kaibigan ko na parang wala lang sa kaniya kung bakit nalagay ako sa ganitong sitwasyon.

 

  

 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Man with a Fragile Heart

read
187.4K
bc

The Billionaire's Young Wife (Strawberry & Spencer)

read
1.2M
bc

My Possessive Uncle Is My Lover (Super SPG)

read
530.8K
bc

Sweet Seduction

read
228.1K
bc

Loving His Enemy (Love in Disguise Book 3)

read
9.9K
bc

My Desired Husband [Tagalog]

read
7.9K
bc

The Billionaire’s Surrogate Wife

read
1.2M
dreame logo

Download Dreame APP

download_iosApp Store
google icon
Google Play