NICK POV:
He wanted to touch, kiss and hold her from the day he’d met her. He'd wanted him to burn for her, just as she'd wanted him to set her burning pero pinigilan niya ang sarili niya.
Bumukas ang pinto ng Safe Haven garden at pumasok sina Alex, Theo at Mikael.
Tumingin si Mikael sa likod niya bago nagsalita. “Di ba kaibigan ni Catherine yung kalalabas lang?”
“What she’s doing here, Nick?” Alex asked curiously.
“She’s my girlfriend.” I simply said.
“What?!” lahat sila nagulat sa sinabi ko. Di napigilan ni Mikael na magsalita.
“Parang kaylan lang namomorblema ka kung paano niya malalaman na nag-e-exist ka sa mundo niya, tapos ngayun girlfriend mo na! pare ang bilis mo.” Sabay tapik sa balikat ko na tila proud sa akin.
“Ano bang ginagawa niyo dito?” pag-iiba ko nang usapan. Umupo silang tatlo. Si Theo ay inilabas ang phone at nag tetext. Si Alex at Mikael ay nakatingin lang sa akin.
“What?!” naiinis ako sa gawi ng pagtingin nila sa akin.
“Baka pumalpak ang plano ni Alex kay Catherine dahil sa relasyon niyo ng babaeng iyon?” tanong sa akin ni Mikael.
“Wag kayong mag-alala sa kanya. Akong bahala.” Paniniguro ko sa mga ito.
“Siguraduhin mo Nick. Mahirap na, baka mabulyaso pa itong si Alex at mawalan ng mana.”
May sasabihin pa sana ako ng biglang tumayo si Theo. “Pare, I need to go.”
“Saan ka naman pupunta?” tanong ni Mikael.
“Susunduin ko si Maxine. Mag-isa lang siya, baka mapahamak pa iyon.” Mabilis na lumabas si Theo.
“Sinong Maxine?” tanong ko kay Mikael.
“Girlfriend niya.” Simpleng sagot niya sa tanong ko.
“Girlfriend? Don’t tell me nakalimutan na niya si Althea.” Nag tatakang tanong ko ulit dito.
“I don’t think so na makakalimutan niya si Althea. Maxine is just another woman para mawala si Althea sa isip niya.”
“Yeah.” Dugtong ni Alex. “Althea is the woman that got away. Ano nga ba yung linya sa isang kanta, pinagtagpo pero hindi tinadhana.” Malungkot na turan nito.
“Ang tanga-tanga ko talaga! bakit ko siya hinayaan na halikan ako. Iisipin nun, easy to get ako. Naku… naku talaga!” muntik ko nang sabunutan ang sarili ko sa sobrang inis ng biglang may humarang sa daraanan ko.
“Hoy babae! Anong ginawa mo kay Nick?” tanong sakin ng isang babae na wala na atang tinakpan sa suot niyang tube at miniskirt.
“Anong pinagsasabi mo?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
She smirked at me. “Pwede ba, wag ka nag magmaang-maangan pa. I saw what happened earlier sa hallway when he announced that he is your boyfriend. Anong ginawa mo? Siguro ginayuma mo siya no, bookworm?!” tila nandidiring wika nito sa huli.
“Di ko alam ang sinasabi mo.” Lalagpasan ko na sana siya nang biglang hilahin niya ang buhok ko. Tinabig ko ang kamay niya at humarap sa kanya. “Ano bang problema mo, ha?!” inis kong sabi sa kanya.
“Ikaw… ikaw ang problema ko at ang pangit mong mukha. Bagay lang kayo ng kaibigan mong may balat sa mukha.”
“Huwag mong idamay si Catherine dito.” Naiinis na talaga ako sa babaeng ito. Kunti na lang at papatulan ko na ito pero iniisip ko ang scholarship ko. Hindi pwedeng mapaaway ako sa babaeng ito.
“Oh, Catherine pala ang pangalan niya. I thought she’s Ms. Balat and you are Ms. Worm… I mean… bookworm.” Nang-iinis na sabi niya. gusto ko nang patulan ang babae na ito pero pilit kong pinigilan ang sarili ko. “Relax, Maddy.” Bulong ko sa sarili ko.
Naiinis na tumalikod na lang ako at iniwan ang lintik na babeng iyon habang pinagtatawanan ako. Ang nakakainis pa, nakitawa rin ang mga tao sa paligid namin.
Dalawang oras pa bago ang sunod kong klase kaya nagstay muna ako sa library. Atleast dito tahimik, walang b***h na babae na bigla na lang haharang sayo at sasabunot at kung anu-ano ang sasabihin. Nakakainis lang!
Lunod na lunod na ako sa pagbabasa ng libro ng biglang may nagsalita malapit sa teynga ko.
“I don’t know why you just sit here in library when you could be getting f****d by me.” Nagulat ko sa nagsalita at humarap sa kaliwa ko para tingnan ang bastos na nagsalita and I was surprised to see him in all places, here at library.
“Nickolo…” bangit ko sa pangalan nito habang paupo naman ito katabi ko.
“Tsk…tsk.. Call me Nickolo again and I will kiss you here senseless.” Pagbabanta niya sa akin.
“Ano ba kasing ginagawa mo dito?” di ko napigilang itanong.
“You’re here…that’s why I am here. Kung nasaan ang girlfriend ko, dapat nandoon rin ako.” Tiningnan niya ako na para bang may mali sa tanong ko. “What time is your next class?”
“2pm. One-and-a-half-hour pa. Why?”
“Sumama ka sa akin. Mag lunch tayo.” Tumayo na siya at inip na tiningnan ako dahil di pa rin ako tumatayo. “C’mon, stand up or else bubuhatin kita. Ayaw mo naman siguro na pagtinginan na naman tayo ng mga tao dito.”
Wala na ba siyang gagawin kundi takutin ako. Tumayo na lang ako para wala nang gulo. Di ko alam kung saan niya ako dadalhin pero sumama na lang ako. Ayoko nang makipagtalo pa sa kanya, wala rin naman akong magagawa.
DINALA ako ni Nick sa isang Japanese Restaurant. May kanya-kanyang kwarto ang restaurant kaya solo namin ang isang kwarto kung saan deni-deliver nalang nung waitress ang food. Maganda ang lugar, simple pero alam mung mamahalin.
“May napili ka na ba?” tanong sa akin ni Nick. Sa totoo lang, wala akong mapili dahil di ko naman alam ang mga food na nakasulat dito. Inilapag ko na lang ang menu at humarap sa kanya.
“Pwedeng ikaw na lang ang pumili? Tingin ko naman alam mo na kung anung food dito ang masarap.” Sagot ko dito habang inaabot dito ang menu.
“Okay.” Humarap siya sa waitress na kanina pa naghihintay at sinabi kung anong foods ang order namin. Hinintay niyang umalis ang waitress bago humarap sa akin.
“Magugustuhan mo ang foods nila dito.” Sabi niya sa akin. “Halika nga dito.”
“H-ha?”
“Dito ka umupo sa tabi ko.” Tinapik-tapik pa nito ang pwestong katabi. Sitting table ang restaurant kaya pwede kahit saan umupo. Nakaupo kasi ako ngayon sa pwesto kung saan kaharap siya.
Sinunod ko na lang ang gusto niya at umupo sa tabi niya. Pagkaupo ko ay bigla niya na lang kinabig ang mukha ko at napahawak ako sa dibdib niya.
“A-anong gagawin mo?” kinakabahang tanong ko sa kanya kahit may idea na ako sa gagawin niya.
“Hahalikan ka.” He said huskily.
“P-pero…” di ko na natapos pa ang gusto kung sabihin dahil dumampi na ang labi niya sa labi ko.
Napakainit ng halik ni Nick. Di ko na rin napinigilan ang sarili ko na di tugunin ng maalab ang kanyang halik.
“You taste like honey, Maddy.” Anas ni Nick sa pagitan ng halikan naming dalawa.
Hahalikan pa sana uli ako ni Nick ngunit pumasok na ang waitress dala ang order namin. Lumayo ako kay Nick at inayos ang sarili ko.
“Sir, Maam, may kaylangan pa po ba kayo?” tanong nung waitress matapos niyang ilapag ang order namin.
“Wala na. Pwede ka nang lumabas.” Sagot ni Nick.
“Sige po.” Lumabas na ang waitress sa kwarto. Kumuha si Nick ng sushi at sinawsaw sa sauce sabay inilapit sa bibig ko.
“Ah…” utos niya sa akin.
Umiling ako sa kanya. “Ayoko ng sushi, Nick. Hindi ako kumakain ng hilaw na isda.”
Hindi niya parin binaba ang hawak niya kahit tumanggi na akong isubo ‘yun. “Masarap ‘to. Kaya kainin mo na’to.” Malambing niyang sabi sa akin.
“Ayoko nga.” Tanggi ko pa rin.
Biglang nagbago ang tono ng boses niya. Mula sa pagiging malambing ay naging seryoso. “Maddy, dapat masanay ka na kainin ang lahat ng isinusubo ko sa’yo. Kaya wag mo na akong inisin at kainin mo na’to.”
Naiinis na ako sa kanya pero wala akong magawa. Kaya kahit ayaw ko ay isinubo ko na rin yung sushi. Gusto kong masuka habang nginunguya ang sushi pero di ko pwedeng gawin sa harap ni Nick dahil baka kung ano pang pagkain ang ipasubo niya.
Ngumiti na siya sakin. “Di ba masarap?” Tumango na lang ako sa kanya. “Ito pa tikman mo?” Kinain ko na lang lahat ng isinusubo niya.
“Nick, busog na ako.” tanggi ko na sa isa pang isusubo niya.
“Sige, marami ka na rin namang nakain.”
“Ihatid mo na ako sa school. May klase pa ako.” sabi ko sa kanya ng tapos na siyang uminom ng tubig at magbayad.
INIHATID ako ni Nick sa school. Pagkaparada niya ng sasakyan ay bababa na sana ako pero bigla niya akong hinawakan sa braso. Paglingon ko sa kanya ay sakto namang bumaba ang labi niya para halikan ako.
“Male-late na ako.” hinihingal kong sabi siya sa kanya dahil sa tagal ng halikan naming dalawa.
“Hihintayin kita. Ako na ang maghahatid sayo pauwi.” Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako at mabilis na bumaba ng sasakyan at baka pigilan pa ako ni Nick.
Natapos ang klase ko eksaktong tatlong oras ang lumipas. Naglalakad na ako papunta sa nakaparadang sasakyan ni Nick nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod.
“Maddison!” masayang bigkas ng taong yumakap sa akin mula sa likod.
Tinanggal ko ang pagkakayakap ng poncio pilatong yumakap sa akin at humarap sa kanya. Laking gulat ko ng makilala ang lalaking yumakap sa akin.
“Aaron!” masaya kong bigkas sa pangalan niya. Napayakap narin ako sa kanya. Si Aaron ang nag-iisang bestfriend ko na lalaki. Kabababata ko siya sa Cavite pero nagkahiwalay kami ng lumipat kami dito sa Maynila.
Tatanungin ko pa sana siya nang biglang may humila sa akin sa pagkakayakap kay Aaron.
Muntik na akong matumba kung hindi lang tumama ang likod ko sa dibdib ng taong humila sa akin. Sisigawan ko sana ito nang makilala kung sino siya.
“Nick!” gulat kong bigkas sa pangalan niya.
Masama ang tinging ibinibigay niya kay Aaron.
“Sino siya Maddy?” tanong sa akin ni Aaron.
“H-ha? Ahh…ehh…” di ko alam kung paano ko ipapakilala si Nick sa Kanya. Ano bang dapat kong sabihin?
“I’m his boyfriend.” seryosong sagot ni Nick sa tanong ni Aaron. “Ikaw… sino ka? Sino ka sa buhay ni Maddy?”
Nagtinginan ang dalawang lalaki ng masama sa isa’t-isa. Ano ba ito? Baka bigla pang gumawa ng gulo itong si Nick!
“I’m his first love.” Sagot ni Aaron. Nakita kung biglang nanlisik ang mata ni Nick.
Patay! Patay kang Maddy ka!