Chapter 6

1910 Words
BALIW ka talagang Aaron ka! Ipapahamak mo pa ako sa sinasabi mo eh! Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Nick, sa sobrang higpit nasasaktan na ako. Nanlilisik pa rin ang mga mata niya na nakatingin kay Aaron. Baka magsimula pa ng gulo itong si Nick! Pumagitna na ako sa dalawa kahit hawak pa rin ni Nick ang braso ko. “N-nick, halika na. Umuwi na tayo.” Sabi ko sa malambing na tono para maibaling niya sa akin yung atensyon niya ngunit hindi siya gumalaw o tumingin sa akin. Walang epekto ang panglalambing ko! Bumaling ako nang tingin kay Aaron pagkatapos kay Nick. Nagsusukatan lang ng tingin ang dalawa. Walang kumikilos o nagsasalita. “A-aron, di ba may gagawin ka pa?” tanong ko kay Aaron. Tumingin sa akin si Aaron. Nakikiusap ang mata ko sa kanya na sumang-ayon na lang siya. Sinenyasan ko rin siya na umalis na habang nakatalikod ako kay Nick para di niya makita ang pagsenyas ko. Bumuntong hininga siya bago nagsalita. “Sige Maddy. Aalis na ako at may gagawin pa ako. Magkita na lang tayo bukas.” Magsasalita sana ako pero biglang nagsalita si Nick. “Huwag ka nang umasang magkikita pa kayo ng GIRLFRIEND ko! Dahil di ko papayagang mangyari ‘yun.” Seryosong sagot ni Nick kay Aaron at binigyang diin pa ang salitang girlfriend. Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako pag tinatawag niya akong girlfriend. Ngumiti ng sarkastiko si Aaron. “Si Maddy ang magpapasya sa bagay na ‘yan. Hindi ikaw… kahit GIRLFRIEND mo pa siya.” Pagbibigay diin rin nito sa salitang girlfriend. Kinalas ni Nick ang pagkakahawak niya sa akin at tangkang susuntukin si Aaron. Mabilis akong kumilos para pigilan si Nick at yakapin siya. “Aaron please umalis ka na… nakikiusap ako sayo.”   Pakiusap ko kay Aaron habang nakatingin sa kanya. “Please…” pagmamakaawa ko sa kanya. Ayoko na maging simula ng gulo sa kanilang dalawa. Lumamlam ang mga mata ni Aaron habang nakatingin sa akin na tila naaawa sa sitwasyon ko. Tumango na lamang ito at tumalikod sa amin ni Nick. Walang lingon na naglakad siya paalis. Nang wala na sa paningin namin si Aaron ay bigla na lang ako hinawakan ni Nick sa dalawang braso dahilan para mapatingin ako sa kanya at mapapiglas sa pagkakayakap dito. “Sino ‘yun ha?!” galit niyan tanong sa akin. “Totoo ba ang sinasabi niya na siya ang first love mo, ha?!” “N-nick nasasaktan ako.” nasasaktan na talaga ako sa paghawak niya. Tumingin sa braso ko si Nick at nakita niya ang pasa sa braso ko na hinawakan niya ng mahigpit kanina. “Damn!” galit na mura niya. Di ko alam kung ako ba ang minumura niya o ang sarili niya. Gumaan ang pagkakahawak sa akin ni Nick pero di niya ako binitawan. “Halika na sa sasakyan at gamutin natin ang pasa mo.” Tumingin siya sa akin. “And Maddy, huwag na huwag kang magpapakita pa sa lalaking iyon! Naiintindihan mo? Dahil kung oras na malaman kong nagkikita kayo ay baka di mo magustuhan ang gagawin ko!” madiin ang bawat salita na binitiwan niya at kung pagbabasehan ko ang anyo niya, seryosong-seryoso siya na gagawa talaga siya ng masama kapag nakipagkita ako kay Aaron at di ko maiwasan na di matakot. Tumango na lang ako para matigil na siya sa pagbabanta niya.                                       NAKAUWI na rin ako sa apartment kung saan ako nakatira kasama si nanay.  Nilagyan ng ointment ni Nick ang pasa ko at umalis na rin. Bago siya umalis ay inulit niya ang banta niya sa akin. Tumango na lang ulit ako para walang gulo. Nagpasya na akong matulog at nahiga sa kama nang maalala ko ang tagpo na nangyari kanina. Tama si Aaron sa sinabi niya kanina. He was my first love and my first boyfriend. I was fourteen when I fell in love with him pero naghiwalay kami dahil masyado pa kaming bata at wala kaming ginawa noon kundi ang mag-away. Maayos ang paghihiwalay namin noon. After ng break-up namin ay para siyang naging bestfriend ko. Minsan talaga may mga tao na mas nakakasundo natin as a friend instead of being in a relationship at ganoon ang nangyari sa aming dalawa. He was there nang mamatay ang lolo ko. He also helps me sa studies at scholarship ko during high school. Hindi mayaman si Aaron pero masipag siya na hinangaan ko sa kanya. Nag-aaral siya at the same time ay nagtratrabaho dahil may pangarap siya. Naghiwalay lang kami ng landas ng umalis kami sa Cavite at dito tumira para mag-aral ng college. At masaya talaga akong makita siyang muli hindi dahil mahal ko pa rin siya kundi dahil namiss ko lang talaga siya. Afterall, he is my best friend. Pero kahit gusto kung makipagkwentuhan pa kay Aaron, mas makabubuti na sundin ko muna si Nick, baka gumawa pa ng gulo ang lalaking iyon at mapahamak kaming dalawa ni Aaron ng wala sa oras. “Hay! One semester na lang at makakatapos na ako at kunting tiis na lang.” bulong ko sa sarili. Gusto kong magtrabaho sa ibang bansa dahil malaki ang kita doon nang mga nurse pero… paano ang sitwasyon ko kay Nick? Iniisip ko din si nanay. Walang mag aalaga kung sakaling umalis ako. “Hanggang kaylan ba ako magiging sa kanya? Dapat may kontrata kaming dalawa. Tama! Dapat may kontrata.” kausap ko na naman sa sarili ko. Mabilis kung kinuha ang karag-karag kong secondhand laptop at nagtype nang maaring magiging kontrata naming dalawa ni Nick.  “ANO ‘to?” nagtatakang tanong sa akin ni Nick ng iabot ko sa kanya ang kontrata na ginawa ko kagabi. Sinundo niya ako para sabay kami na pumunta ng campus. Pababa na kami ng sasakyan ng iaabot ko sa kanya ang kontrata. Halos madaling araw na akong nakatulog para lang matapos ang kontrata na inabot ko sa kanya. “Kontrata ‘yan tungkol sa sitwasyon ko ngayon. Aba! Di naman pwede na sayo ako habang buhay. Or maghihintay ako sayo kung kaylan mo ako pakakawalan. Hindi naman pwede ‘yun. May sariling buhay rin naman ako.” Paliwanag ko sa kanya. “Basahin mo. Sabihin mo na lang sa akin kung may gusto kang baguhin or dagdagan para mapag usapan nating dalawa. Pagkatapos, pirmahan mo na.” Nakangiti kong sabi sa kanya pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Pinagpupunit niya ang kontrata na halos isang gabi kong ginawa. “A-ano bang ginagawa mo!” bulalas ko sa kanya. Itinapon niya ang pira-pirasong kontrata sa labas ng sasakyan at tumingin sa akin. “Huwag ka nang umasa pa Maddy na pakakawalan kita. Kaya itigil mo na ‘yang kalokohan mong kontrata.” Seryosong saad nito sa akin. Naiinis akong tumingin sa kanya dahil sa ginawa niyang pagpunit sa kontrata. Anong gusto niyang mangyari sa akin, maging pag-aari niya habang buhay? “Fine! Aalis na ako.” sabay talikod sa kanya para bumaba ng sasakyan. “At saan ka pupunta?” sabay hawak sa kamay ko para pigilan ako sa pagbaba. “May klase pa ako.” “Ihahatid na kita sa room mo.” “Huwag na, kaya ko namang makarating ‘dun ng mag-isa. Di mo na ako kailangan pang ihatid.” “Huwag ka nang makulit pa, Maddy. Pag sinabi kong ihahatid kita, ihahatid kita.” Naiinis ako sa kanya. Lagi na kung ano ang gusto niya, kailangan kong sundin. Anong gagawin ko para makawala sa kanya? Di naman ako pwedeng umalis dahil nag-aaral pa ako. At si nanay… masyado pa itong mahina para iwan ko or isama ko sa pag alis ko. Inihatid ako ni Nick sa room ko at wala na akong nagawa pa. habang naglalakad kami sa pasilyo ay nakatingin sa akin ng masama ang mga babae na alam kung may gusto kay Nick. Akala siguro ng mga ito napakaswerte ko dahil kasama ko si Nick. Haynaku! Kung alam lang nila ang sitwasyon ko! Sa isip-isip ko. Kung pwede ko lang ipalit ang lugar ko sa kahit sino sa kanila. Katatapos lang ng klase at palabas na ako sa pinto. Inaasahan ko na si Nick sa labas habang nakasandal sa dingding na madalas niyang gawin nitong mga nakaraang araw pero paglabas ko, wala siya. Himala! Wala siya! nakaramdam ako nang tuwa, feeling ko nakalaya ako. Mabilis akong naglakad palayo kasi baka dumating pa siya at maabutan ako. Masaya akong naglalakad sa hallway nang maisip kong hanapin si Catherine. May pinagtanungan ako at ang sabi si Alex lang ang nakita niya sa lab room. Tamang-tama! Kung nasaan kasi si Alex, nandoon din si Catherine. Halos laging magkasama din ang dalawa. Pumasok na ako sa building kung nasaan ang lab room. Habang naglalakad palapit, may naririnig akong ingay. Don’t tell me! Oh my God, na NAMAN! Bakit ba lagi na lang akong nakakasaksi ng rated +18.     Hindi kaya sina Alex at Catherine yun? Imbes na maglakad ako palayo, mas pinili ko pang lumapit… Out of curiosity siguro?! hahaha “Alex, s**t, you’re so good!” rinig kong saad ng isang babae. Nagulat ako nang bigla kong marinig iyon. Pero bakit ganoon! Hindi ganoon ang boses ni Catherine. Mas lalong lumakas ang loob kung tingnan kung sino talaga ang tao sa lab room. Binuksan ko nang bahagya ang pinto at nagulat ako sa nasaksihan ko. Tama nga ako! Hindi si Catherine ang babae pero… si Alex ang lalaki. Ang kasama ni Alex ay hindi si Catherine kundi si Abby! Naghahalikan ang dalawa habang hawak ni Alex ang dibdib na Abby na halos lantad na dahil nakabukas ang butones ng damit na suot nito. How could Alex do this to Catherine! Sinara kung muli ang pinto at naglakad palayo. Kaylangan ko na talagang mahanap si Catherine, kailangan malaman niya na niloloko siya ni Alex! Sabi ko na nga ba may mali sa bigla na lamang pakikipagrelasyon nito sa kaibigan ko. Ayaw ko mang maging mapang husga, pero kung pisikal na katangian ang pagbabsehan, malabo na ang isang Alex ay bigla na lamang magkakagusto kay Catherine. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng building at hanapin ang kaibigan ko ay nakita ako ni Nick. Mabilis niya akong nilapitan. “Bakit umalis ka! Diba sabi ko susunduin kita!” galit niyang turan sa akin. Pero sa galit ko sa kaibigan niya di ako makaramdam ng takot sa galit ni Nick sa akin. Alex is Nick’s best friend, imposibleng wala itong alam sa pangloloko ni Alex sa kaibigan ko. “I saw Alex.” pigil-galit kong sabi sa kanya. Naka kunot noo siyang tumingin sa akin ng banggitin ko ang pangalan ng kaibigan niya. “I saw him with Abby sa loob.” Dugtong ko sabay turo sa loob na tila itinuturo ko kung nasaan ang dalawa. “And you know what? Your friend is kissing another woman which is not my friend!” Galit kong saad dito. Nakita kong nabigla siya sa sinabi ko pero saglit lang. “Huwag ka na lang makialam pa Maddy.” He just simply said. “Huwag makialam? Paanong di ako makikialam, friend ko ang agrabyado dito! Niloloko ng kaibigan mo ang kaibigan ko! Kaya paanong di ako makikialam? Dapat malaman ni Catherine ‘to.” Lalagpasan ko na sana siya pero mabilis niyang hinablot ang braso ko at isinandal sa pader. Inilapit niya ng mukha niya sa akin na halos isang dangkal na lang ang pagitan. “If I said just ignore it… just ignore it! Baka nakakalimutan mong dapat mong sundin kung ano man ang utos ko sayo” madiin niyang sabi sa akin. Gusto ko pa sanang sumagot sa kanya pero wala akong masabi. Gusto ko siyang sigawan na wala silang karapatang magkaibigan para gawin sa amin ‘to ni Catherine. Naiiyak ako sa sitwasyon ko… sa sitwasyon namin ni Catherine… bakit ba kami napasok sa buhay ng magkakaibigan na’to. Pilit kong pinakalma ang sarili ko at tumango na lamang dahil wala rin akong magagawa. Pinakawalan niya ang braso ko at mabilis akong umalis sa pagkakasandal sa dingding. “I hate you.” Mahina pero seryoso kong sabi pero alam kung narinig niya base sa singhap na narinig ko. Di ko na tiningnan kong anong reaksyon niya. Umalis ako at tuluyang naglakad palayo. Palayo kay Nick.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD