It's been a week nang masaksihan ko ang pagtataksil ni Alex kay Catherine pero nanahimik lang ako. I know she's happy with Alex and I don't have the heart to hurt her pero... nakokonsensya pa rin ako sa kalamanan na niloloko lang ni Alex ang kaibigan ko.
Iniiwasan ko na siya simula ‘nun dahil wala akong lakas ng loob para maging totoong kaibigan sa kanya. Nahihiya ako sa sarili ko dahil alam ko ang dapat kong gawin pero di wala akong lakas ng loob para gawin kung ano ang tama.
"Wala ka bang balak sagutin ‘yang cellphone mo? Kanina pa may tumatawag sayo. Di mo ba naririnig?" tanong ng isa kong classmate sa akin. Kanina pa kasi tumutunog ang phone ko pero di ko sinasagot. Alam kong si Nick ang tumatawag pero wala ako sa mood para kausapin siya.
"Mamaya na ko na sasagutin. Di pa tayo tapos sa research paper natin diba?" sagot ko dito. Tiningnan lang ako ng kasama ko at tinuloy na lang ginagawa. May idea na siguro siya kung sino ang tumatawag pero di na lang kumibo pa. Napailing na lang si Max sa akin; ang may-ari nitong bahay.
Nandito ako ngayon sa bahay nang isa kong classmate para gawin ang research paper namin. He is my partner sa research paper. And yes, He's a guy! Kaya di ko rin sinaasagot ang tawag ni Nick dahil once na malaman niya na may kasama akong lalaki ay baka magalit pa ito.
But Max is nerd kaya wala siyang dapat na ipag-alala. Isa pa, he's a nice guy kaya laking tuwa ko nang siya ang naging partner ko sa research. Kung yung mga classmate kong babae ang naging partner ko, eh baka sabunutan pa nila ako kaysa magresearch dahil sa selos nila kay Nick. Ang iba ko namang mga classmate na lalaki ay walang ginawa kundi tingnan ako nang may pagnanasa o puno ng kayabangan sa sarili.
Rrriiiinggg…. Muli na namang tumunog ang phone ko. Napapikit na lang ako sa sobrang inis. Bakit ba ayaw akong tantanan ni Nick.
"I think it's better for both of us na sagutin mo na ‘yang phone. Baka si Nickolo pa ang tumatawag." Saad ni Max sa akin habang nakatingin sa laptop niya.
"Sorry." Hinging paumanhin ko sabay ayo sa dito upang sagutin ang tawag ni Nick.
"What do you think are you doing, Maddy! Bakit di mo sinasagot ang mga tawag at text ko!" Galit na bungad sakin ni Nick nang sagutin ko ang phone. Wala man lang pangbungad na ‘Hello!’
"Nick." mahinahon kung sagot at banggit sa pangalan nito kahit gusto ko na rin syang sigawan nang mga oras na ‘to. "Gumagawa ako nang research paper ngayon. Masyado akong busy para mapansin na tumatawag ka."
"Nasaan ka? Sino kasama mo? Pinuntahan kita sa apartment pero ang mama mo lang ang naabutan ko doon." Gigil na tanong niya.
"Nandito ako ngayon sa bahay ng isa sa mga classmate ko." Matipid kong sagot sa tanong niya.
"Sino nga?!” Gigil na ulit nito sa tanong. “Babae o lalaki?"
"Bakit ba kaylangan mo pang malaman kung babae o lalaki ang kasama ko?" Inis na rin na tanong ko dito. "Ang mahalaga ligtas ako na kasama siya."
"Bakit di mo nalang sagutin nang maayos ang tanong ko, Maddy?!" Galit na tanong nito. "Because right now, Maddy, magsimula ka nang magdasal kapag nalaman kung lalaki yang kasama mo ngayon! Your mine at walang kung sino mang lalaki ang pwedeng makalapit sayo kundi ako!"
Nanggigigil kong pinatay ang phone. Ang kapal talaga nang lalaking iyon na umasta na para bang pag aari niya ang buong pagkatao ko.
"Are you okay? " tanong sakin ni Max nang makalapit ako. Napansin siguro nito ang inis sa mukha ko.
"Yeah. Ahm... okay lang ba kung bukas na natin ituloy yung research?" nahihiyang tanong ko kay Max. Ayaw ko pa sanang umalis para matapos na ang ginagawa namin pero sa pagbabanta ni Nick, mahirap ng sumugal.
"Sure. Hatid na kita." Nakangiting sagot nito sabay tayo sa upuan.
"Huwag na. You don’t have to." Pigil ko dito sa akmang paglapit sa akin para ihatid ako.
"I insist. Gabi na rin at kahit naman ganito ako, gentleman pa rin naman ako para ihatid ka." Nakangiting sabi nito sa akin.
Napangiti na rin ako sa sinabi ni Max. "Salamat."
"Salamat ulit sa paghatid." Sabi ko ng huminto ang sasakyan sa labas ng apartment kung saan ako tumutuloy.
"Your welcome." Saad nito. Sinenyasan ko itong huwag ng bumaba ng sasakyan ng mapansin kong akma itong bababa para pagbuksan ako ng pinto.
Pagkababang pagkababa ko ay bigla na lang may humablot sa braso ko. Napalingon ako sa taong gumawa niyon.
"Nick!" Nabigla kong bangit sa pangalan niya.
"Maddy, may problema ba?" Tanong sakin ni Max na nakababa na sa sasakyan at nakatayo habang nakatingin sa amin ni Nick. Halata ang pag-aalala sa mukha nito.
"Ikaw ba ang kasama niya?" Tanong ni Nick kay Max.
"Yes, pero wala ka-.." di na naituloy ni Max ang sasabihin dahil bigla nalang siyang sinugod ni Nick at sinuntok.
"Nick! Oh God! Wag mo siyang saktan, wala siyang ginagawang masama!" Awat kong sigaw. Pumagitna na ako nang akmang susuntukin pa ulit ni Nick si Max. Lumingon ako kay Max. Duguan ang ilong nito at putok ang labi. "s**t! I’m so sorry Max." lalapitan ko sana ito pero nahawakan na ni Nick ang braso ko para pigilan ako sa pag akma kung paglapit.
"You don’t have to say sorry, Maddy. Hindi ikaw ang sumuntok sa akin para humingi ng tawad.” Saad nito ng makabawi sa pagkasuntok ni Nick dito. Aalis na ako." Paalam nito at akma ng papasok ng kotse ng bigla itong natigilan at humarap sa akin. "You don’t deserve him Maddy. You deserve someone better than him."
"Anak nang-!" Susugurin na naman sana ito ni Nick kung hindi ko lang napigilan. Mabuti na lamang at pinaandar na ni Max ang sasakyan nito at nakalayo sa amin ni Nick.
Tumingin ako nang masama kay Nick ng makalayo si Max at walang salitang dumiretso papasok ng bahay. Sumunod sa akin si Nick.
"Ano to, cold treatment! Di mo ako kakausapin?" sarcastic na sabi ni Nick sa akin. Di ako kumibo sa sinabi niya at nagtuloy tuloy lang sa loob ng apartment. Mabuti na lang at tulog na si nanay ng ganitong oras.
"Maddy!" Frustrated na tawag nito sa pangalan ko.
"Pwede ba huwag kang sumigaw at baka magising si nanay." Inis kong saad dito.
"Then… kung ayaw mo akong sumigaw, kausapin mo ako nang maayos.” Inis din na sagot nito sa akin. “Bakit kasama mo ang lalaki na ‘yun?"
"He's name is Max, okay. Siya ang partner ko sa research." Sagot ko dito at pumunta ng kusina para uminom ng tubig. Sumunod naman ito sa akin.
"Bakit di mo sinabi sakin na lalaki ang partner mo?" Inis na tanong nito.
"Dahil alam kung ganito ang magiging reaksyon mo?! Inis na sagot ko at lumingon dito. “See?! Walang ginagawang masama si Max pero sinaktan mo pa rin siya. Nagpakagentleman na yung tao sa paghatid sakin pero nagawa mo pa rin siyang suntukin." Saad ko sabay hampas sa dibdib niya. "You know what?! Ang problema kasi sayo, para kang takot na takot na maagawan!"
"It’s because I care about you!" madiin na sagot nito sa akin.
“Care? Care ba ang tawag sa inaasal mo ngayon? Wala ka ng ginawa kundi utusan ako sa kung ano ang dapat kong gawin. Pag di kita sinunod, puro ka naman banta. Hindi ko alam kung ano ‘yang tumatakbo sa isip mo pero sumusobra ka na. Ano bang problema mo ha?” nangigigil na saad ko dito habang hinahampas ito sa dibdib. “Ano bang problema mo at nagkakaganyan ka?!”
"It’s because I love you.” Sagot nito at pinigilan ang mga kamay ko sa paghampas sa dibdib nito. “I love you from the moment I set my eyes on you. I love you for damn two long years!"
Gulat akong napatitig sa kanya. Bigla rin na lumambot ang expression nang mukha nito nang mapansin na nabigla ako sa biglaang confession nito sa akin. "And now that I had you, Maddy. I will go crazy kapag nawala ka pa sakin because I love you."