Di makatulog nang gabing iyon si Maddy. Sa bawat pagpikit niya ay mukha ni Nick ang nakikita niya. Paulit ulit niya rin na naririnig ang mga pinagsasabi nito kanina bago ito umalis. Matapos kasi nang eksena nang pagtatapat ni Nick ay natameme siya at di makapagsalita. Nagpaalam na itong umalis ay di pa rin siya kumikilos sa pagkakatayo niya. Kung di niya pa narinig ang paglapat ng pinto ay di niya marerealize na wala na si Nick sa harap niya. "Bwisit na lalaking iyon,ayaw akong patulugin!" Inis na baling nang mukha sa kaliwa. "s**t! Bakit ganito? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko, para bang kinikilig ako!" Sabay takip nang unan sa mukha. Nang may-maalala ay bigla siyang napabangon. “Hindi! Imposible na magkagusto ako sa lalaking ‘yun. Kung totoo man ang pinagsasabi niya kanina, ano na

