"Mabuti naman at gising ka na anak." Bungad sakin ni mama pagdating ko sa kusina. Inihahanda nya na ang pagkain ng dumating ako. Maaga pa naman akong gumising para ako na ang maghanda ng almusal naming dalawa. "Ma, bakit kayo ang gumagawa nito? Baka mapagod kayo. Sana po ginising nyo na lang po ako para ako na ang mag-asikaso. Alam niyo naman pong masama kayong mapagod." Nag-aalalang wika ko sa kanya. Kukunin ko na sana ang mga platong hawak nya pero iniwas nya. "Ano ka ba naman anak. Di naman ako baldado para ituring mong babasagin. Kaya ko na ang mga ito. Sa dalawangpu't isang taon ng buhay mo ay ako na ang naghahanda ng pagkain kahit nung mga panahon na nabubuhay pa ang papa mo." "Pero..." "Wala ng pero, pero. Umupo ka na diyan habang inihahain ko ang pagkain. Ah, oo nga pala! May

