Chapter 2

1564 Words
IT’S been a week matapos kung masaksihan ang dapat na di ko makita. Matapos kong makita ang pangyayari ay mabilis akong umalis at hindi ko na ninais pa na kunin ang libro. Naiinis ako sa sarili ko kapag naalala ko ang gabing iyon. Ang tanga-tanga ko kasi at nagawa ko pa talagang tapusin ang nangyayaring kababalaghan dun sa dalawa.  Lumayo na rin ako kay Aliya dahil di ko maiwasang di maalala ang nakita kong ginawa nila ni Nickolo! Aliya is a sweet girl kaya di ko maiwasang magtaka bakit niya nagawa ang ganoong bagay. She looks like she knows what she was doing at that moment. Hindi talaga pwede na baseahan ang panglabas na anyo sa maari at kayang gawin ng isang tao. Madalas ko na rin na makita sina Nickolo at ang mga kaibigan niya. Madalas na nasa cafeteria na rin sila kapag lunch na di tulad noon, ang alam ko sa labas pa sila kumakain. Bakit sila nagtitiis sa pagkain na nasa cafeteria kung afford naman nila ang mga pagkain sa fastfood or mamahaling restaurant. Kasalukuyan akong nasa cafeteria kasama si Catherine ng pumasok ang grupo nila. Nang makita ko silang papasok ay iniwas ko na agad ang tingin ko sa grupo nila. Naiinis ako kapag nakikita ko sila lalo na si Nickolo. Pati ba naman si Aliya nagawa pang patulan. Wala talagang sini-sino ang lalaking ito. “Mukhang solo natin ang table na ‘to ah.” Nakangiting wika ni Catherine habang paupo sa bakanteng upuan. “Hayaan mo sila kung ayaw nila tayong kashare. Ayaw ko rin naman silang katable. Ang mga babae dito, walang ginawa kundi tumili at lumandi sa mga playboys na ‘yan.” Mataray na wika ko sa kanya sabay tingin sa grupo nina Nickolo. Tiningnan ni Catherine kung saan gumawi tingin ko at nakita niya sina Nickolo. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at pagkwe-kwento sa kanya. Malapit ko ng maubos ang pagkain ko ng mapansin kung di pa ginagalaw ni Catherine ang food niya. Sige lang siya sa pagtingin kay Alex. Kinalabit ko siya. Tumingin siya sa akin. “Bakit?” tanong niya.              “Di ka pa kumakain tapos kanina pa ako salita ng salita dito wala naman pala sa akin ang diwa mo.” Nagtatampong wika ko sa kanya. “Pasensya ka na. Alam mo naman na hanggang tingin lang ang kaya kong gawin sa kanya.” Paliwanag niya sa akin. “Ewan ko ba naman sa iyo kung anong nagustuhan mo sa kanya eh babaero naman  silang magkakaibigan. Basagulero at barumbado pa. Alam mo bang napaaway na naman ang mga iyang nung isang araw sa club malapit dito sa campus.” Sabi ko sa kanya para madisappoint siya kay Alex. “Di naman sila ang nagpasimula ng gulo. Yung kabilang grupo.” Pagtatanggol niya kina Alex. Ipinagpatuloy ko ang pagsasalita.                                                                                                  “Kasi nga pinatulan ni Nickolo yung girlfriend ng frat leader nila, babaero talaga!” inis na wika ko sa kanya. Matapos ko silang makita ni Aliya sa mahalay na tagpo ay malalaman ko pang pinatulan niya rin yung babae na iyon. Kilala ang grupo nila sa campus kaya mabilis na kumalat ang balita. “Malandi naman  kasi yung babae, may boyfriend na, pumatol pa kay Nickolo.” Mataray na wika ni Catherine. Nakita kong lumingon sa gawi namin ang grupo nina Alex. Mukhang napansin nila ang pagsulyap ni Catherine sa gawi nila. Iiwas na sana ako ng tingin ng magtama na naman ang tingin namin ni Nickolo. Bigla ko na namang naalala ang sa kanila ni Aliya kaya umiwas ako ng tingin at humarap na lang kay Catherine. “Ahh, ewan ko sa iyo. Bahala ka na nga diyan sa feelings mo. Malaki ka na.” sabi ko kay Catherine para pagtakpan ang kabang naramdaman ko ng magtama ang tingin namin ni Nickolo. Isa pa, kahit ano namang sabihin ko ay di pakikinggan nito. Masyado na itong bulag sa nararamdaman nitong pagmamahal kay Alex. Lumingon sa akin si Catherine at unti-unting sumubo ng pagkain. “Huwag ka ng magalit. Kakain na ako.” “Mabuti kung ganoon. Gugutumin mo pa ang sarili mo dahil sa lalaking ‘yun.” “Alam mo naman na hanggang tingin lang ako at malabo na magustuhan niya ang isang tulad ko.” “Ayan ka na naman. Ang baba na naman ng tingin mo sa sarili mo.” Inis kong saad sa kanya. “Kung maganda lang ako, ako na mismo ang lalandi sa kanya tulad ni Abby. But I know my place.” Malungkot na sabi nito sabay subo ng pagkain. Gusto ko pa sanang magsalita pero naisipan ko na lang na manahimik. Ngumiti na lang ako sa kanya para pagaanin ang loob niya.   NAGLALAKAD na ako pauwi sa amin nang makita kong humahangos ng takbo si Aleng Mila, isa sa mga kapit-bahay namin. “Maddy!” tawag nito sa pangalan ko. Humihingal ito ng makalapit sa akin. “Bakit po Aleng Mila?” nag aalalang tanong ko sa kanya. “Maddy, ang nanay mo!” pagkarinig ko sa sinabi niya bigla na lang akong kinabahan. “Bakit po Aleng Mila, may nangyari po bang masama sa nanay ko?” takot na takot kong tanong sa kanya. “Bigla na lang kasing natumba ang nanay mo habang nagtitinda. Isinugod siya ng Baranggay sa pinakamalapit na Hospital. Sa Teixeira Hospital siya dinala.” “Sige po Aling Mila. Pupuntahan ko po si nanay. Salamat po.” “Walang anuman. Pero naku! Mahal pa naman sa hospital na iyon. May pera ka ba?” tanong niya sa akin. “Wala po. Pero gagawa ako ng paraan. Sige po, mauna na ako.” tumalikod na ako at dali-daling umalis para puntahan ang nanay ko. “Nay, please, wag mo akong iwan.” Naiiyak na sabi ko sa sarili habang tumatakbo sa sakayan ng jeep. “MALALA na ang kalagayan ng nanay mo Miss. Kailangan na siyang maoperhan bago pa maapektuhan ang ibang parte ng kanyang katawan.” Sabi ng doctor na tumingin kay nanay. May sakit sa kidney ang nanay. Matagal na pala niyang itinatago sa akin ang sakit niya. At kailangan ng tanggalin ang isang kidney niya bago pa madamay ang isa. “Magkano po ba ang gagastusin ko Doc.?” Tanong ko sa doctor. “You can ask the cashier for that Miss.” Sagot niya sa akin. “Salamat po, Doc.” Umalis na ang doctor para asikasuhin ang ibang pasyente at lumapit ako sa cashier. Nanlulumo ako ng marinig ko kung gaano kalaki ang gagastusin sa operasyon ni nanay. Saan ako kukuha ng ganoon kalaking halaga? Isanglibo lang ang meron ako sa bulsa. “Wala akong ganoon kalaking pera.” Mahina kong bulong sa sarili ko. Di ko na napigilang di umiyak. “Saan ako kukuha ng pera?” naiiyak kong tanong sa sarili ko. Tiningnan ko ng phonebook sa cellphone ko para tingan kung sino ang pwede kong hingan ng tulong. And then I saw Catherine’s name. tatawagan ko na sana siya ng biglang malowbat ang phone ko. “s**t!” naiinis na wika ko sa sarili ko. NAGDESISYON akong puntahan na lang si Catherine sa kanila dahil nakatira lang siya malapit sa hospital. Pero nanlumo ako ng makarating sa sa kanila. “Pasensiya na Miss Maddy pero wala po ngayon si Ms. Catherine. Umalis po silang mag-anak.” Sabi sa akin ng katulong nina Catherine ng pagbuksan ako ng gate at hanapin si Catherine. “Alam mo ba kung saan sila pumunta? Kaylan kaya sila makaka-uwi?” desperada kong tanong sa katulong. “Naku po miss Maddy. Di ko po alam kung kaylan sila uuwi. Alam ko po ay sa Hongkong sila pumunta para dalawin ang lolo ni Miss Catherine.” Sabi ng katulong. Nanlumo ako sa narinig ko. Tuluyan na rin akong umiyak. “G-ganun ba. S-sige salamat.” Tumalikod ako at narinig ko na sinara na ng katulong ang gate. “B-bakit ganito? Ngayon pa nangyari ‘to.” Naiiyak na naiinis na wika ko sa sarili. Naglalakad ako palabas ng subdivision nina Catherine. Di ko alam kung saan ako susunod na pupunta para humingi ng tulong. Para akong nawala sa sarili, gulong-gulo ang isip ko. Di ko na alam ang gagawin ko. Nagulat ako ng bigla na lang may nagpreno sa tabi ko. Para akong nagising sa pagkakatulog. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang pulang sasakyan na nakahinto malapit sa akin. Kung hindi huminto ang sasakyan ay tiyak na nasagasaan na ako. Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang taong di ko inaasahang makita ng mga oras na iyon. “Nickolo.” Bulong na banggit ko sa pangalan ng lalaking lumabas sa pulang sasakyan. Bigla na lang nanlambot ang tuhod ko at muntik na akong matumba kong di lang ako nasalo ni Nickolo. “Maddy, are you okay?” nag-aalalang tanong sa akin ni Nickolo. Halata ang pag-aalala sa mukha nito. Bigla na lang akong umiyak sa harap niya. Di ko alam kung bakit pero gusto kong sabihin sa kanya na di ako Okay pero di ako makapagsalita sa harap niya, iyak lang ako ng iyak. “God! May masakit ba sa iyo. Dadalhin kita sa hospital.” Natatarantang sabi niya at binuhat ako. “P-please, huwag mo na akong dalhin sa hospital.” Sabi ko sa kanya sa kabila ng pag-iyak ko. Gusto kong umalis sa pagbuhat niya pero naghihina ako. Di ako makakilos para tumayo. “Then bakit ka umiiyak? May masama bang nangyari sa iyo?” nag-aalalang sabi niya sa akin. “Hindi! Okay lang ako. Okay lang talaga ako.” mahinang sabi ko sa kanya. “Kung ganoon, bakit ka umiiyak?” nagtatakang tanong niya sa akin. Tumingin ako sa mga mata niya. “Ang nanay ko Nickolo. Ang nanay ko, kailangan siyang operahan pero wala akong pera. D-di ko na alam ang gagawin ko.” Naiiyak kong sabi sa kanya. Tiningnan niya lang ako sa mata at bumuntong hininga. “Nasaan siya?” tanong niya sa akin.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD