Nang sabihin ko kung nasaang Hospital naka confine si nanay ay pinasakay ako ni Nickolo sa sasakyan niya at sinamahan sa hospital. Nakatulala lamang ako habang hawak niya ang isang kamay ko at nakasunod lamang ako sa bawat kilos niya. May mga doctor at tao siyang kinausap at nalaman ko na lamang na natuloy na operahan si nanay. Nalaman ko rin na inasikaso ni Nickolo ang gastusin sa hospital at pamilya nila ang nagmamay-ari ng hospital ng batiin siya ng mga staffs, doctors and nurses. Ang tanga ko para di maisip iyo samantang Teixeira nga pala ang apelyido ni Nickolo. Tumabi siyang umupo sa akin matapos niyang kausapin ang doctor na mag-oopera sa nanay ko.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at tumingin sa akin. “Everything will be okay.” Mahinang bulong niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
“Salamat. Maraming salamat talaga. Pero di ko alam kong paano at kaylan kita mababayaran.” Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang rason ni Nickolo para tulungan ako sa sitwasyon ko ngayon. Para siyang anghel sa paningin ko na pinadala ng panginoon para tulungan ako sa problema ko.
Hinawakan ng dalawa niyang kamay ang magkabilang pisngi ko. “Huwag mo munang isipin iyon. Sa ngayon, magpahinga ka muna. Mula ng dumating tayo ay wala ka pang tulog at pahinga.”
“Bakit?” naguguluhan kong tanong sa kanya.
“Anong bakit?” kunot-noong balik niyang tanong.
“Bakit mo ako tinutulungan gayong hindi mo naman ako kilala?”
“I know you.” Mahinang sabi sagot niya sa akin. “I know you more than you know.” Gusto ko pa sana siyang tanungin kong ano ang ibig niyang sabihin pero para akong nawalan ng lakas ng mga oras na iyon at di ko na magawa pang magsalita.
Biglang nagbago ang pagtingin ko kay Nickolo. Malambot din naman pala ang puso niya sa mga tulad ko. Inihilig niya ang ulo ko sa balikat niya. Ipinatong niya ang braso niya sa balikat ko na parang nakayakap. Unti-unti kong naramdaman ang pagod at antok.
“Matulog ka na. Gigisingin kita kapag may balita na sa mama mo.” saad niya sa akin.
Naramdaman ko ang pagtampi ng labi niya sa ulo ko bago ako tuluyang nakatulog.
NAGISING ako nang maramdaman ko ang pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko. Isang malaking kwarto ang nakita ko ng imulat ko ang mga mata ko. Bigla akong napabangon dahil sa di pamilyar na nakikita ko. Nakahiga pala ako sa isang mahabang sofabed. Mukhang nasa mamahaling kwarto ako ng Hospital na ito. Napatingin ako sa higaan na nasa tabi ko at nakita ko si nanay na natutulog. Maraming nakakabit na dextrose sa kanya. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
“Nanay.” Tawag ko sa kanya pero di gumalaw o dumilat man lang si nanay. Para itong mahimbing na natutulog.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Nickolo. Napatingin tuloy ako sa kanya.
“How’s your sleep?” nakangiting tanong niya sa akin.
“Nickolo.” Tawag ko sa pangalan niya. ‘Bakit ito pa ang kinuha mong kwarto? Mukhang mahal dito.” Tanong ko sa kanya.
“This is the room your mother needed. And don’t worry about the cost. I will handle it, Maddy.”
Dahil siguro nakapagpahinga na ako at nawala na ang pangamba sa puso ko ay ngayon ko lang napansin ang pagtawag sa akin ni Nickolo. He knows my name.
“How do you know my name? Ikaw kilala kita dahil sikat kayo ng mga kaibigan mo? Pero ako, paano mo ako nakilala? I mean, paano mo nalaman ang pangalan ko? Di ko matandaan na pinakilala ko ang sarili ko sayo.”
He just looked at me. Nang makita niyang determinado akong malaman ay saka lang siya nagsalita.
“Napanuod kita sa isang quiz bee na nasalihan mo kaya alam ko ang pangalan mo. Isa pa, isa ka sa mga scholar’s ng school, board members ang parents ko kaya alam ko kung sino ka. Nabanggit din ng nurse kagabi ang pangalan mo.”
Nakuntento naman ako sa isinagot niya ngunit may isa pa akong ipinagtataka. “Pero bakit?” nagtataka kong tanong sa kanya. “Bakit mo ako tinutulungan? Hindi naman tayo close o magkaibigan pero tinulungan mo pa rin ako. Wala din akong kakayahan para mabayaran ka agad. So, what’s the catch?”
Lumapit siya sa akin na halos wala ng nakapagitan sa aming dalawa. Hinawakan niya ang baba ko upang itaas at magkaharap ang paningin namin sa isa’t isa. Unti- unti niyang inilapit ang mukha niya hanggang ang labi niya ay malapit na sa kaliwang teynga ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng hangin na ibinubuga niya at biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
“I don’t think that this is the right place para pag-usapan ang kapalit ng pagtulong ko sa iyo.” Bulong niya sa akin. At naramdaman ko na lang ng halikan niya ang leeg ko. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan at alam kong napansin niya yun. Itinulak ko siya palayo sa akin at lumayo naman siya.
Tiningnan ko siya ng masama. “Sabi ko na nga ba, may kapalit ang lahat ng ito.” Inis kong sabi sa kanya. Akala ko sadyang mabait lang talaga siya at gusto lang akong tulungan, iyon pala, may kapalit ang lahat ng ito! Bakit ba ako nagpadala sa kabaitan niya?
Ngumiti siya sa akin ng sarkastiko. “Gusto mo talaga na ngayon natin pag usapan? Okay, walang libre sa mundong ito Maddison. Lahat may kapalit.”
“At anong kapalit ang gusto mo? Alam nating dalawa na wala akong pera para mabayaran ka.” gusto ko siyang sigawan pero baka magising si nanay.
“Tsk..tsk.. Maddison, sinabi ko ba na pera ang gusto kong kapalit? Kung pera lang ang hihingin kong kabayaran, marami na ako nun.” pagmamayabang niya.
“Kung ganoon, anong gusto mo?” halos pabulong kong tanong sa kanya.
Bigla siyang nagseryoso ng tingin sa akin. Kinalibutan ako sa tingin niya sa akin. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ako sa pwede niyang hingiin na kapalit.
“You! Ikaw ang gusto kong kabayaran.”
“NAKIKINIG ka ba sa akin Maddy?” tanong sa akin ni Catherine. Halos isang linggo na rin ang lumipas matapos ang pag-uusap namin ni Nickolo. Nasa hospital pa rin si nanay at nagpapagaling. Lahat ng gastusin at gamot ay si Nickolo ang sumagot. Hindi ako makatanggi sa mga tulong ni Nickolo dahil wala rin naman akong kakayahang pinansyal. Kaylangan kung lunukin ang pride na meron ako. Kakauwi lang din ni Catherine galing Hongkong at di niya pa alam ang nangyari. Hindi ko din magawa na sabihin sa kanya.
“Ha? A-ano ba iyon?” tanong ko sa kanya. Sa pag-iisip ko sa napag-usapan namin ni Nickolo ay di ko na naintindihan ang sinasabi sa akin ni Catherine.
“Ikaw talaga. Kasasabi ko lang na kami na ni Alex.” Kinikilig na sabi niya sa akin.
“Ha?!” gulat at napatayo ako sa sinabi niya. Labis akong nabigla sa sinabi niya.
“Grabe! ang OA naman nang reaksyon mo.” Sabi niya sa akin.
“P-paano na naging kayo? Kakauwi mo lang kahapon galing Hongkong. Paano kayo nagkakilala?” nagtataka kong tanong sa kanya. Ikinewento ni Catherine ang gabi kung saan nagtapat sa kanya si Alex a week before siya pumunta ng ibang bansa. Di pa rin ako makapaniwala sa naririnig ko. How Alex fall in love with Catherine? Di naman sa panlalait pero Catherine has a birthmark on her left face. At sa tipo ni Alex ay pisikal ang laging tinitingnan niya base na rin sa mga babaeng nagiging girlfriend niya. Catherine is not pretty due to her birthmark.
“Hindi ko rin alam kung paano niya ako nagustuhan. Pero sabi niya tanggap niya kung ano ako. Isa pa, alam kung you don’t like him. Pero, Maddy… he’s serious when he said that he likes me. Nararamdaman ko. At alam mo naman na matagal ko na siyang gusto kaya I said yes when he asked me to be his girlfriend.” Masayang sabi sa akin ni Maddy.
Bakit ganito ang nararamdaman ko, parang may mali pero di ko masabi kay Catherine. She looks so very happy. Isa pa, paano ko sasabihin sa kanya ang problema ko kay nanay at Nickolo. Alam nang sabihin ko sa kanya na “Catherine, pautang naman ng five hundred thousand.” Even though we are friends, were not that close para pautangin niya ako ng halos kalahating milyon na alam naming dalawa na mahihirapan akong bayaran. Kahit magtrabaho pa ako sa fastfood sa loob ng isang taon na walang pahinga ay di ko mababayaran si Nickolo sa pagkakautang ko sa kanya.
Napahawak ako sa ulo ko. “Ano bang gagawin ko?”
“Aong gagawin saan?” tanong sa akin ni Catherine. Napalakas pala ang sinabi ko kaya narinig niya.
“W-wala. Don’t mind me. Iniisip ko lang yung midterm.” Palusot kong sagot sa kanya.
“Ikaw talaga. Pag-aaral pa rin nasa isip mo. Mag boyfriend ka naman kasi. Marami namang nagkakagusto sayo dito sa campus pero tinatarayan mo. Ang ganda mo kaya.”
Ngumiti na lang ako ng pilit sa sinabi niya. Kung alam mo lang, Catherine.
DUMATING ako sa room ng hospital kung saan inilagay si nanay. Pagpasok ko ay nakita ko na wala ang nanay sa kwarto. Mabilis akong lumapit sa isang nurse paglabas ko ng pinto.
“Sandali!” pinigilan ko ang kamay ng nurse. “Nasaan ang nanay ko?” nagtataka kong tanong sa nurse.
“Yung pasyente po ba diyan sa 302? Naku po, dinala po uli sa operating room, bigla na lang po kasing nag convulsion habang chinecheck nung nurse kanina.”
Hindi na ako nagpaalam sa nurse at dagli akong pumunta sa operating room. Nakita ko si Nickolo sa labas ng operating room. May kausap siya sa phone at tinapos ang usapan nila ng kausap niya nung nakalapit ako.
“Your mother needed the operation again. There is an infection on her surgery.” Sabi niya sa akin.
Tumingin ako sa nakasarang pinto ng operating room. Bigla na lamang bumukas ang pinto at lumabas ang isang Doctor. Lumapit ito sa aming dalawa ni Nickolo.
“Sir, uumpisahan na po ba ang operasyon?” tanong nung Doctor kay Nickolo.
Tumingin sa akin si Nickolo. “Sandali lang, hintayin muna natin ang isasagot ng anak niya. Ano na Maddison? Sisimulan na ba ang operation? You need to decide now.”
Itinaas ko ang ulo ko at tumingin sa mukha ni Nickolo. Mas matangkad kasi siya sa akin. I am only 5’2 while he is, I think is 6’1. I had no choice; my mother needed this operation and I need my mother. Tumango ako kay Nickolo.
“Yes, umpisahan na po ninyo.” mahina kong sabi pero sinigurado kong narinig ako ng Doctor at ni Nickolo. Umalis na ito at pumasok na sa loob ng operating room.
Nickolo smile at me. “Hindi mo pagsisisihan ang desisyon mo Maddy. You choose the best option.”
“I don’t need to choose Nickolo.” Sarkastiko akong ngumiti sa kanya. “At the first place, you don’t give me an option.”