Kabanata 17 Note: Mature Content. Read at your own risk. _____ "I know you're sad," aniya sa akin. "Come with me. Let's go get some fresh air." yaya niya sa akin. Dali niyang hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako patungo sa labas ng kanyang condo. Dumiretso na kaagad kami sa kanyang kotse at agad niya itong pinaandar. Aalis ba talaga kami? Hindi ko inaasahan na aalis kami. At gusto ko ding maibsan ang lungkot na nararamdaman ko sa ngayon. Sinabi niya lang sa akin na pupunta kami sa lugar kung saan makakalanghap kami ng sariwang hangin. Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Palubog na ang araw habang may kulay orange na ulap. Sinubukan kong tanungin siya kanina kung saan kami papunta ngunit hindi lang niya ito sinabi sa akin. My God. "Alam kong magugustuhan mo ang luga

