Kabanata 16 Kinakabahan ako habang kaharap ang ina ni Whyth at si Sierra. Hindi ko inaasahan ang kanilang pagdating dito as mas lalong hindi inaasahan ni Whyth ang pagdating nila. Ano ang kanilang ginawa dito? Kinakabahan tuloy ako. Alam ko namang may galit sa akin si Sierra. Ano na naman kaya ang sinabi niya sa Ina ni Whyth. "That girl Tita," turo sa akin ni Sierra. Kasama niya ang ina ni Whyth. "Siya ang dahilan kung bakit ayaw na magpakasal sa akin si Whyth." turo niya pa ulit sa akin. Tinignan lang ako mula ulo hanggang paa sa ina ni Whyth at tinignan ako ng masama. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Damn it. Ayaw ko ng gulo, sana naman at hindi nila ako guguluhin o susugurin. Wala din naman akong intensyon na lumaban sa kanila, tanging magagawa ko lang ay ang protektahan ang sarili ko

