Kabanata 48 Nasaktan ako nang marinig iyon. Naalala ko bigla ang problema namin dito. Masakit lang isipin na matutuloy ang kanilang kasalan. Gusto ko man humadlang ngunit hindi ko iyon magawa. Tanging pinatatag ko na lang itong aking sarili at patatagin ang tiwala ko sa kanya. Hindi ko gustong umiyak kaya pinatatag ko lang ang sarili ko. Sa sinabi niya nga sa akin, 'Crying is not the solution'. Ang pag-iyak ay nakakatulong upang maipalabas ang kalungkutan na iyong nadarama, ngunit sa aking sitwasyon, hindi rin naman pwedeng umiyak na lang ako palagi. Napaupo nalang ako sa sofa habang siya ay napaupo na rin sa tapat na sofa. Tahimik lang kami at sa tingin ko, namomroblema din ito. "Matutuloy pa rin pala ang kasal ninyo ni Sierra," panimulang sambit ko sa kanya. Malungkot man ako sa bali

